I

11K 180 11
                                    

Trabaho

"You only have 0. Balance in your account. Please reload immediately."

Pati ba naman cellphone Zero balance na? Wala na talagang natira sakin, kundi ang perang mapagkakasya ko sa isang bwan. Isang bwan nga ba? Sapat na ba ang tatlong libo para sa isang bwan? Maaaring oo, maaaring hindi.

Pero sa sitwasyon ko alam kong hindi ito kakasya. Wala na akong magulang, ang tatay ko isang German isa syang kapitan ng barko,nabuntis nya ang nanay ko at pinangakuang babalik pero, wala.

Hindi ko naman magawang magalit sa kanya kasi kahit pagbali-baliktarin ang mundo tatay ko parin yun, at may iniwan naman syang bahay samin ni mama pero nung nagkasakit si mama dahil sa trabaho nya kinailangan ko yung ibenta para ibayad sa ospital.

Wala akong matakbuhan sa probinsya dahil itinakwil nila ang nanay ko sa di ko malamang dahilan, kaya eto ako magisa sa mundo.

Umalis na ako sa bahay namin pagkatapos ko itong maibenta humingi ako ng isang bwang palugit para makapaghanda handa. Mabuti nalang at di ako sanay sa marangyang buhay kundi di ko alam kung paano ko ba bubuhayin ang sarili ko ngayon. Ibinenta ko na rin yung cellphone ko sa kapitbahay para dagdag pa sa pera ko na aalis.

Napabuntong hininga nalang ako, bahala na.

Naghahanda na ako ng tutulugan ko dito sa isang parke,wala namang nagsasabing bawal matulog dito. Wag lang may dumaan na mga tarantado!

"Rae, kaya mo yan. Maghanap ka nalang muna ng trabaho saka mo na problemahin ang pagaaral mo." bulong ko sa sarili ko, nagstop ako sa college dahil sa nangyare kay mama, second year Business Administration student ako sa isang pampublikong university, at sana pag ka nagkatrabaho nako matustusan ko ang pagaaral ko, sayang naman yun noh.

Saka turo sakin ng nanay ko na kapag may pinagaralan ka mas magandang posisyon sa trabaho ang mapapasukan ko, kaya kahit nahirapan syang paaralin ako ginawa nya parin ang lahat.

Naglatag na ako ng mga dyaryo at dahil likas ang pagiging bookworm ko nagbasa ako ng mga articles at umaasang may job offer dito.

"Wanted: Yaya, must be 18 years old college student. Single. Apply at Yu's residence #2526 Forbes Homes"

Hinanap ko ang date ng dyaryo, sana bago lang to at napahingang malalim ako ng malamang kahapon lang itong dyaryong hawak ko.

Singkwenta ang pamasahe papuntang forbes, at syempre bago pa man ako magaapply ay makikigamit muna ako sa pampublikong CR para makaligo. Excited na ako para bukas, at sana matanggap ako. Sana!


Pagkatapos kong maligo sa cr bumili ako ng resume sa isang school supplies store, biglang kumalam ang tyan ko. Naalala ko di pa ako kumakain simula kagabi, oo kelangan kong magtipid pero di ko dapat patayin ang sarili ko sa gutom.

Pumunta ako sa isang fastfood chain at umorder ng isang Fried chicken, pagkatapos kong ubusin ay dumiretso ako sa sakayan ng tricycle para pumunta sa forbes.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko at bumuntong hininga, wala naman sa requirements ang magarang kasuotan kaya siguro pasado na itong simpleng jeans at sleeved shirt.

"Magandang hapon manong, nabasa ko ho na naghahanap po kayo ng aplikante para maging yaya. Gusto ko po sana magapply" sabi ko at tumango naman sya para papasukin ako, namangha agad ako sa harapan palang ng bahay.

Mint green ang labas at pastel pink and mint green ang sa loob, refreshing. Manghang mangha ako sa mga kagamitan ng bahay, simple pero sumisigaw ng karangyaan ang bawat gamit. Nakarinig ako ng takong na bumababa sa hagdan "Oh you must be the applicant, I am Mrs. Yu" sabi nya sabay ngiti.

If I Got ZEROWhere stories live. Discover now