____________________

We stayed at their hide-out longer than we thought dahil ang akala namin ay dadalhin agad kami ni kuya Reid sa sinasabi niyang bahay niya.

Dapat ay maging masaya ako sa ilang araw na pananatili namin sa hide-out nila dahil makikita ko pa si Cyrus pero hindi ko akalaing sasama lang din pala ang loob ko ng dahil sa kanya.

After the day that my family arrived, hindi na niya ako muling kinausap pa matapos niyang malamang kapatid ako ni kuya Reid at ni Jagger. So, one night, when everybody's already asleep I went to his room to talk to him dahil ilang araw na niya akong iniiwasan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya para walang makarinig sa akin at para hindi ko din siya magambala sakaling natutulog na din siya.

"What are you doing here?"

Halos mapatili ako sa gulat ng magsalita si Cyrus na kakalabas lang ng banyo sa loob ng kwarto niya na nakaboxer shorts lang at walang pang-itaas.

Ang yummy!!!

Dali-dali ko namang isinara ang pinto para walang makakita sa amin.

"Ahm, kasi.....ano...."

"What? Kung wala kang sasabihing matino sa akin, just get out. You're wasting my time."

"Pero......"

"Go!" Sigaw niya kasabay ng pagturo niya sa pintuang nasa likuran ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit.

"Ano bang problema mo Cyrus? Bakit kung umasta ka parang nakalimutan mo nang may nangyari sa atin? Iyon lang naman ang gusto kong malaman sa'yo eh, dahil pagkatapos ng namagitan sa atin ay hindi mo na ako ulit kinibo."

"We shouldn't have done that. Kung sinabi mo lang sa akin na kapatid ka nila Reid ay wala sanang nangyari sa atin."

"Pero meron na! Tapos na, kaya hindi mo ako kailangang iwasan na parang may nakakahawang sakit dahil ikaw ang nag-umpisa nito at aaminin kong ginusto ko din naman ang nangyari sa atin. Ginusto nating dalawa ito!"

"Because I thought you're a prostitute!"

What? Did I heard that right? Me, a virgin? Do I look like I'm a prostitute?

"I thought Jagger hired you para pasayahin ako kaya nagulat din ako ng malaman kong virgin ka pa. Hindi mo man lang ako pinigilan para sabihin sa aking-------"

"I didn't want you to stop because the moment I opened my eyes and saw you......." I said but I stopped myself when I realized what I was about to tell him.

Nahuhulog na nga ba ang loob ko sa kanya sa simula palang? Is it really the reason why I let him have me?

"What? Anong sinasabi mo?"

"Hindi ko din alam. I guess I'd better go." Sabi ko nalang sa kanya at nagmamadali nang lumabas ng kwarto niya kahit gusto ko pang makausap siya tungkol sa nangyari sa amin.

Dapat bang kalimutan ko nalang din iyon gaya ng wala siyang pakialam kung nakuha man niya ang virginity ko?

I know it's my fault at huli na para hilingin kong sana hindi ko nalang hinayaang may mangyari sa amin dahil gaya nga ng sinabi ko ay gusto ko din naman iyon.

But, if what he really wanted is for me to forget about it then.....I will forget what happened to us.
At sana dumating din yung araw na magawa ko siyang makalimutan dahil aaminin kong nagawa na niyang makapasok hindi lang sa isip ko kundi pati na din sa puso ko.

Kinabukasan ay hindi na nga kami nagpansinan pa dahil siya na mismo ang umiiwas sa akin lalo na kapag magkakasalubong kami. Buti nalang ay walang nakakahalata sa ikinikilos namin hanggang sa dumating na nga ang araw ng pag-alis namin nila mama at Erwin sa hide-out nila para lumipat sa bahay ni kuya Reid.

Night Owl Assassin 2Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum