Twenty-Eight

1.5K 32 1
                                    

Hindi ako bumitaw sa mga titig ni Zain habang nakaupo ako sa kanang sofa at siya sa kaliwa. In fact, I have no emotions being displayed as I stare into his eyes. Hindi katulad nung dati na iniisip ko palang na magkakatitigan kami e mahihimatay na ako.

It's different now. Ang pagtitig niya sa'kin ay wala ng epekto sa pagkatao ko. Kayang-kaya ko ng labanan ang lahat na nanggagaling sa kanya. I won't let him control me like he did before. Kung dati patay na patay ako sa kanya. Pwes ngayon gusto ko na siyang patayin na lang.

"A-ah.. so.. um.. M-Mr. Kinston I would like you to meet Ms. Alethea Alvarez. She is the other owner of this company. Ms. Alvarez is known to be the youngest business women around the world," pagpapakilala ni Sergio sa'kin.

Zain did not utter a word. He continued to stare at me, but I caught his eyes slowly going down to my legs. Nakacross leg kasi ako habang nakaupo tapos pinatong ko ang kanang kamay ko sa tuhod ko. I am not trying to seduce him. Siya na mismo ang may kasalanan kung maseseduce siya.

Ngumisi ako ng makita kong kumunot ang noo niya. Nabaling ang atensyon ko kay Saira ng marinig ko siyang tumawa ng mahina. Katabi ko kasi siya habang katabi niya si Veronica. Kaming mga babae ang andito sa kanang sofa habang ang mga lalake ay nasa kaliwa.

Sige Zain. Libreng tumingin pero sisiguraduhin kong hanggang tingin na lang ang aabutin mo sa'kin.

Sergio cleared his throat. "And they are--"

"Leaving," pagputol ni Saira kay Sergio. Dahilan para mapalingon kaming lahat sa kanya na ngayon ay nakatayo na habang buhat-buhat si Akuma. "We're just leaving," then she hugged me. "We'll catch you later," bulong niya.

Tumango ako. Umalis si Saira sa tabi ko at sumunod si Veronica na yumakap sa'kin.

"Knock 'em down. I know you can do it Ale. Prove it to him, you are not the same girl that he once met," bulong naman ni Veronica.

Palihim akong ngumisi. Habang tumango ang dalawa kay Sergio. Yes, si Sergio lang talaga ang pinansin ng dalawa dahil ni mabilis na silip kila Zain at Andrew, hindi nila ginawa.

Nang makaalis na sila Veronica at Saira. Sergio resumed what he was saying and introduced me to them kahit kakilala ko naman sila, but they don't know that.

"Is that all you need to say Sergio?" tanong ni Zain kay Sergio.

Sergio was taken back. "H-huh?"

"If that's all you have to say then please leave Ms. Alvarez and I for a moment. I need to discuss something important with her," utos ni Zain.

Kinuha ko ang iniinom kong kape sa lamesa at nanatiling tahimik. I won't say a word because, why should I? He doesn't deserve my words at all.

"P-pero kailangan pa nati--"

Andrew cut off Sergio ng hawakan niya ito sa balikat. "Let's go. I need you to explain some stuff to me," he said and walked out with Sergio.

Nang makalabas na silang dalawa. Zain and I were the only two left inside the office. Sa totoo lang ayaw kong manatili dito ng siya lang ang kasama. Nakakawala ng gana at baka ano pa ang gawin niya sa'kin.

Well, not that he hasn't done it before. Kung nasaktan niya nga ako dati ngayon pa kaya? Himala kung hindi pero I doubt it. This is Zain Kinston we are talking about. Kaya niyang gawin ang lahat ng gusto niya.

"Alethea," he calls me.

Hindi ko siya inimik at pinagpatuloy ko ang paginom ko sa kape ko.

Her Nightmare's HellWhere stories live. Discover now