Last Chappy:

3.1K 128 17
                                    

Ilang araw, linggo, buwan, taon na ang nakalipas. Sinubukan kong bumangon at maging buo. Naka-graduate ako ako ng kolehiyo, nakakuha ng magandang trabaho, ako narin ang nagpapaaral kay Gale na kasalukuyan ay binata na. Nakauwi narin si Papa mula ibang bansa, tapos na kasi kontrata nya tsaka nag-early retirement sya.

"Uhm Sir, may bisita po kayo." Sabi ni Manang, maid namin.

"Sino daw?" Tanong ko kay Manang.

"Sino pa ba Bestie?" Ani ng isang pamilyar na boses.

"Sam?!" Ani ko.

"The one and only." Ani naman nya at niyakap ako.

"Awww I miss you so much Bestie." Ani ko at niyakap sya ng mahigpit.

"Mukhang nakalimutan na ako ni Venko?" Sabi naman nung lalaki sa likod ni Sam.

"Earl?!" Pagtataka ko at niyakap rin sya.

"Wow! You guys look different." Nakakapanibago sila. "A good different." Ani ko pa.

Si Sam lalong gumanda at sumexy kahit may anak na. Si Earl naman, lalong gumwapo, lumaki rin ang kanyang katawan halatang tambay sa gym. At syempre, kasama rin nila ang napkagwapo kong inaanak na hindi nalalayo ang edad kay Gale.

"Teo, bless sa ninang." Sabi ni Sam at sinunod naman ito ni Mateo.

"Ito na ba si Mateo, grabe ang laki na?" Ani ko.

"Marunong na manligaw yan." Ani naman ni Sam

"Mana kay Daddy." Singit naman ni Earl sabay tawa.

Naupo kami sa sala habang nakipag-laro naman si Mateo kay Gale.

"Sya nga pala, kamusta na kayo ni Tristan?" Pag-iiba ni Earl.

Kinuwento ko sa kanila yung mga nangyari hanggang sa pag-alis ni Tristan.

"I'm sorry, Bestie." Ani ni Sam.

"Don't be Bestie, everything happens for a reason." Sabi ko at pinilit ngumiti.

"So pwede na Venko?" Ani naman ni Earl sanhi para kurutin sya ni Sam.

"Hay naku Earl! May asawa kana, ayokong maging mistress." Ani ko naman sabay tawa.

After ng catch-up chikas, nagpaalam na sila.

Naisipan ko namang pumunta ng mall, window shopping kumbaga.

"Baby Gale, do you want to go with me to the mall?" Anyaya ko kay Gale.

"Kuya, I'm not a baby anymore. Uhm Kuya, I'll help Mama prepare dinner ehh." Ani nya habang busy sa paglalaro sa game consule.

"Okay, do you want anything nalang?" Tanong ko.

"No Kuya, I'm good." Ani nya.

"Suite yourself." Ani ko naman.

Nag-tungo ako ng mall, nag-window shopping ako. Bigla namang nag-ring phone ko, tumatawag si Lance.

"Mahal, nasan ka?" Bungad nya.

"Mahal ka dyan? Nasa mall ako." Ani ko naman.

"Great! See me at the cafe near the mall." Ani nya at binaba yung phone.

Nagtungo ako dun sa cafe na tinutukoy nya. Pagdating dun, wala akong Lance na nakita. Aalis na sana ako nang may humawak ng braso ko.

"Mahal!" Naghahabol hiningang tawag ni Lance.

"Lance, ano na naman ba ito?" Ani ko.

Nabigla naman ako ng bigla syang lumuhod at hinawakan ang kamay ko.

"Huy! Ano ba? Tumayo ka nga dyan, pinagtitinginan na tayo oh." Ani ko.

"R-raven San Jose, W-will you be... mine?" Tanong nya na ikinapipi ko.

Panay naman ang hiyawan ng mga tao.

"A-e...i-o-u?" Hindi ko alam sasabihin ko. "Oo." Buntong hininga kong sabi.

"Oo?! Oo?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Lance at nagtatalon sa tuwa, binuhat nya ako animo'y bagong kasal.

"Huy! Ibaba mo nga ako." Ani ko.

Panay naman ang palapakan at hiyawan ng mga tao.

Pagbibigyan ko lang naman sarili ko maging masaya muli pero bakit parang may mali? Bahala na si Batman.

After naming mag-dinner, hinatid nya ako sa bahay gamit ang kaniyang motor. Abot tenga naman ang ngitian ng loko nang yumakap ako sa kaniya.

"Thank you ahh, I really had a great time." Ani ko sabay kuha ng bag kong bitbit nya.

"No, I should be the one thanking you." Ani naman nya at niyakap ako.

Nang kumalas sya, nagkatitigan kami, mata sa mata. Unti-unti namang lumapit ang kanyang mukha, mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari kaya hinanda ko ang sarili ko. Pero nagtaka ako nang halikan niya ako sa noo.

"Good night, Mahal." Ani niya at umalis.

Naiwan naman akong tulala, natauhan lang ako nang makita si Papa.

"Pa?!" Ani ko at nagmano.

"Kaawaan ka ng Diyos." Ani ni Papa.

"Anong pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko.

"Anak, gusto sana kitang makausap?" Ani nya at inakbayan ako papunta sa garden.

Bigla naman akong kinabahan.

"Oh!" Ani ni Papa at inabot ang isang can ng beer na kinuha ko naman. "So kamusta na ang dalaga ko?" Tanong ni Papa sabay tawa.

"Pa naman ehh." Ani ko.

"Raven, bata ka palang kilala na kita. Mas gusto mo ng manika kesa sa baril-barilan at kesa mga lalaki ang mga barkada mo eh yung mga pinsan mong babae kasama mo." Ani ni Papa sabay lagok ng beer. "Pero isa ka sa mga bagay na kaya kong ipagmalaki, hindi ka ganun ka-manly o ka-musculine pero nagawa mong maging haligi ng tahanan nung mga panahong wala ako." Dagdag pa ni Papa, para namang may kumirot sa puso ko.

"Salamat Pa." Ani ko at niyakap sya. Matagal-tagal ko ring hindi nayakap si Papa, bata palang ako nung huli syang mayakap.

After ng catch-up moments with Papa, nagtungo ako ng kwarto ko para magpahinga.

Hanggang sa nakatulog ako, naalimpungatan nalang ako nang may tumabi at yumakap sakin. Naramdaman ko ang paghalik nya saking labi at pagsiil ng yakap.

"Tristan!" Sigaw ko, guni-guni lang pala.

Niyakap ko si Fifi at TanTan, tae hanggang ngayon nakakapit parin ang amoy ni Tristan sa kanila. Hindi ko maiwasang maluha sa tuwing maalala ang mga nangyari.

Kinabukasan, maaga akong nag-prepare para pumasok ng office. Tulog pa si Manang, hindi ko alam kung saan niya nilagay yung pinalabhan kong pants. Hinalungkat ko closet ko, buti may isa pang matinong pants. Ayoko namang ma-late kaya dagli kong kinuha 'to at sinuot.

Gabundok na paperworks, audit dito, audit doon. Hanggang sa matapos ang isang araw na puno ng stress.

Naisipan kong mag-gala-gala, para ma-relieve ako sa stress kahit papano.

Nang mapagod ang aking mga paa, naupo ako sa isang bench. Napansin ko yung pants ko, ito pala yung pants na lagi kong ginagamit nung nag-aaral pa ako.

"Tae, ano to?" Ani ko.

May kung ano kasi sa bulsa ng pants, pagkuha ko bigla nalang tumulo luha ko.

Panyo ito ni Tristan, yung binigay nya sakin nung una kaming nagkita. Napalinga-linga ako, dito rin yung lugar kung saan kami unang nagkita.

Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin mula sa likod.

"Huwag ka nang umiyak, mahal ka nun." Sabi ng pamilyar na boses.

"T-Tristan?"

WAKAS

HavenWhere stories live. Discover now