"Gail," seryosong tono niya. "May problema ka ba?" tanong niya.

"Wa-wala..." mahinang sagot ko.

Mariin siyang napapikit at huminga ng malalim. "Am I just too paranoid?" tanong niya. Bahagya naman akong napayuko.

"You were with Darryl earlier." napatingin ako sa kanya. "Pumunta kayo sa sementeryo. Binisita niyo yung Kuya niya."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na kasama ko si Darryl at doon kami nagpunta?

"Paano mo nalaman?" mahinang tanong ko.

"Sinabi sa akin ni Darryl." aniya. "Gail, sinabi niya sa akin na gusto ka niya, sabi niya aagawin ka niya sa akin. Ano pa bang sinabi niya sa'yo?" he desperately asked. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi alam ang sasabihin.

"Ano pa? Gail?" aniya. Lumalim ang tingin ko sa kanya. Pumasok sa isip ko ang mga sinabi ng doktor niya kanina. Kailangan kong lumayo muna sa kanya.

"May mangyayari ba kapag sinabi ko sayo yung mga sinabi niya? Wala naman di ba?" malamig kong sagot sa kanya. Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko.

Huminga ako ng malalim. "Because in the end you will not listen to us, you don't want to listen to us. Kasi 'yang pagiging makasarili mo pa rin ang papairalin mo. At the end wala rin kaming magagawa kasi ikaw pa rin ang masusunod. Sabi niya aagawin niya ako sa'yo, sabihin mo nga Jared magagawa niya ba yun? Hahayaan mo ba yun? Knowing you, napasunod mo nga lahat para lang makuha ako. Dapat ka bang mabahala sa sinabi niya? Do you see that as a threat?"

"Gail..." may sasabihin pa sana siya pero hindi na niya natuloy.

"Natatakot kang mawala ako sa'yo kasi iniisip mo na matutulad ako sa first love mo? Jared..." huminto ako para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko. "Jared, hindi ako ang first love mo."

Bumagsak ang magkabilang balikat niya pagkasabi niya nun. Mabilis siyang humakbang palapit sa akin at niyakap ako.

"Gail..."

"Jared, hindi ako siya eh..." sinubukan ko siyang itulak palayo sa akin pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. "Mahal mo pa siya hanggang ngayon di ba? Kasi kung hindi na, hindi ka dapat ganito ngayon. Patay na siya pero binubuhay mo siya sa akin."

Sumuko na ako sa pagkalas sa kanya at hinayaan na lang siyang yakapin ako. Tahimik lang akong umiyak. Ayokong lumayo kay Jared kahit na mahirap gusto kong lang na makasama siya.

Please don't let me go.

"Gail, I'm so sorry..." his voice broke. "It wasn't my intention to make you feel that way. Kaya ayaw kong maungkat ang tungkol sa nakaraan ko, ang tungkol kay Sai at sa lahat lalo na ngayong nandito ka na. I don't want you to think that I'm still in love with her because right now I am so in love with you. Mahal na mahal kita, Gail. I'm so sorry because I'm just too paranoid. Makasarili ako, alam ko. Nasasaktan kita dahil ganito ako pero Gail... nasasaktan din ako." humiwalay siya sa akin.

Tumingin ako sa kanya. Tumingala siya kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. Kita ko kung paano niya gustong itago ang lahat ng nararamdaman niya ngayon sa akin. Bahagya akong napayuko.

Nasasaktan siya. Nasasaktan ako. Nasasaktan kami pareho.

Ang paglayo sa kanya ngayon ang sa tingin kong makakabuti para sa amin ngayon. We need to find ourselves because I think we're lost. Nawawala kami sa gitna ng nararamdaman namin para sa isa't isa.

"Gail....I-I..." tiningala ko siya. Mariin siyang pumikit habang mariin ang tingin sa akin. He's trying to hide everything. Marahas siyang bumuntong hininga at mabilis na humakbang palapit sa akin.

"Jared, I'm so sorry. I'm so so-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hatakin niya ako palapit sa kanya at siniil ng malalim na halik. Ramdam ko ang frustration niya sa mga sandaling ito. He's pouring it our through his rough kisses.

Hinawakan niya ang likod ko at marahan itong tinulak palapit sa kanya. Tahimik lang akong umiiyak. Hindi dahil sa marahas ang halik niya dahil nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya at yung sakit na nararamdaman ko.

Bakit ba ang hirap ng sitwasyon naming dalawa? Bakit hindi na lang kami maging masaya tulad ng iba. I'm willing to give up the dreams that I have, the hopes that I'm holding just to be with him. Mahal namin ang isa't isa. Hindi pa ba sapat yun?

Nung humiwalay siya sa akin ay malalim at makahulugan ang tingin niya sa akin. Bahagya akong napayuko habang patuloy pa rin ang pagtulo ng aking mga luha. Nakita ko ang paghakbang niya palapit sa akin.

"Gail..." hinawakan niya ang baba ko at marahan itong inangat para makatingin ako sa kanya.

"I would rather see myself breaking because of myself than see you breaking because of me." marahan niya akong hinatak palapit sa kanya at niyakap. "I'm so sorry because you need to go through all of these. I'm so sorry for dragging you to this miserable life of mine. You are too young to experience this. I'm so sorry because I let my desires turned me like this." mahinang sabi niya.

Marahan akong umiling.

"Gail, mahal kita. Mahal na mahal kita hindi dahil kay Sai, sa first love ko pero dahil ikaw si Gail. Si Gail na nakuha kaagad ang atensyon nung una kitang makita. I love you because of who you are. Kaya tayo nandito ngayon dahil mahal kita. Sana paniwalaan mo ako..."

He slowly kissed my forehead.

"I will let you this time, Gail. Naniniwala pa rin ako na magiging maayos tayong dalawa. Maayos natin to. I can wait. I can wait even if that means that I have to deal with pain. Kaya kong mag-antay ng matagal sa'yo, Gail. Mag-aantay ako..." his voice broke. "If you love me enough then don't give up. Don't give me up. I can wait, Gail. I can. But... whatever your decision is I will respect it."

Humakbang siya palayo sa akin. Sinalubong ko ang tingin niya sa akin. Sandali siyang tumingin sa akin bago siya tumalikod at tahimik na lumabas ng kwarto ko.

I'm so sorry for hurting you, Jared.

Tahimik lang akong umiiyak habang inaayos ko ang mga gamit ko. Ang daming tumatakbo sa isipan ko. Natatakot ako sa mga desisyong ginagawa ko ngayon. I'm so scared that I might get lost along the way. Pwede bang maging makasarili na muna ako ngayon? But I can't.

Halos hindi ako nakatulog sa kakaisip kaya maaga palang ay nag-ayos na ako. Isang text ang natanggap ko kay Mama na papunta na raw ang driver namin dito para sunduin ako. Pinasabi ko naman kay Mama na antayin na lang ako ni Manong sa baba at huwag ng mag-abala pang umakyat dito dahil isang maleta lang naman ang dala ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay kaagad kong nakita si Jared na kakalabas lang din ng kwarto niya. Huminto siya at tumingin sa akin tapos ay bumaba ang tingin niya sa maletang nasa tabi ko.

"Uhm..."

"You're leaving?" malamig niyang tanong habang mataman siyang nakatingin sa akin. Sandali akong napayuko at marahang tumango. "Doon na muna ako kina Mama." sambit ko.

"Fine." iyon lang ang sinabi niya at tsaka siya dumiretso papuntang kusina. Tinignan ko lang siya hanggang sa daanan niya lang ako at hindi na muling tinapunan ng tingin.

Sandaling kumirot ang puso ko. I'm expecting that he will stop me but he didn't. Bumuntong hininga ako at pilit na ngumiti. Nagpatuloy na ako sa paglakad habang hila-hila ko ang maletang dala ko.

Fine.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now