Untitled Part 33

123K 2.2K 46
                                    


Stacey is on her desk trying to draw some designs nang lapitan siya ni Cherry.Pumwesto ito sa gilid ng lamesa niya bago hinila ang sariling upuan.

"Stace na lang tawag ko sayo ha? Para maiba.Tutal bagay naman sayo.Lalong tunog sosyal,parang ang beauty mo." kindat nito.

Natawa na lang siya as she tried to continue what she's doing.

Cherry looked at what she's drawing.Habang nakatingin sa ginagawa niya, she asked."Stace,ilan ang nobyo mo?" 

"Wala akong boyfriend."sagot niya habang patuloy sa pagguhit.

"Ano?? Sa ganda mong yan? Wala kang nobyo??" nanlalaki ang matang tanong nito.

Umiling si Stacey.

Humalukipkip ito bago nagsalita ulit.

"Kaya yata ako hindi ginawang saksakan ng ganda kagaya mo kasi if ako ikaw..magbibilang ako ng nobyo! Sayang ang alindog mo! May ipapakilala ako sayo Stace! For sure magugustuhan ka nun and you will like him too!" kilig na sabi nito.


"Aren't you supposed to be  working Miss Mendez?!" an authoritative voice asked.

Muntik na itong mapatalon sa gulat ng marinig ang boses ni Nick.

Stacey just threw him a glance.As much as possible gusto niyang umiwas sa boss niya.

"Ay sorry po  sir.Nagpapahinga lang po ako ng 5 minutes." paliwanag nito bago ibinalik ang upuan sa sariling lamesa.

"Miss Ledesma,isasama kita sa isa sa mga auto-detailing shops ko.Yun ang gagawan mo ng designs for a new ad.I'll wait for you in the basement parking ." he said bago lumabas.




Stacey stood up and gathered her things.

"Stace! Ang swerte mo naman! Alam mo ba na ngayon lang ginawa ni sir yan?" panunukso ni Cherry.

"Ang alin?" she asked bago kinuha ang bag.

"Isama ang graphic designer.Usually inuutusan lang niya ang company driver para samahan sa site.Ikaw bongga! Si sir pa mismo ang kasama mo! Iba na talaga ang diosa! Bagay na bagay kayo pramis!" kilig na sabi nito.

"Hay naku Cherry! Huwag mong lakipan ng malisya.Nobyo siya ng kapatid ko kaya ganyan siguro siya sa akin.Sige na.Baka mapagalitan pa ako.See you later!" paalam niya sa sekretarya.




Paglabas niya ng elevator,she saw a white BMW X6 na nakaparada sa hindi kalayuan.Nang makita siya ng unipormadong  driver na nakatayo sa gilid nito agad siya nitong nilapitan para kunin ang dala niyang mga folders.

"Ay kuya ako na lang.Magaan lang naman ito." nahihiyang sabi niya.

"Ako na po mam.Ako nga po pala si Norman." pakilala ng driver.Nasa early 40s siguro ang idad nito.

Wala na siyang magawa kung hindi ibigay ang dala niya.

"Dito po mam.Sakay na po kayo." sabi nito as he led her to the car.Binuksan nito ang pintuan sa likuran.

"Stacey na lang po mang Norman." she said.

Muntik na siyang mapasimangot ng makita niyang sa tabi ni Mr.Sungit siya uupo.

Tahimik siyang sumakay habang nakatingin lang sa kanya ito.He has a serious expression.

Buti naman hindi mukhang galit.--she thought.

His Lovely Obsession (   published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon