Seventeen

1.5K 32 2
                                    

"Thea gising ka na dyan."

Hindi ako kumibo at nanatili lang sa kama ko. Ilang araw na ba akong hindi lumalabas ng kwarto ko ng walang bigat na nararamdaman sa puso ko? Ilang araw na ba akong nanatiling hindi kumikibo sa mga kaibigan kong ubod ng pagiintinding kailangan kong mag isa?

Higit sa lahat, ilang araw na ba ang nakalipas simula ng iwan niya ako?

Kinumutan ko ang buong katawan ko at pumatak ang mga luha ko sa unan kong basang-basa na ng luha. Ubod ng sakit ang nararamdaman ko ngunit wala akong magawa kung 'di ang umiyak ng umiyak. Kahit ilan beses ko kasing punas ito hindi tumitigil kaya naman 'di ko na pinigilan pa.

"Thea," I heard the door open along with Jaden's voice. "Thea gising ka na ba?"

Nagkunwari akong natutulog para lumabas si Jaden sa kwarto ko ngunit naramdaman kong dahan-dahan niyang inalis ang kumot sa bandang uluhan ko.

"Ilang beses na ba kita naabutang umiiyak habang nakatulog? Madaming beses na rin, diba?" pinahid ni Jaden ang pisngi ko. "Last time ko nakita ang mga luha mong 'to ay dahil kay Mama at nung araw na itaboy ka ng pamilya mo pero ngayon umiiyak ka dahil sa kanya."

Sorry Jaden. Hindi ko naman ginustong ipakita ang mga luha ko pero kasi hindi ko alam kung papaano ilabas ng mga sakit na nararamdaman ko ngayon dahil kay Zain.

Gumalaw ang kama ko ng umupo si Jaden sa tabi ko ngunit pinagpatuloy niya ang pag pahid sa mga luhang lumalabas sa mata ko.

"Sana may magagawa ako para sayo pero kailangan ko ng umalis," then I felt him kiss my forehead. "I'll come back for you, Thea. I promise," he said lastly.

Jaden got up from my bed and as soon as I heard the door close. I slowly open my eyes that met a panda stuff toy laying down in front of me. I pulled the panda closer to me and hugged it tight.


Days turned to weeks and weeks turned to months. Everything happened so fast that my surrounding has changed.

Kung dati lagi akong school at trabaho pwes ngayon halos hindi na ako umuuwi sa bahay. Lagi na akong lumalabas kasama ang mga ibang tao.

Simula rin kasi ng pagkaalis ni Jaden pabalik ng Australia, pati na rin ang hindi namin paguusap ni Zain, nawala na ako sa dati kong sarili. Sila Saira at Veronica nakatira parin sa bahay pero madalang kaming mag kitang tatlo.

Papaano nga kami mag kikita kung pag tulog sila atsaka ako aalis ng bahay hanggang madaling araw akong wala sa'min. Kapag uuwi ako umaalis silang pareho dahil may mga trabaho na rin sila.

Lahat nag iba, lahat nakalimot. Aaminin kong isa ako dun sa mga nagiba pero hindi ko pa sila nakakalimutan. Kung makakalimutan ko man sila, buburahin ko sila sa buhay ko kaso ang dami rin nilang tinulon sa'kin e. Hindi ko kayang alisin sa buhay ko.

Sinuot ko ang jacket na itim bago ako lumabas ng kwarto. May trabaho dapat ako ngayon kaso tinatamad akong mag trabaho kaya nag call off muna ako. Pagkalabas ko ng kwarto ko nakita ko sila Saira at Veronica nag hahanda ng pagkain.

Napalingon si Saira sa'kin. "Oh sakto ang paglabas mo, Ale," she smiles. "Tara kain na tayo."

"Good morning," bati ni Veronica na dala-dala ang platong may bacon.

Tinanguan ko silang pareho bilang sagot atsaka bumitaw sa pagtingin. Alam ko namang nagaalala sila sa'kin dahil 'di hamak ako laging umiiwas sa kanila.

Papalabas na sana ako ng bahay at aalis na ng biglang nag salita si Saira.

"Ale wag mo sanang samain ang sasabihin ko pero hanggang kailan mo balak takbuhan ang mga tao sa buhay mo?" tanong niya.

Her Nightmare's HellWhere stories live. Discover now