Chapter fifteen: leaving us gasping for every breath

12.5K 276 17
                                    

15

Pag labas niya ng kanyang bahay ay laking gulat niya't nasa labas na niyon ang kapit bahay niyang si Chris.

Kita niyang naka ngisi ito sa kanya na siyang ikinunot ng kanyang noo.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya rito pag katapos niyang i-lock ang pinto.

"Iniintay ka. Diba halata?"

"Iniintay? bakit?"

"May date tayo ngayon nakalimutan mona ba?" sumandal ito sa itim na sasakyan habang namulsa.

Ngumisi siya rito. "Sino namang may sabing makikipag date ako sa 'yo?" sabi niya rito bago dumeretcho sa kanyang garahe para kunin ang kanyang motor.

"Ako. Natalo ka kahapon diba?"

Huminto siya at humarap rito. "Tayo okay? Natalo tayo dahil sa 'yo,"

"Sandali nga!" pigil nito sa kanya.  "Kung ayaw mong makipag date sa 'kin ihahatid nalang kita."

Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Alam kong may practice kayo ng banda mo. Wag kana mag isip ng idadahilan mo jan Kz, tinanong ko na kay John kung may lakad ka ngayon kaya wala kanang choice kundi sumama sa 'kin,"

Sabi nito at tsaka siya hinila papunta sa kotche nitong nakaparada di kalayuan kung san siya nakatayo. "Teka—"

Naka busangot siyang nakaupo sa loob ng kotche nito. Hindi siya muling nag salita matapos niyang sabihin kung saang lugar sila mag papractice. She simply doesn't want to talk to him.

"Asan na pala Girlfriend mo?"

"Hinatid ko sa condo niya kahapon. May practice pa yon bukas ng maaga," sagot niya rito habang hindi nililingon.

Practice? "Ah," nilingon niya ito pero nasa daan lamang ang atensyon nito, tsaka lang ito lumingon sa kanya nang nakatingin na siya.

Agad siyang nag iwas ng tingin.

"Matagal na kayo?"

"Oo,"

Gusto na niyang bumaba sa kotche nito ng mga oras na iyon. Naiirita na siya dahil sa mga tanong nito. Bumuntong hininga nalang siya at hindi nalang ito pinansin. Does he not notice that I don't want to talk to him? ugh.

"Nainlove kana ba sa lalake before?"

She sigh. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Bakit ba siya nag tatanong?

Nakatingin ito sa kanya kaya hindi siya makalingon rito. Iniintay nito ang sagot niya at wala siyang masabi. Sakto namang naka red light kaya't wala siyang kawala.

"So?"

"No." hindi niya sinabi ang totoo dahil ayaw niyang malaman pa nito at ayaw na niyang maalala pa ang nakaraan niya.

"You sure?"

Tiningnan niya ito ng masama bago nag salita. "Ba't ba ang kulit mo! Sinabi kona ngang No diba?! Ano bang gusto mo!"

May gana pa itong ngumisi sa lagay niya. gustong-gusto na niya itong sapakin at iuntog sa manibela.

Lumiko ito sa kanan at alam niyang malapit na sila.

"Hindi ano Kz.. Sino," muli nitong binalik ang tingin sa daan. Anong sino?

Sinong gusto. .

"So tell me, anong gagawin mo pag Ikaw ang gusto ko." sabi nito na sakto namang tumigil ang sasakyan sa tapat ng studio.

Lalabas na sana siya ng kotche pero mabilis nitong ni-lock iyon.

4: The Playboy's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon