Chapter thirty two: right here, right now in front of him and everyone else

10.2K 213 9
                                    

32

Abot langit ang ngiti niyang lumalakad habang hawak ang kamay ni Kz sa loob ng ekslusibong subdivision ng Jewerly Sights. Napapayag niya rin itong umuwi matapos makumbinsi. Hindi niya alintana ang mga makahulugang tingin ng mga tao doon, malugod niya pa iyong tinutugon ng isang matamis na ngiti.

"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan."

Nilingon niya ito sa kanyang tabi. di tulad niya, naka busangot ito habang mabigat ang mga paa nito sa pag hakbang. Nag taxi lamang sila pabalik dahil sa sobrang madali niya para mapuntahan ito ay hindi na niya naisip dalhin ang kanyang sasakyan.

"Bakit naman? sayang naman ka-gwapuhan ko kung diko sila ngi-ngitian."

Tumigil ito sa pag lalakad habang binawi ang kamay sa kanya. pinag dekwatro nito ang braso bago mag salita. "dika gwapo, mukha kang aso." ang sabi nito sa kanya habang mabilis na lumakad at naiwan siyang naka tanga.

Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. mabilis lamang iyon at agad rin siyang ngumiti, ngayon lamang siya nasabihan nang ganon at mula pa sa taong mahal niya. Kahit ano pang panlalait ang sabihin niya, hindi parin non mapapawi ang sayang nararamdaman niya ngayon. Hindi kasi niya makalimutan ang sinabi nito na 'boyriend' na rin siya ng dalaga. Sawakas! at napasagot narin niya ito matapos mag hintay. Napa-iling nalang siya bago ito habulin.

"Kz.."

Biglang nawala ang dapat sana'y kanyang sasabihin nang makita kung sino ang nakatayo at animo nag iintay di kalayuan kung saan napatigil ang dalaga. She was looking at him.

Hinawakan niyang muli ang kamay nito nang lumapit ang kanyang kapatid sa kanila. Walang sinabi si Kz tungkol sa kanyang ginawa.

"Pwede ka bang maka-usap?"

"No." ang mabilis niyang sagot rito.

"Krizzia," sumunod pa nitong sabi habang naka tingin sa kanyang mata. Na parang sinasabi na hindi siya ang pinunta nito doon.

"A.yo.ko. Let's go baby," sabi niya bago ito iwan na nakatayo doon. binigyang diin niya pa ang pag tawag rito ng baby para ipamukhang sakanya lamang si Kz.

Hinawakan nito ang kanyang braso dahilan para tumigil siya. "I wasn't talking to you okay? so stop answering for her."

Ramdam niyang napahigpit ang kanyang hawak kay Kz pero wala parin itong sinasabi tungkol doon. Talagang sinusubukan siya ng nakababatang kapatid ngayon at wala itong balak na umalis hanggat hindi nakakausap ang kanyang nobya.

"Di moba naintindihan yung sinabi ko? o kailangan ko pang ulitin na ayoko?"

"Sa pag kakaalam ko kase.. hindi ko kailangan ng opinyon at permission mo para lang maka-usap bestfriend ko,"

"hah! Bestfriend?" mahina pa siyang tumawa.

"She didn't tell you?" tanong nito sa kanila.

"Hindi." Actually she did. she told me everything and I hate every single thing about it. "Kaya pwede mo nang bitiwan braso ko, Sean."

Mula sa umpisang nag kakilala sila hanggang sa naging sikat siya at hindi na muling nag kita. Ayon sa kwento niya, sobrang close nila. Nag seselos ako sobra, pero hindi ko yun maamin sa kanya. Ayoko yung ideyang mas nauna niyang nakilala kapatid ko kesa sakin, na may pinag samahan na sila, na may nakaraan sila. Hindi naman naging sila pero bakit.. bakit parang may iba. parang may hindi ako alam kahit na alam kong sinabi na niya sakin lahat.

Tinignan lamang nito si Kz sa kanyang tabi na nag hahanap ng sagot tungkol sa kanyang sinabi. He let out a sigh giving up the subject. "okay," nag kibit balikat lamang ito matapos siyang bitawan. "Gusto ko lang naman siyang maka-usap kahit saglit, Kuya."

4: The Playboy's Victim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon