Chapter 19: First Night with Hubby!

Start from the beginning
                                    

"Eeeew. Di pa ako ready" Yun na lang ang nasabi niya.

"Sa edad mong ito dapat may boyfriend ka na. Tingnan mo itong Kuya mo, may asawa na nga oh" Sabi ni Papa. 

Oo nga may asawa na yung anak niyo pero di niya naman mahal. Para ngang laro lang yung naganap na kasalan kanina.

Nabaling naman yung usapan sa amin.

"So, magtatrabaho pa rin pala si Euphy. Ayaw niyo talagang mahiwalay sa isa't isa no?" Tuwang tuwa si Mama habang sinasabi iyan. 

So ganun, bawat araw mas lalong magiging hell ang buhay ko. Kung noon, hanggang sa office lang, ngayon hanggang bahay na!! At naiinis din ako sa sarili ko dahil nagdedesisyon ako nang hindi ko iniisip yung magiging consequences na darating. Hay! Ako na yata ang pinakatangang nilalang na ipinanganak sa buong mundo.

"By the way, uwian niyo ko ng pasalubong!" Singit ni Kelly.

"Oo naman" Sabi ko. 

Kaya pala naka live kami sa office for a month ay dahil nagbook ng flight sina Mama para daw sa honeymoon namin. Diyos ko! Kailangan pa ng ganun? Masyado naman silang paimported sa honeymoon honeymoon na iyon. Feeling naman nila may mangyayari! At ang haba naman ng one month. 

So, habang wala kami, si Kelly daw muna ang papalit sa pwesto ni Sir sa office. Para daw matuto na rin si Kelly sa paghahandle ng kumpanya.

"Basta, huwag kayong masyadong matagal. Baka kasi di ko makayanan ang mga ginagawa ng isang CEO" Alam kong kinakabahan na iyan pero may tiwala naman sa kanya yung parents niya.

"Ikaw talaga Kelly. Paano naman sila makakabuo kapag papauwi mo kaagad? Ikaw talagang bata ka" Ang kulit din pala ni Papa. Aakalain mong seryoso pero joker din pala.

Nagblush na naman ako sa sinabi nila.

 "Sorry naman! Baka mabagsak ko ang company pag ako ang naghandle" Nakapout nitong sabi.

"Iha! Nandyan naman ang Papa mo. He will guide you. Just let your brother enjoy his honeymoon together with his wife" Paalala ni Mama.

As part of celebration, nag-order pala si Mama ng cake. At syempre, kinain namin, alangan namang idecorate. At itong Boss ko, sinubuan ako. Tapos ito namang si kelly tili ng tili. Akala mo nanonood ng movie.

Gabi na nung matapos kaming magcelebrate sa isang high class restaurant. Bukas nga pala ng umaga ang flight namin. At hindi ko alam kung saan iyon. Hindi ko pa kasi natatanong kung saan. Basta ang alam ko lang ay sa ibang bansa. Ibig sabihin makakasakay na ako nito ng airplane? Napaghahalataang perstaymer ako. Sila na rin ang nagkuha sakin  ng passport, kaya siguro magiging maganda naman itong magiging bakasyon ko? Ay hindi pala! Kasama kop ala yung asungot at devil boss ko kaya baka maging HELL lang ang bakasyon na ito.

Marrying My Boss [Completed]Where stories live. Discover now