"pero wag kang mag-alala wala akong pinagsabihan" parang nabasa nya ang isip ko nay un ang gusto kong itanong.

"Salamat Kevin" isa talaga syang tunay na kaibigan.

"Wala yun. Nakikita ko naman kasi na masaya ka kay Rae. At saka nakikita ko rin na talagang mahal ka nya. Kita mo nga ang nangyari sa kanya ngayon. Sino bang hindi mahuhulog sayo? Kahit ako nga Ces, nahulog din"

"Kevin .." wala akong ibang masabi sa inamin sya. hindi ko inaasahan ang pag-amin na ito galing sa kanya.

"Wag kang mag-alala Ces, wala naman akong balak na ipursige tong nararamdaman ko sayo. At least diba, nasabi ko na sayo bago man lang ako pumasok sa seminaryo" nakangiting sabi nya pero kita ko ang bahid ng sakit sa mga mata nya.

"nakapagdisisyon ka na pala?"

"Oo, kagabi lang. mapapanatag na rin kasi ang loob ko dahil alam kong may tao ng handang mahalin ka ng totoo at alam kong aalagaan ka"

"kung ganon, mag-iingat ka dun. Wag mo kaming kakalimutan pag pari ka na ha" pagbibiro ko sa kanya.

"Oo naman. Sus kayo pa ba? Saka nga pala pakisabi na rin kila Kathy at Erica na alam kong 'sila'. Sabihin moa ng daya nila, ang dayo nyo kasi parang hindi na ako parte ng barkada" kunwaring pagtatampo nito. Kahit papano nakaka-guilty rin na nagtatago kami ng lihim sa kanya.

"Sorry Kevin"

"Sus binibiro ka lang eh!" natatawang sabi nito.

"basta sorry pa din. Pangako, palagi na akong magsasabi sayo.saka sasabihin ko rin kila Erica at Kathy na ganun din dapat sila"

"sige ha. Aasahan ko yan. Basta ang mahalaga sakin maging masaya kayo sa mga babaeng minamahal nyo. Saka Malay mo lalake din pala ang para sakin, diba te?" natawa ako sa pag-arte nya na parang bading. Pero agad ding nawala yung ngiti ko nung maalala ko yung sinabi ni tyang kaninang umaga.

"Mukang hindi na mangyayari yun Kevin" malungkot na sabi ko.

"Ha? Bakit naman?"

Kinuwento ko kung anong nangyari kanina

Flashback

"Tyang" mahinang sabi ni Cecille. Hindi nito inaasahan na madadatnan ang tiyahin sa bahay. Hindi nya ito napansin na nakaupo sa kawayang upuan nila sa sala.

"nakakapandismaya ang nalaman ko tungkol sayo Cecille. Ikaw pa naman ang inaasahan ko" umiiling na sabi ng tiyahin nila Cecille at Alvin.

Napayuko na lamang ang binata at nakaramdam naman ng panlalamig sa katawan si Cecille.

"'nak --" napahinto sa ano mang sasbaihin nya si Emman ng mapansin nya na parang parehong naistatawa ang mga anak nya.

"Ate Cristina" tanging nasabi ni Emman.

"Sabi ko na ng aba hindi mo kayang alagaan itong mga pamangkin ko!"

"Ate hindi ko naman ginusto ang nangyari. At inaalagaan ko sila sa abot ng aking makakaya. Hindi ko pinapabayaan ang mga anak ko"

"Kung ganun ay bakit nangyari ito? Cecille. Mag-ayos ka na ng gamit mo. Sa akin na titira habang nag-aaral ka ng college" nabigla ako sa sinabi nya Tyang pero naging mabilis ang pagtutol ko.

"Ayoko po Tyang. Naka-enroll na po ako sa College sa bayan" sabi ko sa kanya.
"pwede ka pa naming lumipat hanggang hindi pa nagsisimula ang klase. May kakilala akong Dean sa College sa bayan namin" tumingin ako kay Tatay, nanghihingi ako ng saklolo.

"Oo nga Ate. Naayos na ni Cecille ang admission nya. Saka dun din naman nag-aaral si Alvin kaya siguradong mababantayan nya ang kapatid nya" tumango ako sa sinabi ni tatay.

Meeting CecilleWhere stories live. Discover now