Thirty-Two

1.5K 33 2
                                    


"Kung lagi kang bibigyan ng ganitong regalo, iisipin ko, ayos naman palang masaktan ka e. May reward ka pala sa bandang huli," sabi ni Saira sabay subo ng chocolate.

Tinaasan ko siya ng kilay. "So dahil sa chocolate gusto mo nasasaktan ako?"

"Oo naman," ngumiti siya sa akin. "Tignan mo nga oh. Ang daming chocolate na niregalo sayo tapos may blue roses pa. Diba gustong-gusto mo nun?" she continues to eat another chocolate.

Napasimangot ako sa sinabi ni Saira habang nakasalubong ang dalawa kong kilay. Kasalanan kasi ng abnormal na Zain na 'yon kung bakit kumakain ng chocolate si Saira ngayon e.

Padalahan ba naman daw ako ng sandamakmak na chocolate at bulaklak dito sa opisina ko. E 'di nag mukhang bilihan ng chocolate at bulaklak ang opisina ko. Tapos 'tong si Saira naman, dahil nakakain lang ng chocolate kung anu-ano na ang pinagsasabi niya.

"Heh! Tigilan mo ako!" suway ko sa kanya. "Pwede ba, wag mong kainin yang chocolate," utos ko.

"Oo nga Sai!" akala ko sangayon si Veronica sa akin pero isa rin palang kumakain ng chocolate.

"Maka-oo ka dyan e kumakain ka rin naman!" sambit ni Saira.

Veronica took a bite of the chocolate bar. "Masarap yung chocolate e. Anong gagawin ko?" sabi niya at kumibit-balikat.

Bumuntong-hininga ako. I ran my fingers through my hair and pushed all the flowers away from me. May ibang nahulog sa sahig pero wala akong pakialam. Kung sa tingin niya mapapatawad ko siya sa mga regalo niyang 'to, nagkakamali siya.

He can't expect me to get over it so suddenly. Kayang-kaya niyang gawin ang mga 'to dahil hindi niya alam ang pakiramdam na masaktan. Sana nga pwede kong iregalo ang sakit na naramdaman ko dati para hindi ako nagiisa sa sakit na iyon e.

Kaso hindi madali 'yon. Dahil pagnasaktan ka, kailangan solohin mo iyan. Hindi mo pwedeng ipadama sa ibang tao, pwera na lamang kung ganun rin ang nararamdaman nila.

"Pero alam mo, doesn't this make your job easier?" biglang tanong ni Saira sa akin.

"What do you mean?" balik kong tanong sa kanya.

Ibinaba ni Saira yung chocolate na kinakain niya atsaka tumayo sa kinakaupuan niya. She walked over to the small whiteboard hanging on the door.

Nagsimula siyang magsulat. "Isipin mo 'to ah," she coughed. "Wala ka pang ginagawa pero he is trying to get back into your life, kahit hindi siya sigurado kung ikaw ba talaga yung minahal niya dati. So why not play around? He did it to you before so it's only fair that he gets a taste of his own medicine," suggest ni Saira.

"May point ka dyan, Sai. Kaso kailangan ba paglaruan siya? E pag ginawa ni Ale 'yon e 'di parang ang childish niya," pangunguntra ni Veronica.

Sinilip ako ni Saira. "Suggestion ko lang 'to. Besides, if he is willing to do all this stuff just because he thinks Alethea is his so-called-wife, wala naman siguro mawawala dun."

Napasandal ako sa upuan ko habang kinakagat ang ibabang labi ko. May point nga naman talaga si Saira. Zain is already making everything easier for me so why don't I just go along with it? Besides, ano nga naman ang mawawala sa akin kung lahat ay nawalan na diba? It's all about taking a risk, afterall.

"I don't know. Pakiramdam ko may maling mangyayare pag ginawa ni Ale yang suggestion mo," uneasy na sinagot ni Veronica.

"We won't know unless we try, right?" I smirked.

Her Nightmare's HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon