Chappy 18: Fix The Fixed Marriage

2.2K 108 5
                                    

Kinaumagahan, nananakit ang buong katawan ko. Manyakin ka ba naman ng manyakol na to ehh? Parang akong nilalagnat, in fact, nilalagnat nga ako.

Tag-libog kasi ang mokong na'to ehh, hindi pa nakuntento sa isa, may second at third round pa. Kaya ayan binat ang kinalabasan ng lola mo.

"Tristan, gising!" Nanghihina kong sabi habang inuuga sya.

Bumangon naman sya at nagtungo ng CR, siguro para jumingle.

"Asawa ko, ayos ka lang?" Nag-aalala nya tanong sabay hipo sa noo ko.

"Oo, ayos lang ako." Sabi ko kahit hindi. "Kumilos kana, mahuhuli kana sa klase natin."

"Asawa ko, sa tingin mo iiwan kitang ganyan?" Sabi nya sabay hinalikan ako sa noo.

Kumuha sya ng towel at maligamgam na tubig, pinunasan nya ako. Para akong bata, dati si Mama ang gumawagawa nito sakin.

"Asawa ko, saglit lang ipagluluto lang kita ng chicken soup." Sabi nya at bumaba.

Tinatawag naman ako ng kalikasan kaya sinubukan kong tumayo, keribels pa naman ng ate mo charo hanggang sa... natumba ako at nawalan ng malay.

Pagmulat ko, laking-gulat ko dahil nasa hospital na ako.

"Asawa ko! Buti naman at gising kana." Ani ni Tristan at lumapit sakin.

"Asawa? Hindi pa kasal yan, di pa uso same-sex."

"Sayang ang gwapo pa naman."

Rinig kong bulungan nung mga nurse.

"Asawa ko!" Ani ko naman at hinalikan si Tristan sa lips na ikinabagsak ng mga panga nung mga nurse.

"Sarap nun ahh, isa pa nga." Sabi nya sabay akmang hahalikan ulit ako pero hinarang ko labi nya gamit daliri ang ko.

"Tristan, behave." Sabi ko at sumambakol ang mukha nya. "Good boy, sa bahay may treat ka sakin." Sabay kurot sa pisngi nya.

"Sabi mo yan ahh." Sabi nya ngiting demonyo ang loko. "Sya nga pala may dala ako para sayo." Ani pa nya at pinakita ang laman ng dala nyang paper bag.

"Sila Mama nga pala?" Tanong ko.

"Susu..." Naputol ang sasabihin ni Tristan.

"Kuya!" Sigaw ni Gale sabay patakbong lumapit sakin. "Kuya, are you gonna die?" Naiiyak nyang tanong na ikinatawa namin ni Tristan.

"Gale, hindi pa mamamatay ang Kuya mo." Sabi naman ni Mama. "Eh masamang damo yan ehh." Dagdag pa ni Mama na ikinatawa ni Tristan.

"Ma naman ehh." Bwisit kong sabi.

"Sya nga pala, sabi ni Doc makakalabas kana daw mamaya." Magandang balita ni Mama sabay binatukan ako.

"What did I do?" Ani ko sabay scratchy head.

"What did I do? What did you do to yourself?" Ani ni Mama.

"Na-overfatigue lang po siguro Ma." Depensa ni Tristan sabay ngisi sakin.

Binigyan ko naman sya ng fake smile sabay inirapan.

Kinabukasan, keribels ko na kaya pumasok na ako. Panay naman tinginan samin ng mga kaklase ko, hindi pa ako nasanay.

"Balita ko na-hospital ka daw?" Pang-iintriga ni Lance.

"Bakit wala na akong karapatang magkasakit?" Ani ko naman.

"Sungit naman nito, meron ka?" Ani nya.

"First day ko ngayon, huwag kang ano?" Ani ko na ikinatawa ng loko.

Habang nasa kalagitnaan ng klase, may nag-abot ng sulat kay Mr. Bates.

"Mr. San Jose to the office." Ani ni Mr. Bates.

Nagtungo naman ako sa office tulad ng sabi ni Mr. Bates. Tae, napapadalas ako dito ahh.

"Mr. San Jose, please have a sit." Bungad nung Dean na agad ko namang sinunod. "I have good news and bad news for you." Dagdag pa nito.

"The good news please." Ani ko.

"Well, the good news is alam na namin kung sino ang kumuha at nagkalat ng video." Ani nung Dean.

Nyemas! Di pa pala sila nakaka-get over, move on na teh.

"And the bad news." Ani ko.

"The bad news is it's Ms. Samantha Flores." Ani nung Dean na parang naghinhintay ng reaksyon ko.

"So?" Ani ko naman.

"That's it, so. Hindi ka man lang magiging hysterical na best friend mo ang kumuha at nagkalat ng video." Ani nung Dean.

"No need ma'am, I already forgave her. Pwede nyong sabihin na  tanga ako dahil napatawad ko sya after ng mga nagawa nya. Still, she's my best friend and kulang pa ang pagkakamaling iyon kesa sa pinagsamahan namin." Sabi ko.

Nagulat naman ako nang pumalakpak at mag-standing ovation yung Dean.

"I thank you." Ani ko pa at nag-ala Pia Wurtzbach ako.

After nang walang patutunguhang convo with the Dean, pinabalik na nya ako sa room.

"Ansabi ng Dean?" Tanong ni Tristan.

"Wala, sabi nya ang swerte ko daw dahil may gwapo akong asawa."Ani ko habang inayos ang kwelyo nya.

"Inuuto mo naman ako ehh." Ani nya, pansin ko naman ang pamumula ng mukha nya.

Nagulat naman sya nang bigla kp syang halikan sa lips.

"Ahem." Panira ng moment ni Lance. "Gusto ko lang ipaalala sa inyo, school ito hindi motel." Dagdag pa nya na ikinatawa namin.

After class, umuwi na kami. Pagdating sa bahay, nagtaka ako dahil may magarang kotseng nakaparada sa tapat ng bahay namin. Hindi naman ito ang kotse ni Tristan, pagpasok ng bahay nabigla kami ng makita si mr. Gabby Perez.

"Dad!? What are you doing here?" Pagtataka ni Tristan.

"Son, somebody told me na nakita ka nila dito. So, I came here to pick you up." Sabi ni mr.  Perez.

"Tapos ano ipapakasal nyo ko sa Audrey na yun?" Pabalang sa sagot ni Tristan.

"Listen to me young man, whether you like it or not ikakasal kayo ni Audrey. Unless, gustong mong may mangyaring masama sa boyfriend mo." Banta  ni mr. Perez sabay tinignan ako.

"How did..." Naputol sasabihin ni Tristan.

"I have eyes and ears." Sabi ni mr. Perez. "Do you wish to ensure your future with that fag?"

Hinawakan ko si Tristan sa braso, bakas sa mukha nya ang panggagalaiti.

"Juice, anyone?" Singgit ni Mama habang dala-dala ang isang tray na may juice.

"It's very kind of you but I need to go." Sabi ni mr. Perez at umalis.

Hindi ko alam ang nararamdam ko, parang kanina ang saya lang tapos ngayon....urgh!

Tama naman si Mr. Gabby Perez, wala talagang future sakin si Tristan. Isa lang akong fag na umasang makahanap ng forever sa isang prinsipe.

Niyakap ako ni Tristan, yung yakap na hindi sigurado kung sakin pa bukas.

"Hindi kayang gawin ni Dad yun." Ani ni Tristan sabay hinalikan ako sa noo.

"Tristan, he can. Kayang nyang gawin ang lahat ng gustuhin nya." Naluluha kong sabi.

"I won't let that happen."

HavenWhere stories live. Discover now