C h a p t e r 51: A weird date

Start from the beginning
                                    

"Ang sarap mo kasing ihampas sa pader. Ano ba kasing naisipan niyo at gumawa kayo ng date?!" Sigaw ko sa kanila.

"Ikaw Luhan hyung, Langaw ka ba?"

"Bakit?"

"Ang sarap mo kasing hampasin. Napaka arte mo kami na nga gumagawa ng paraan para malaman ni Frixie na may gusto ka sa kaniya eh! Tsk, kahit kailan kasi ang bagal bagal" sabi ni Chen na ngayon ay naka suit pa.

Lahat sila nag-aayos. Nandito kami sa rooftop ng SME Buil. dito nila naisipan gawin yung kalokohan nilang date kuno na yan.

"Dont be so girly hello kitty"

"Hindi naman ako girly babs, manly ako. MANLY"

"Whatever" tuloy pa din sila sa pag-aayos ng lahat.

Maya-maya biglang namatay yung ilaw.

"Yan ganyan na lang bago dumating si Frixie" DO

"SHET! May lumulutang na damit!" Sigaw ni Chen sabay turo kay Kai.

"HAHAHAHAHA ANG BENTA" Chanyeol.

"CHEN!!! Umuwi ka na nga sa egypt!" Sigaw ni Kai tapos tumakbo papunta kay Chen.

"Sigurado ba kayo na gagana itech mga eklavush niyo kay prinsesa?" Ang bakla talaga nito.

"Hoy Baekhyun tumigil ka sa kabaklaan mo ha!" Suho.

"Pano ba yun hyung? Parang pagtigil lang ng height mo?" Sagot naman sa kaniya ni baek tapos nag peace sign pa.

"Wag kang gagamit ng black card ko ha."

"Hyung joke lang eh! Eto na nga oh, magpapakalalaki na ako"

Hindi ko alam kung anong naisipan nila. Basta kaninang tanghali sabi ni Sehun mag mall daw kami pero dito kami dumiretso sa building tapos lahat sila nag-aayos na. Si Chen yung kakanta si Baek naman ang magpiano. Yung iba makikinood lang, magutom sila jan. Pakana nila to.

Ano kayang magiging reaksyon ni Frixie sa kalokohan nila? Tsk.

Biglang tumunog yung cellphone ko kaya tinignan ko. Si Lay hyung pala nagtext na.

"Andito na daw sila!" Sabi ko. Agad na pumunta si Chen sa pwesto niya at si Baekhyun. Yung iba nagtago naman.

Frixie's POV

Ilang beses na tumatama yung mukha ko sa pader huhuhu. Si Lay oppa kasi tinakpan pa yung mata ko tapos iniiwan din ako. Tapos pag balik niya nakalimutan daw niya ako huhuhu. Bibilan ko na talaga siya ng memo plus eh huhu.

Maya-maya tumigil na kami.

"Frixie dito ka lang ha! Andito na tayo" sabi ni Lay oppa saakin.

Tinanggal ko yung piring ko sa mata pero wala din naman akong makita madilim.

Ah! Alam ko na kung bakit.

"Ang daya niyo naman, wala man lang maiba taya. Ako agad yung taya, ni hindi ko nga alam na maglalaro tayo ng tagu-taguan dito. Eto pala yung surprise! Huhu ang daya niyo oppas ha" sabi ko tapos may biglang tumawa kaya lalapit na sana ako don pero may biglang humawak sa braso ko.

"Di tayo nagtatagu-taguan. Andito tayo para mag ... mag ... d-date" sabi niya. Hala yung heart ko ayan nanaman. Pero date? Ano bang titignan namin sa kalendaryo?

"Ano bang titignan natin sa kalendaryo?"

"Huh?!"

"Sabi mo date" napahilamos siya sa mukha niya.

Newest Member of EXO is a girl [EXO-FF]Where stories live. Discover now