Eleven

2K 41 0
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Kung saan-saan nga ako tumitingin dahil pakiramdam ko may sumusunod sa'kin e.

"Oi!"

"Ay butiking aso!" gulat kong sinigaw.

"Hahaha! Butiking aso! Hahaha!" humalaklak si Jaden habang pinapalo ang likuran ko.

Masakit ah! Masakit!

"Ano ba tol! Bakit ka ba nananakot?! Hindi na nga kita inaano dyan e!" irita kong sigaw.

Nanahimik ako dito tapos gugulatin niya ako. Nakakainis talaga siya! Pag ako nainis pa ipapadampot ko na siya kay Sarah-- yung babaeng nag self proclaim na girlfriend daw ni Jaden. Sa totoo lang baliw yung babaeng 'yon.

"Mukha ka kasing timang e. Palingon-lingon ka pa e wala ngang tao dito," saad niya.

Siniko ko ang tyan niya. "Heh! Ano ba pakialam mo ha?! Dun ka nga!"

"Aray!" humawak siya sa tyan niya. "Ikaw na nga ang sinasamahan sa pagiging timang mo sasaktan mo pa ako. Saan ang hustisya tol?"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya ng masama. Nakangiti si Jaden sa'kin pero nakahawak parin sa tyan niya. Nagiinarte lang naman 'yan e! Hindi talaga masakit ang tyan niya. 

Tsk!

"Bakit sinabi ko bang samahan mo ko?" pagtataray ko.

"Hindi."

"Ganun naman pala e! Pwede ka ng umalis."

"Ba't ba badtrip ka? Meron ka ba?"

I clenched my teeth together. "Alis!" I pointed to my left side.

Jaden put both of his hands up and was taken back after shouting at him. Gusto ko lang mapagisa kaya ako ganito. Isa pa-- May dalaw ako e. Alam niyo na kung anong nangyayare pag may dalaw ang babae. Nagiging ibang tao sila.

"Easy. Take it easy," pagpapakalma niya.

I inhaled and exhaled. Binaba ko ang kamay ko. "Sorry, tol. Wala lang ako sa mood para makipagbiruan."

"Ano ba nangyare?"

Umakbay ulit si Jaden sa'kin at pinagpatuloy namin ang paglalakad. Katulad ng sinabi niya kanina, walang tao ngayon dahil nasa classroom sila. Tapos na ang class ko kaya mag isa akong naglalakad kanina hanggang sa-- Well alam niyo na, dumating 'to.

"Ewan," sagot ko. "Nga pala tol may nag offer sa'kin ng modeling job. Sa tingin mo kukunin ko ba?" I asked.

"Ikaw? Modeling? Wow! Lumelevel up ka na ah!" pabiro niyang sambit.

"Tol naman e! Importante 'to kaya sumeryoso ka naman."

"Hahaha! Sorry. Sorry," nag peace sign siya gamit ang isang kamay niya.

I sigh. "So ano nga? Kukunin ko ba o hindi? Hinihintay nila ang tawag ko."

I haven't called Sir Sergio yet. I can't decide if I want to do it or not. Masyadong demanding ang pagiging model. Takot akong magkamali and might fail to sell their product. Pag nangyare 'yon e 'di ako pa ang sinisi.

Naramdaman kong umalis sa pagkaakbay ang kamay ni Jaden sa balikat ko at pumunta sa waist ko. Like his hugging me through my waist. Sanay na ako sa ganyan niya kasi mag best friend naman kami. Wala ding romatic feeling ang namumuo sa'min. Malabin na lang kung ibang meaning ang iisipin ng iba.

"Kunin mo," he looked at me. "It's a chance you can never get if you refuse."

"E papaano kung pumalpak tapos ako ang sisihin?" malungkot kong tanong.

Her Nightmare's HellWhere stories live. Discover now