Untitled Part 28

121K 2.4K 43
                                    


"Aren't you gonna get that, Miss Hotness? Baka yan yung gagong sinasabi ko." biro ni Blake.

She let out a nervous laugh.

"Sige na baba na ako.Salamat and sorry ulit." she said .

Ayaw niyang marinig ni Blake ang pag-uusap nila ni Derick.Nakakahiya pag nalaman pa nito ang set-up nila.Isipin pa nito na desperada na siya kaya siya pumayag.

He just nodded.

"Basta remember what I told you okay? You are for keeps Stacey." he touched her face bago ito  bumaba to open the door for her.



Gigil na gigil si Nick dahil hindi sinasagot ni Stacey ang tawag niya.Ang tagal na ng mga ito sa loob ng kotse.Tapos heto nakikita niya bumaba ang kasamang lalake nito at pinagbuksan ng pintuan si Stacey.

Don't you dare touch her you fucking bastard!!--mura niya sa utak niya.

Hinanda niya ang sarili niya.He got on his big bike but didn't  turn on the engine.He told himself na pag nakita niyang hinawakan nito kahit siko lang ni Stacey ,susugod na talaga siya.Anyway,he has his helmet on so hindi makikita ng mga ito ang mukha niya.


"Sige na,pasok ka na." Blake said.

She nodded.She got her key then opened the gate.Ayaw na niyang istorbohin si Amy so nagdala na siya ng sariling susi.

He waited for her to get inside  bago sumakay ulit  sa kotse nito.

Pagkaalis ni Blake,she decided to call Derick.Nasa garahe pa din siya.

Nakita niya ang dami na naman nitong missed calls.

She let out a heavy sigh.Magda-dial pa lang siya ng makita niyang tumatawag na naman ito.

"H-Hello.." she answered.

She heard his shallow breathing.

Alam niya na galit ito dahil sa tinext niya kanina.Nadagdagan pa dahil hindi na naman niya nasagot ang mga tawag nito.

"Lumabas ka ng gate.Nandito ako sa likod ng itim na van malapit sa poste.Four houses away from yours." he said in a gruff voice.

"S-Sige." sagot niya.

She quietly opened the gate then closed it again.

Nakita niya ang sinasabi nitong van.She walked towards it.Ng malapit na siya, she saw him on his motorcyle pero nakapatay pa ang makina.Naka-helmet ito ng itim at leather jacket na itim din ang kulay.He turned his head behind him.

She nodded.She knows pinapasakay siya nito sa likod.Buti na lang naka-jeans siya.

Ng makasakay na siya,."Wrapped your arms around me!Kumapit ka ng mabuti!" utos nito sa paos nitong boses.

Idinikit niya ang mukha niya sa likod nito and yumakap siya ng mahigpit.Muntik na siyang mapasinghap when her hands touched his six pack.She bit her lower lip as she inhales his pleasant musky smell.Na-realize niya na  sobrang namiss niya  talaga ito.

First time niyang umangkas sa motorsiklo.Kung hindi siguro si Derick ang kasama niya baka natakot na siya.But she feels secure when she's with him.Ramdam niya na hindi siya nito papabayaan.

Kahit wala siyang masyadong alam sa mga big bikes,she knows na mamahalin ang gamit ni Derick.Naisip din niya ang binigay nitong bracelet sa kanya.Natanong tuloy niya ang sarili kung ano kaya ang trabaho nito.

His Lovely Obsession (   published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon