Chappy 13: Outing

2.3K 101 0
                                    

Inakyatan ko ng pagkain si Tristan, sakto naman kagigising lang ng prinsipe.

"Good morning." Bati ko.

"Wow! Mukhang masarap yan ahh." Sabi nya habang nagkukusot ng mata.

Pinagmamasdan ko lang sya habang kumakain, iniisip ko kasi yung sinabi ni Mama. Bakas naman sa mukha nya ang pagtataka.

"Anong problema?" Nag-aalala nyang tanong.

"Wala." Sagot ko.

"Basta asawa ko, sabihin mo lang sakin kung naglilihi ka na ahh. Para ako ang mapaglihian mo, hindi yung salamin." Sabi nya.

"Lihi ka dyan? Wala pa ngang nangyayari satin ehh." Sabi ko sabay hinampas sya sa balikat.

"Bakit gusto mo?" Sabi nya.

"Utot mo." Sabi ko sabay tumayo at bumaba.

Pagbaba ko nagulat ako ng makita ko si Sam at Earl. May mga dala silang bagahe.

"Huwag mong sabihin naglayas kayo at samin kayo makikitira?" Tanong ko sa kanila.

"Gaga! Bestie, hindi ba nasabi ni Tita sayo? May outing tayo today." Sabi ni Sam.

Mudrakels talaga, kung ano-anong tinanong kanina. Hindi sinabi na may outing pala kami.

"Great! Dun narin namin gagawin honey moon namin ng asawa ko." Bigla namang bumaba si Tristan at inakbayan ako.

"Tristan?" Pagkabigla ni Earl.

"Bestie, hindi mo naman sinabi live-in na pala kayo ni Tristan?" Sabi ni Sam.

"Gaga! Live-in ka dyan? Basta mahabang kwento." Sabi ko.

Dali-dali kaming nagprepare ni Tristan.

Habang nasa byahe, kung hindi ba naman engeng ang lola nyo, alam ng  malamig hindi pa nagdala ng jacket.

"Nilalamig ka?" Tanong sakin ni Tristan.

Tumungo ako bilang tugon, nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Ang init at ang cozy ng yakap nya.

Napapansin ko panay ang sulyap samin ni Earl. Ano kaya problema ng mokong na to?

Nang makarating kami sa dako paroon, napanganga ako sa ganda ng ambiance.

"Nasa paraiso na ba tayo?" Tanong ko.

"Kahit saan naman paraiso ehh basta ikaw kasama ko." Singit naman ni Tristan na palihim kong ikinakilig.

"Tara na! Nilalanggam na ako dito." Panira naman ng moment tong si Sam.

Nilagay namin sa cottage yung mga gamit namin, nagtungo kami ni Tristan sa pool area habang sina Sam at Earl naman, nagprepare ng pagkain.

Nabigla ako ng bigla nya akong buhatin papunta sa pool.

"Ane be? Ibebe me ke." May singaw lang ang peg kong sabi.

"CANNONBALL!" Sigaw ni Tristan sabay tumalon sa pool.

Tae adik talaga tong mokong na to. Halos malunod ako dahil sa tubig na nainom ko.

"Ayos ka lang?" Tanong nya.

"Ayos lang ako? Eh halos malunod ako, malamang ayos lang ako." Pangbabara ko.

"Ito naman, kailangan mo ba ng CPR?" Tanong nya.

Mukhang bang..." Naputol sasabihin ko ng bigla nya akong halikan.

Parang huminto ang oras, bumagal ang ikot ng mundo. Para akong nabingi, tanging bilis tibok ng puso ko lang naririnig ko.

"Uhm ehem." Natulak ko si Tristan ng makita ko si Earl. "Get a room." Sambakol na mukha na sabi nito.

Tinignan ko ng masama si Tristan at binasa-basa. Gumanti naman sya, kaya para kaming batang nagbabasaan.

After mag-mingming, nagpaalaman muna ako kay Tristan na tulungan si Sam mag-prepare ng pagkain.

"Nilalanggam ako dahil sa inyo si Tristan." Sabi ni Sam habang nag-gigrill ng hotdog.

"Baliw yung adik na yun ehh, sabi CPR daw." Sabi ko na ikinatawa ni Sam.

"Sana ganyan rin ka-sweet sakin si Earl." Sabi nya na ikinakunot ng noo ko.

"Bakit anong meron kay Earl?" Pagtataka ko.

"Ewan ko ba? Kami nga pero ang cold nya." Sabi nya. "Hindi ko maiwasang mag-isip na parang  napipilitan lang sya." Dagdag pa nya na ikinakonsensya ko.

"Huwag kang mag-isip ng ganyan." Sabi ko sabay hinawakan sya sa balikat. "Susubukan ko syang kausapin." Dagdag ko na ikingiti ng bruhilda.

Tae, paano to? Akala ko okay na ang kanya-kanyang love teams. Hindi kaya tama si Sam, na napipilitan lang si Earl? Sana mali lang ako ng iniisip.

"Uhm Bestie." Pagkuha ni Sam ng atensyon ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Pwede mo na akong bitawan, sunog na yung hotdogs ehh." Sabi nya.

"Ay sorry." Sabi ko.

Habang nakaupo ako sa side ng pool, nagulat ako ng may tumulak sakin. Tae sa sobrang taranta, nakalimutan kong marunong akong lumangoy, bigla pinulikat paa ko.

Nawalan ako ng malay, pagdilat ko nakita ko si Earl. Pina-pump ako at sini-CPR.

Dahil sa trauma, napayakap ako kay Earl at tuluyang humagulgol. Binuhat naman nya ako at dinala sa cottage.

HavenWhere stories live. Discover now