Untitled Part 31

125K 2.4K 63
                                    


FUCKING HELL! Nakikipaglandian siya kay Billy!--he thought furiously as he glares at Stacey.

Pinigilan ni Stacey na bumuntunghininga.

Bigyan niyo po ako ng super powers para  hindi ko mapatulan ang lalaking saksakan nga ng guwapo inani naman lahat ng kasungitan at kahambugan sa mundo.Masama pa naman pong pumatol sa boss.--piping dasal niya.

 Ang aga-aga galit na agad ang monster boss niya.To think na Lunes na Lunes pa naman.Wala na ang wound dressing nito pero medyo nangingitim pa din ang panga.Pero sa totoo lang,kahit may pasa pa ito,ang ganda talagang lalake.Nagmumura sa appeal.He looks even hotter in his business suit. Bagay talaga ang bansag na PNMK.

Patay malisyang bumalik sa lamesa niya si Cherry pagkatapos  nag-good morning sa boss.

"Mate! Gandang umaga!" masayang bati ni Billy bago sumaludo sa kaibigan.

Nick ignored him,"Miss Mendez! Na-orient mo na ba si Miss Ledesma ?" he asked curtly.

"H-Hindi pa po sir." mahinang sagot ni Cherry.

Lalong dumilim ang mukha ni Nick.

"Kung ano-ano ang inuuna niyo! Sige na! Tell her what she needs to do and after 15 minutes  go to my office Miss Ledesma!" tila haring utos nito.

"Opo sir.!" sabi ni Cherry.

Stacey pouted.Sinalubong niya ang matalim na titig sa kanya ni Nick.

Tahimik naman na nakatingin sa kanila si Billy.

"Yes sir.Would that be all? " she asked in a very polite way.

He didn't answer.A muscle jerked in his jaw.

Without tearing his eyes from her, he said," Follow me to my office Billy!" 

Akala ni Stacey hindi pa ito aalis but after a few seconds tumalikod na ito.

Billy mouthed sorry to her habang nakangiti.She just nodded and smiled at him too.

Sakto namang lumingon ulit is Nick and saw their exchange.

Stacey thought she heard him cursed.

"BILLY!" galit na tawag nito.

He stepped aside  para paunahin si Billy na pumasok sa opisina niya while he stared angrily at Stacey again.After a few seconds tumalikod  na ang dalaga to talk to Cherry.

Ngingiti-ngiti lang ang kaibigan as he entered his office.

He slammed the door after him.Kunot na kunot ang noo niya.

"WHAT THE FUCK IS THAT ALL ABOUT?" he rasped.

"Mate! Kalma lang." may himig ng pagbibiro ang boses ni Billy as he raised both his hands."Hindi ako lalaban." dagdag pa nito.

"Kalma?!! Ang aga-aga mong mambola ng bagong empleyada ko! Bakit ka ba nandito?!" galit na tanong ni Nick as he went to his personal fridge to get a beer.He didn't even bother to give his friend like he used to.Ibinagsak niya ang katawan sa swivel chair and opened his beer.He gulped some of it bago padabog na ibinaba ito sa lamesa.

Tumaas naman ang kilay ng kaibigan.

"Ang aga naman niyan mate! Ano bang problema?" Billy asked as he pretends to be interested sa mga papeles na nasa lamesa ni Nick.

"Put that  down!" bulyaw ng kaibigan.

Kunway takot na ibinaba ni Billy ang folder.

"Chill mate! Bakit ba ang aga-aga mainit na ang ulo mo?Tsaka bakit magtatrabaho dito si Stacey?" kunot noong  tanong nito as he sat down on the chair in front of his friend's desk.

His Lovely Obsession (   published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon