Chapter four: Out of all people my heart choose my bestfriend for me

Start from the beginning
                                    

Natakot akong maging isa.. katulad nila na aalis sa harap mong malungkot dahil nalaman kong iba ang gusto mo. Lalo ako nawalan ng pag asang umamin sa 'yo kaya hinayaan ko nalang to sa sarili ko.

Pero mahirap rin pala.. Lalo na ng maki-usap sa 'kin si Nicole. yung sinabihan mo na maganda? gusto niyang maging close kayo kaya pumayag nako dahil mas bagay kayo..

That day pag-uwi ko dumaan ako sa convenience store para mag Ice cream. Iyon ang lagi kong ginagawa kapag masama ang loob ko. Lumilipad ang utak ko kaya hindi ko napansing may nabangga ako.

Babae. Taga ibang school. maganda siya, maputi at simple. nag katinginan kami dahil nabunggo ko siya. Agad akong nag sorry. Hindi ko sinasadyang maamoy ang pabango niya.. mabango siya at mabait. Hindi siya nagalit kahit na medjo na mantyahan ng ice cream ko ang uniform niya.

Iyon ang naisip kong dahilan para mag kalapit kayo ni Nicole.

Kasi kahit hindi mo sabihin alam kong gusto mo siya.

Kinabukasan, kinausap na kita agad non at sinabi sayong parang nahuhulog na ko sa babaeng naka bunggo ko sa may convenience store sa labas ng school. Hindi ko mabasa itchura mo non dahil parang mag kahalong dissapointment, shocked at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko sa 'yo. pinaulit mo pa yon kaya't nilinaw ko.

Pero agad karing ngumiti at tinanong mopa ko kung sigurado ba ako sa mga sinasabi ko. Pinilit kong ngumiti at tumango sa 'yo kahit na gusto nang umiyak ng mata ko.

Hindi ka pumasok kinabukasan, may quiz tayo non pero ginawan kita. Buti hindi ako nahuli.

Hindi kita tinanong kung nasan ka dahil baka kasama mo si Nicole,

Habang nagiging close kami ni Theresa, napansin kong lagi ka nalang mag-isa. Siguro nag kakamabutihan na kayo ni Nicole.

Hindi kana muling nag tanong tungkol kay Tessa nong una kong kinuwento siya sa 'yo kaya hinayaan nalang kita.

Hindi nga ako nag kamali dahil hindi nag tagal sinabi mo ring kayo na ni Nicole. pinilit kong maging masaya para sainyo kahit na gustong-gusto konang tusukin yang mata mo sa sobrang bulag mo! hindi mo ako makita dahil laging sa iba ang atensyon mo! Bakit kapa kasi humanap ng iba ngayong andito naman ako para sa 'yo..

Hindi na tayo tulad ng date, naging busy kana sa kanya. she have no idea how lucky she was to have you with her. Hindi ko ring maiwasang mainggit habang tinitgnan ko kayong mag kasama. Buti pa siya..

Habang busy ka sa Nicole mo, lalong lumalim ang pag tingin ko kay Theresa at medjo nalihis niya ang atensyon ko sa 'yo.. sa kanya ko ginugol ang dating dapat na oras ko sa 'yo. Hindi kita iniistorbo dahil alam kong busy karin sa Nathalie mo, hindi na tayo msyadong nag kakausap kaya nagulat ako ng harangin mo ako isang araw.

Inaya mo akong tumambay sa lumang building at pumayag ako. Wala namang nag bago sadyang nawalan lang tayo ng panahon sa isa't-isa non.

Kinausap mo ako non at sinabi mong gusto mo siyang makilala.. sakto namang nanliligaw na ako sa kanya non. Tinanggap niya kung ano at sino ako.. sinabi ko sa 'yo na ipapakilala ko lang siya kapag sinagot na niya ako. Ginawa ko ang mga sinabi mo at duon ko siya napa-oo.

Isang linggo matapos ko siyang maipakilala sa 'yo naabutan ko kayo.. sobrang lalim ng pag-uusap niyo at hindi ko napigilan ang galit ko. Minura kita at sinabing wag kang lalapit sa kanya kahit kelan. Hindi ko napigilan sarili ko non dahil narinig ko siyang nag tatapat na gusto ka niya.

Ang hindi ko matanggap.. bakit.. bakit kailangan niya pa akong gamitin para lang mapalapit siya sa 'yo..

Hindi ko matanggap yon.

That my own girlfriend likes my bestfriend whom I used to like before.

That she fell for you too,

Hinila ko siya palayo sa 'yo dahil natakot akong mawala siya sa 'kin nagalit ako sayo imblis na sa kanya. sinumbatan kita, pinag bintangang aagawin mo siya kahit na alam ko sa sarili kong hinding-hindi mo yon gagawin sa kin pero hindi kita pinakinggan.

Hindi kita pinakinggan kahit na anong paliwanag ang gawin mo. Simula non ay umiwas na ako at hindi na muling nakipag-usap sa 'yo. Nakipag hiwalay rin ako kay Theresa dahil umamin siya sa 'kin, she liked you more than me. Yon ang hindi ko matanggap kaya hindi kita kinakausap. Sinubukan mo paring isalba ang pag kakaibigan natin at muli kang nag paliwanag sa 'kin pero hindi parin kita pinakinggan. Hinayaan kong masira ang pag kakaibigan natin dahil lang sa maliit na bagay,

Nakita kitang kasama mo siya pero hindi kita pinigilan kahit na parang nag mamakaawa ka sa 'kin. Hindi ko alam kung saan kayo nag punta o kung anong ginawa niyo ng araw na yon. Ayokong malaman pa kaya hindi ako nag tanong kahit gustong-gusto ko, nag panggap akong walang paki-alam sa 'yo at hinayaan kang gawin lang ang gusto mo.

Nobody said it was easy. Walang nag sabi na madali lahat. It was hard, that out of all people my heart choose my bestfriend for me to love..

Hindi na tayo muling nag usap pa simula non, hindi rin kayo nag tagal ni Nicole at nag break rin kayo.

Ayoko ng alamin pa kung bakit.

Mas madali na para sa 'king mag panggap na wala akong paki kesa mag tanong bakit ganito ang nangyayari.



--
Curiosity kills the cat haha!

May binago lang akong onti para hindi na kayo maguluhan. sana nagustuhan niyo, labyou!

4: The Playboy's Victim Where stories live. Discover now