Chappy 12: Marry Who?

2.3K 117 0
                                    

"Raven... Si Tristan... Si Earl... Quadrangle..." Naghahabol hiningang sabi ni Lance.

Napatingin naman ako kay Sam, hindi maganda ang kutob ko. Nagmadali kami ni Sam papunta ng quadrangle.

Nagulat ako sa nakita ko sina Tristan at Earl, nag-susuntukan. Nagmadali kami ni Sam na inawat yung dalawa.

"Ano ba problema nyo?" Pasigaw kong tanong.

"Ito kasing gagong to ehh." Sabi ni Tristan.

"Ulol! Ikaw ang nagsimula." Sabat naman ni Earl.

"Tumigil nga kayo para kayong mga bata." Sabi ko.

Hinila ko si Tristan papunta sa clinic, nanghiram ako ng first-aid sa nurse.

"Para kasing bata ehh." Sabi ko habang pinapahiran yung sugat nya ng betadine.

"Aray! Dahan-dahan lang asawa ko." Sabi nya na ikinapula ng mukha ko.

"Ano ba kasing pinag-awayan nyo?" Tanong ko habang patuloy parin syang ginagamot.

"Hindi ano, sino?" Sabi nya.

"Don't you tell me, ako ang pinag-aawayan nyo?" Sabi ko.

"Sino pa ba? Hindi naman ako papayag na may umagaw sa asawa ko." Sabi nya.

"Hay naku! Tigilan mo nga ako." Sabi ko sabay diinan yung sugat nya.

"Aray!" Sabi nya.

Nag-cut classes na kami, nagpasama si Tristan sa kanila. Nung una ayaw ko pa pero wala akong palag sa lambing nya.

Ang ganda talaga ng ambiance ng bahay... este mansyon nila. Halos mag-360° ulo ko sa kakatingin sa paligid, mas maganda sya kesa sa unang beses kong pagpunta.

Pagpasok ng bahay nila, bumungad samin ang dalawang lalaking na nasa mid-30's, kasama rin nila ang isang babae na sa tingin ko kasing-edaran lang namin.

"Son!" Sabi nung isang lalaki sabay yakap kay Tristan.

Son? That only means he is mr. Gabby Perez.

"Dad, what brings you here?" Tanong ni Tristan.

"What brings me here? Last time I check, bahay ko parin to." Sabi ni mr. Perez.

"Talaga? Akala ko kasi sa office kana nakatira?" Pabalang na sagot ni Tristan.

"Anyways Son, I want you to meet our business partner mr. Sy and his daughter Audrey." Pagpapakilala nito.

"And what brings them here?" Tanong ni Tristan.

"Uhm Son, our company and their company decided to merge. As exchange, you'll marry Audrey." Sabi ni mr. Perez.

"WHAT?!" Sigaw ko kaya napatingin silang lahat sakin.

Lupa, bumuka ka at kainin ako. Raven, why so KSP. Next time, katok-katok muna bago pumasok sa eksena.

"Marry? Her? I don't even know her?" Galit na sabi ni Tristan.

"It's for the sake of our business." Sabi ni mr. Perez.

"Business? Is it the only thing that matters to you?" Maluha-luhang tanong ni Tristan na ikinapipi ni mr. Perez. "Let's go." Hinila nya ako palabas.

Nagtungo kami sa isang park malapit sa kanila at naupo sa bench.

"First, that Earl. Now, this..." Naputol ang sinasabi ni Tristan ng yakapin ko sya.

"Nandito lang ako." Sabi ko sabay hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.

Itiningala naman nya ako at hinalikan sa noo.

Gusto ko syang tulungan pero di ko alam kung papaano. Ayokong maging selfish pero ayoko syang mawala. Pagiging matatag nalang ang magagawa ko para sa kanya at sa relasyon namin.

Nagpasya si Tristan na samin muna tumuloy kahit pansamantala lang.

"Raven, kasama mo pala si Pogi." Sabi ni Mama.

"Uhm Mama pwede dumito muna si Tristan?" Pakiusap ko kay Mama.

"Always welcome si Pogi dito." Sabi ni Mama. "Basta huwag muna kayo gagawa ahh, ayoko pang maging lola." Dagdag pa nya sabay tawa.

"Ma naman ehh." Sabi ko naman.

"O sya! O sya! Magmiryenda muna kayo." Anyaya ni Mama.

After kumain, dumiretso kami ni Tristan sa kwarto. Panay ang butingting nya sa gamit ko.

"Ano to?" Sabi nya habang hawak ang memory box ko.

Agad-agad kong kinuha sa kanya yung box.

"Ikaw ahh bakit mo pinaglilihiman ang asawa mo?" Nakapameywang nyang sabi.

Asawa? Pakain ko kaya to sa sawa?

"Dito nakalagay yung mga mahahalagang bagay para sakin." Sabi ko kinuha sa loob ng box yung panyong binigay nya sakin nung una kaming magkita. "Naaalala mo to?"

"Dapat malaki yang box mo?" Sabi nya.

"Huh? Bakit naman?" Pagtataka ko.

"Eh paano ako magkakasya dyan?" Sabi nya.

"Eh kung isako nalang kita at itapon sa ilog, ang mais mo ahh." Sabi ko.

"Pero minahal mo." Sabi nya na ikinapula ng mukha ko.

"Hay naku! Makaligo nga muna." Sabi ko sabay kinuha yung towel ko.

After kong maligo, nalaglag panga ko ng makita si Tristan half-naked tanging pants lang suot nya. Juice colored, ilayo nyo ako sa tukso.

Napalunok nalang ako at tinabihan ko sya. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig ng yakapin nya ako at idantay ang paa sa hita ko.

"Gawa tayong baby?" Bulong nya.

Bigla ko syang siniko sa dibdib sanhi para kumawala sakin.

"Aray!" Sabi nya at napakapit sa dibdib nya.

"Baby ka dyan?" Sabi ko.

"Ito naman, di mabiro." Sabi nya at niyakap ulit ako.

Kinabukasan, wala kaming pasok dahil holiday. Tulog parin ang prinsipe kaya naisipan kong magluto ng breakfast.

"Ako na dyan." Sabi ni Mama nang makita akong nagluluto.

"Ako na Ma." Sabi ko at pinabayaan naman ako.

"Anak, sigurado kana ba kay Tristan?" Seryosong tanong ni Mama.

"Ma, mahal na mahal ko po sya." Sabi ko.

"Paano kung gusto nya mag-kaanak? Ayaw mo bang makakita ng maliliit na Tristan?" Sabi ni Mama na ikinaisip ko.

Tama si Mama, may future ba talaga si Tristan sakin? Ayokong maging selfish pero, ayoko rin namang syang mawala sakin.

HavenWhere stories live. Discover now