Chappy 1: T.P.

4.3K 168 3
                                    

"Huwag ka nang umiyak, mahal ka nun." Ani nang isang lalaki sabay abot ng panyo.

Nangunot ang noo ko at hihikbi hikbing tumingin sa kan'ya.

"I...iiyak ba ako kung mahal ako 'nun?" Tinanggap ko ang panyo n'ya at pinunasan ang luha ko, sinubukan kong ayusin ang sarili ko.

"I saw the whole break up thing." Aniya at nilagay ang kaniyang dalawang braso sa batok at tumingala sa langit.

Ang presko rin pala nang dimuho na 'to e. Sino nagbigay ng permiso sa kupal na 'to para makiisyo sa buhay ng may buhay? 'Tsaka nakita naman pala n'ya 'yung komos'yon sa mall tapos sasabihan akong mahal ako nun.

Pero saglit...

Break up? Mall?

"Tae!" Lalo akong humagulgol nang maisip ko 'yung kahihiyan na pinaggagawa ko sa publiko.

"Tahan na, keep in mind YOLO (You only live once)." Napaiyak-tawa ako dahil sa pagiging jologs n'ya.

"Ayan, bagay naman pala sayo nakangiti e."  Aniya.

"Ginagago ba ako nito?" Isip isip ko.

"Salamat nga pala sa panyo." Sabi ko sabay abot sa kan'ya 'nung panyo.

"Keep it." Sabi n'ya sabay sinauli ang kamay ko. "As a souvenir." Dagdag pa n'ya.

Nginitian ko ulit s'ya bilang tugon.

"Anyways, I'd better get going." Paalam n'ya. "Huwag mo nang isipin 'yun, he's not for you."

Tungo nalang ang nasagot ko sa kan'ya at nilisan n'ya ako.

"Wait! anong panga..." Nakalimutan kong itanong ang pangalan n'ya, bigla nalang s'ya nawala parang bula.

Tumingin ako sa relo ko, 10PM na pala. Napagpasyahan kong umuwi na.

Pagdating ko ng bahay, sumalubong sa'kin si Gale, little brother ko.

"Kuya!" Sigaw n'ya sabay nagpakalong sa'kin. "What happened? Is there something wrong, Kuya?" Pagtataka n'ya.

"Nothing, Kuya's fine. Bakit gising ka pa?" Untag ko at pilit na ngumiti.

"I can't sleep. I was waiting for you, Kuya." Bungisngis n'ya.

Gale has this genuine smile that could light up the whole town. He never fails to cheer me up, but I guess not this time.

"Kuya, are you hungry? Mama made your favorite." Aniya.

"Kuya's not hungry. I'll just go to my room." Walang gana kong sagot.

"Okay kuya." Hinalikan n'ya ako sa cheeks at binaba ko s'ya, bakas parin sa mukha n'ya ang pagtataka.

Pagpasok ko ng kwarto, sumalampak ako sa kama. Ito na naman ako, iniiyakan si Fifi, favorite teddy bear ko. Sigurado kung buhay 'to, sinisermunan ako. Palagi ko kasi s'yang iniiyakan.

Maya maya tumahan rin ako't inayos ang sarili.

Nagmuni muni muna bago matulog. Naalala ko 'yung lalaki kanina, hindi ko man lang nakuha ang pangalan n'ya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at sinuri, may initials na nakalagay.

T.P.

In fairness, gwapo s'ya at mabait pa. Sayang nga lang hindi ko man lang nalaman pangalan n'ya. Raven, wasak ka huy!

Siyete! Naalala  ko may pasok nga pala bukas. Paano ako nito? Siguradong makikita ko si Earl at Sam. Bahala na si Batman.

HavenWhere stories live. Discover now