Untitled Part 41

107K 2K 67
                                    

Hindi na namalayan ni Stacey that she is  in her car.

Natauhan siya ng mag-ring ang phone niya.

Nakita niya na ang boss niya ang tumatawag.

She ignored the call.Inilabas niya ang kotse niya sa basement parking.

Wala na siyang pakialam if sisisantihin siya ni Nick.She wants to get away from him.Bukas na siya babalik ng opisina.

Wala siyang alam puntahan so she called Eve.




"Sure ka na iinom tayo?" tanong ni Eve as she opens a bottle of vodka.

"Dito lang naman tayo so okay lang."sagot niya.

Eve shrugged.

"Sabagay maaga pa naman.In case malasing tayo,shower lang ang katapat .For sure wala na ang tama mamayang gabi.Magpalit ka muna ng damit so you'll be more comfortable.Pahiramin muna kita." Eve suggested.

Stacey just nodded.They are in Eve's tiny living room.

Hindi talaga siya umiinom pero bad-trip talaga siya kay Nick.Balak pa talaga siyang isahan nito.

Ang sakit ng nararamdaman niya  kasi sa loob-loob niya umasa siya na kahit papaano totoo ang mga sinabi nito sa kanya.To think na parang nagtataksil na siya kay Derick dahil nagpahalik na naman siya dito.

Eve handed her a white sleeveless body fit shirt and short floral skirt.

Tumayo siya to change her clothes in the bathroom.Pagbalik niya nakaupo na ulit si Eve sa sofa habang nagsasalin ng alak.Inilapit nito ang lamesa sa couch.

Nakakunot ang noo na tinignan siya ni Eve mula ulo hanggang paa.

She carelessly sat on the sofa too.She got one throw pillow to put on her lap para kahit papaano matakpan ang panty niya pag nakaupo siya.

"Girlfriend,ano ba ang problema?" Eve asked bago inabot ang baso with vodka sa kanya.

Tinungga ito ni Stacey then leaned forward the table para kunin ang buong bote at magsalin ulit sa baso.

Tumaas ang kilay ni Eve.

Dalawang sunod na salin at tungga ang ginawa niya before munching on some chips.

"Hmmm...mukhang mabigat ang dinadala mo.." Eve joked as she popped some chips in her mouth.

Stacey sighed bago nagsalin na naman ng alak.Maybe after several drinks makakapag-open up na siya sa kaibigan.

"Girlfriend,may napansin ako sayo just now." seryosong sabi ni Eve.

Bumaba ang tingin nito sa dibdib ng kaibigan.

She took a sip before looking at her."Ano?"

"Kung hindi kita kilala,sasabihin ko na may boyfriend ka na."

Napakurap si Stacey then sinaid ang laman ng baso bago nagsalin ulit.

"Dahan-dahan.Hanggang mamaya pa naman tayo.Baka hindi na kita makausap ng matino niyan eh." saway nito.

"Okay.Sorry." hagikhik ni Stacey.She feels a little light-headed already.

"Your boobs seem to be bigger.Tapos your eyes don't look innocent unlike before.I hope you don't mind my asking,have you had sex already?"

Natigilan si Stacey sa tanong ng kaibigan.

Then dahil sa epekto ng alak,she just started to giggle.

His Lovely Obsession (   published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon