Thirty-Nine: Laguna Last Part

1.3K 34 0
                                    


Saira's POV

Nasaan na siya? Bakit hanggang ngayon hindi ko parin makita ang isang 'yon?

Lumingon-lingon ako sa buong paligid habang sinusubukang hanapin si Alethea. Sa liit kong 'to halos wala akong makita sa tangkad ng mga taong nagsasayawan. Ang sakit na ng leeg ko sa kakatingala.

Alethea naman! Kung saan may surprise kami, dun ka pa mawawala! Ang KJ mo talaga!

"Oi! Baka mamaya mabali na yang leeg mo sa kakatingala dyan!" bungad sa akin ni Veronica.

Napakamot ako sa noo. "Papaano naman kasi! Tayo na ang susunod na kakanta tapos wala pa si Alethea. Hindi niya ba alam ang hirap na dinanas natin para dito?" sabi ko.

"Hindi," pagpipilosopo niya sa akin.

Lumingon ako sa kanya habang nakakunot ang noo ko.

"Grr..," I growled.

Isa pa 'to! Pipilosopohin pa ako kita ng nagseseryoso ako dito e!

"Akuma is that you?" hinaplos-haplos niya mukha ko. "Omgosh! Kamukha mo na si Saira! Sabi ko sayo umiwas-iwas ka dyan sa amo mo e!" pangaasar niya.

Tinanggal ko kamay niya sa mukha ko. "Ha-ha-ha. Nakakatawa ka talaga, Ver. Ang dami ng tawa ko. Siguro mga twenty," sarcastic kong sinabi.

"Naks! Improving ka! Last time ten lang ngayon twenty! Dinagdagan mo na ngayon. So proud of you!" tumango-tango siya.

"Nahiya namana kasi ang tawa ko sayo diba? Tsk!" I click my tongue.

Tumango siya. "Buti may hiya pang natitira yang tawa mo."

Kung kelan nagseseryoso ang tao tsaka naman ako pagtritripan ng isang 'to. Pero pag pinagtripan mo akala mo kung sinong nalugi sa asar.

Umiling ako sa sarili ko at bumalik ako sa paghahanap kay Alethea. Pag ako nagkaroon ng stiff neck, humanda yang si Alethea. Ako mismo ang tatapos sa kabuhayan niya. Siya na nga ang isusurprise tapos siya pa ang may ganang mawala.

"Di na talaga ako magtataka pag yang leeg mo nawala sa katawan mo sa kakalingon-lingon mo dyan," sambit ni Veronica.

"Wag ka magalala, pag napugot ang ulo ko, sisiguraduhin kong 'di ako magiisa. Pupugutin rin natin yang mga ulo niyo ni Alethea," pananakot ko sa kanya.

"Ay grabe siya!" lumingon ako sa kanya. "Wag kang mandamay sa mga ganyan mo oi! Nang aano ka ah!"

Napabuntong hininga ako. "Ewan ko nga sayo!" hinawakan ko kamay niya at hinatak papaalis.

"Saan tayo pupunta? Tayo na ang susunod oh!" sabi ni Veronica.

"Kung wala si Alethea, walang kakantahan na magaganap," tumigil ako sa paglalakad. "Isa pa, sumangayon lang naman tayong gagawin natin 'to dahil gusto nating makita ang reaction ni Alethea," I paused. "Since wala siya, hindi na matutuloy," dagdag ko.

"Ay ang KJ! Ayaw mo man lang ba kumanta para sa ibang tao?"



Veronica's POV

Tinagnan ako ni Saira ng seryoso at halos mabasa ko na ang isasagot niya. Hindi ko pinakita sa kanya ang reaction ko sa itsura niya.

"Anong pakialam ko sa ibang tao?" medyo tumaas kilay niya. "Wala naman akong makukuha sa kanila. Isa pa, aanhin mo ang laruan kung hindi mo magagamit?"

Her Nightmare's HellKde žijí příběhy. Začni objevovat