Fifty-Four

1.3K 32 1
                                    

Saira's POV 

Sa mga oras ngayon, ginagamot kaming dalawa ni Veronica ng mga Nurse habang lutang akong nakatingin sa pintuan ng ICU. Kanina pa dapat kami tapos sa pag gagamot, but we kept refusing them because we didn't want to leave Alethea. Since kinailangan nila kaming gamutin, they decided to treat our injury here instead. 

Pumayag kaming dalawa ni Veronica pero wala sa katawan namin ang atensyon namin. All of our attention is on that door, waiting for a doctor to come out, and to tell us Alethea is still breathing. So far, no doctor has come out to report what is going on with Alethea. 

"Sir, sila po ang nagpatawag sa inyo kanina pa," rinig ko sa babaeng nurse pero hind ko siya pinansin. 

"Thank you," I heard Ivan's voice. Oo nga pala, pinatawag namin siya kanina dahil he deserve to know what happened to Alethea. Papaano ko siya haharapin ngayon? Inalagaan niya si Alethea nung wala kami sa tabi niya pero ngayon, andyan siya sa loob ng ICU dahil sa'min. 

"How's Alethea? May sinabi na ba ang doctor?" tanong ni Ivan. Hindi ko siya sinagot and niether did Veronica. 

I felt guilty for what I did. Alam ko ng may sakit si Alethea pero pinatulan ko pa siya sa hamon niya. Bakit ba kasi naasar ako bigla sa kanya? Bakit ba ako na triggered sa tono ng boses niya? Hindi ko alam. Basta ang alam ko, may kakaiba sa Alethea na nakita ko kanina. Parang hindi siya 'yon kaya siguro pinatulan ko siya. 

Nasabi na rin sa'kin ni Veronica na may kakaiba daw kay Alethea nung nagreport siya tungkol sa ginagawa ko. She also sensed that Alethea changed pero hindi niya alam kung dahil pagod siya nun o may iniisip siyang malalim kaya siya ganun. Basta daw ibang-iba ang dating ni Alethea nung kausap niya siya. 

"Saira?" naputol ang pagiisip ko ng tawagin ako ni Ivan. "You have to talk to me para malaman ko ang gagawin ko," he said. 

"Ano pa ba ang magagawa mo? Nasa loob na si Alethea at tinitignan ng doctor. Nagkahiga siya dun habang andito kami sa labas, hinintay malaman kung buhay pa ba siya o patay na. Kaya wala ka ng kailangang gawin," sagot ko sa kanya pero alam kong malamig ang pananalita ko. 

Ivan sighed. "That's right," tumahimik siya.

"Ma'am tapos ko na pong gamutin ang sugat niyo," sabi ng Nurse. 

Tinanguan ko siya. "Salamat," sabi ko at bumitaw sa hawak niya. 

Hindi parin bumibitiw ang mga mata ko sa pagtingin sa pintuan. I know it's rude to say thank you to someone without looking at them, but that doesn't matter to me right now. Ang importante sa'kin ay ang malamang buhay si Alethea. 

Pag may mangyare kasi sa kanya hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Para ko kasi siyang pinabayaan sa lagay niyang 'yan. Isa pa, natatakot akong mawala si Alethea. Oo, hindi niya ako pamilya pero para sa'kin pamilya ko silang dalawa ni Veronica.

 Kapag may nawala sa kanilang dalawa, hinding-hindi ko kakayanin. Simula kasi ng magsama-sama kaming tatlo, sila na lang ang naging kakampi ko sa buhay. Sa lahat ng kalokohan ko, kasiyahan, kalungkutan, at kung ano pa, silang  dalawa ang laging andyan para sa'kin. Kaya ayaw kong mawala sila sa'kin. 

Habang abala ako sa pagiisip, may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Inalis ko ang tingin sa pintuan at nilingon ang taong 'yon. Pagkalingon ko, nasa tabi ko na pala si Veronica at hindi parin siya tumatahan sa pagiyak niya.

"Veronica," walang lakas kong pagtawag sa kanya. 

Sumisinok-sinok pa siya. No words was necessary for me to know how she is feeling. Inikot ko ang katawan ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Gusto ko man umiyak, natuyo na 'to kanina pa. Naramdaman kong napayakap na rin si Veronica sa'kin. 

Her Nightmare's HellΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα