Chappy 3: Theme Park

3.5K 153 9
                                    

"Sa lugar kung saan ka makakalimot." Ani Tristan.

Hinila nya ako papunta sa mga nagkukumpulang babae't beki.

"So dreamy."

"I'm gonna die."

"Uwi kana, di na ako galit."

Hysterical na sabi nung mga babae't beki.

Tae may sports car s'ya? Yayamanin pala 'tong mokong na to e.

"Hop in." Sabi n'ya sabay pinagbuksan ako ng pinto.

Choosy pa ba ako? First time kong makakasay ng sports car.

"Lagi ka bang ganito, pinagkakaguluhan?" Tanong ko.

"Sanayan lang yan." Pagmamayabang nya.

"Pakisara nga ng bintana, ang hangin e." Sabi ko.

Tumawa siya na parang nakakaloko, pabatukan nga 'tong mokong na 'to one time lang.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Pag-iiba ko.

"Basta huwag ka ng maraming tanong." Sabi niya kaya tumahimik nalang ako.

Huminto yung kotse niya sa tapat ng isang theme park.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.

"Tutulungan kitang makalimot." Sabi nya. "Tara!" Sabay hila papunta kung saan.

Dinala nya ako sa ticket booth at sinuotan ng wrist band then nagpunta kami sa roller coaster.

"Ikaw nalang sumakay, may fear of heights ako." Palusot ko.

"Huwag kang KJ, mag-eenjoy ka dito." Sabi nya.

Wala na akong nagawa kundi sumakay.

Nung umandar yung coaster napa-sign of the cross ako, habang paakyat parang nahihiwalay kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Nung dumulas naman pababa yung coaster, parang akong maiihi sa pants ko.

After ng coaster nag-bump car kami, tawa ng tawa sakin si Tristan. Paikot-ikot lang kasi ako sa gitna, unlike sya angaling nyang mag-maneho. Kung sino-sino nababangga ko, ayun naman purpose ng bump car di ba? Ang mamangga.

After ng bump car, naupo ako sa isang bench. Bumili naman ng cotton candy si Tristan.

"Oh." Sabi ni Tristan sabay abot ng cotton candy at naupo sa tabi ko.

"Answerte siguro ng jowa mo?" Sabi ko.

Ngumiti naman sya ng parang nakakaloko.

"Ngini-ngiti mo dyan?" Tanong ko sabay kagat ng cotton candy.

"Wala, sa totoo lang single ako." Sabi nya.

"Maniwala? Sa gwapo mong yan?" Di makapaniwalang sabi ko.

"Hindi naman." Pa-humble effect nyang sabi sabay kagat ng cotton candy.

Gwapo naman talaga sya, mapungay ang mata, matangos ang ilong, at kissable ang lips. Tae Raven, snap out of it.

"Ikaw cute ka naman ahh, bakit ka nagtiya-tiyaga sa lalaking yun?" Tanong nya.

Tristan, maliliit na bagay.

"Ewan ko ba? Kung may award lang siguro sa pagpapakatanga, humakot na ako." Sabi ko.

Tumawa naman sya dahil sa sinabi ko.

"Sa-salamat ahh." Sabi ko.

"Saan?" Pagtataka nya.

"Sa lahat, nag-enjoy talaga ako." Sabi ko.

"Ako pa nga dapat magpasalamat sayo ehh, sinamahan mo ako." Sabi nya. "May isa pa tayong pupuntahan." Hinila nya ako kung saan.

Sumunod nalang ako sa kanya.

"I-ikaw nalang, may phobia ako sa ganyan." Pagpupumiglas ko nang dalhin ako ni Tristan sa horror house.

"Last na to, promise." Sabi nya habang hinihila ako.

"Ayoko talaga, may phobia ako sa ganyan." Sabi ko.

When I was a kid kasi dinala ako ng mga cousins ko sa isang horror house. Since then, lagi akong nagkakaroon ng nightmares.

"Excuse me! May nakapila rin dito oh." Inis na sabi nung babae sa likod namin.

Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob, pagpasok palang para na akong maiihi sa pants ko. Todo kapit ako kay Tristan habang nakatakip ng mata.

Habang naglalakad kami, bigla nalang may sumulpot sa harap naming aswang. Napayakap ako kay Tristan dahil sa takot.

"Pa-parang basa? Parang ang panghe?"

HavenWhere stories live. Discover now