Thirty-One

1.5K 36 5
                                    


"Ma'am ito na po yung proposal na−"

I cut Trisha off and grabbed the papers from her hands. I began to scan the whole paper as I am making my way to my office.

Inisa-isa kong binasa ang nasa papel ngunit pagkatapos kong basahin iyon, pinunit ko rin kaagad. Dahilan para mapasigaw sa gulat si Trisha.

"Ma'am!" she yelled.

I stopped walking. "Redo it again," I turned my head to her.

She gulped. "P-pero Ma'am, nakailang ulit na po ako sa proposal na iyan. Halos hindi na nga po ako natulog para tapusin 'yan e," sagot niya.

"I don't care how many times you typed this," I handed her the ripped papers. "Redo them until you have fully understand the concept of that proposal, or else, I am willing to switch your position with a Janitress," I said with authority.

"R-right away M-Ma'am," kabado siyang umalis sa harapan ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ko papunta ng opisina ko. Wala akong pakialam kung sa tingin nila masama ako. Mas maganda na iyon kaysa maging komportable sila sa takbo ng opisina. Besides, they recieved a training of each other's job, they know what I am capable of doing.

Pagkadating ko sa opisina ko, agad kong binaba ang Micheal Kors na bag ko sa taas ng lamesa ko atsaka tinanggal ang red blazer ko.

Bakit ba ako nag blazer e ayos naman ang puting polo lang. Kabaliwan talaga.

Ibinaba ko ang red blazer ko sa coat hanger ko sa opisina. Atsaka ako pumunta sa swiveling chair ko at umupo dun. Umusog ako ng medyo malapit sa lamesa at pinindot ang Line 1 sa telepono.

Nag-beep ito. "Good Morning, Ma'am. May kailangan po ba kayo?" sagot ni Charmaine.

"Get someone to bring me one ice coffee and something to eat," I turned on my laptop. "After that tell Sergio to come to my office. May kailangan kaming pagusap," dagdag ko.

"Right away, Ma'am." sagot niya at ibinaba ko ang tawag.

Nang mabuksan ang laptop ko, tinype ko ang password ko. Kasabay nun ay ang pagbukas ng pintuan sa opisina ko.

"Ang bilis mo atang dumating Sergio," sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

Hindi ako inimik ni Sergio kaya pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko. When everything has been set-up, hindi parin ako iniinik ni Sergio.

"Ang ta−" hindi ko natapo ang sasabihin ko ng lingunin ko siya. "Hindi ka si Sergio. Anong ginagawa mo dito?" tinaasan ko siya ng kilay.

Nakangiting lumapit si Zain sa lamesa ko. May dala-dala siyang kape at brown bag sa kamay niya.

"Baka hindi ka pa nagbebreakfast," inilapag niya yung pagkain sa lamesa ko. "Sumabay ka na sa akin," sabi niya sabay upo sa upuan.

Ano 'to, pa-good shot and peg niya sa akin? Tsk!

Umiwas ako ng tingin. "No thanks. May pinakuha na akong pagkain ko. Isa pa, papaano mo nalamang hindi pa ako kumakain ng breakfast? What are you, a stalker?"

Zain chuckled. "Can't you think of it as a peace offering?" he asked na napatigil sa akin sa pagtatype.

Sinilip ko siya. "Peace offering for what?" takang tanong ko pabalik.

"For breaking your phone and for getting mad."

Ay oo nga pala, hindi parin niya naibabalik sa akin yung cellphone kong sinira niya. Ang mahal nun tapos pagkain ang ibibigay niya. Psh! Asa naman siya.

Her Nightmare's HellWhere stories live. Discover now