Chappy 2: Perfectly Fine

3.7K 173 16
                                    

Tae ayaw ko talagang pumasok ngayon, hindi pa ako handang harapin sila Earl at Sam. Pero wala akong magagawa dahil hell week ngayon. kailangan kong mag-aral at mag-sunog ng kilay.

Pagpasok ko nang class room, bumungad sa'kin sina Earl at Sam halos langgamin sa paglalampungan. Pinilit kong kontrolin emos'yon ko, pero nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Naupo ako sa may dulo, kung saan malayo sa kanila. Itinuon ko rin ang atens'yon ko sa ibang bagay.

Maya maya pa ay dumating na si Mr. Bates, professor namin.

Lectures dito, lectures doon. Tae walang pumapasok sa utak ko. Naalala ko, hindi pa ako nakapag-agahan. Siguro gutom lang 'tong nararamdaman ko.

Pagkatapos ng subject ni Mr. Bates, nagtungo ako ng cafeteria para bumili nang makakain. Nasaktong wala kaming professor sa sumunod namin na subject, kaya susulitin ko na.

Naghanap ako ng bakanteng pwesto na mauupuan. Habang kumakain ako ay may lumapit sa'kin. Dahil sa gutom ay inetchepwera ko lang nagpatuloy lang ako sa pagkain.

"Pwedeng maki-share ng table?" Tanong sa'kin ng isang pamilyar na boses.

Napatingin ako sa kan'ya, si Panyo Guy. A...anong ginagawa ng mokong na 'to dito?

Dahil hindi ako makapag-salita dahil sa laman ng bibig ko, tumungo nalang ako bilang tugon. At kung hindi ba naman kapalmuks ang kupal naupo naman sa tabi ko, ang akala ko'y sa tapat ko lamang s'ya uupo.

"Tristan nga pala, sorry I didn't get your name." Pakilala n'ya sabay abot ng kamay n'ya.

"Raven." Nakipagkamay ako. "A...anong ginagawa mo dito?" Ilang kong untag dahil sa mga tinginan n'ya.

"Dito ako nag-aaral." Ngisi n'ya.

"Transferee?" Tanong ko.

Parang hindi ko s'ya nakikita? Sa totoo lang, mga mukhang unggoy na pinagkaitan ng evolution ang mga estudyante dito e. Anong ginagawa n'ya dito?

"No, star section." Aniya.

That explains everything, usually kasi sa mga star section halos hindi nasisikatan ng araw, mga posh at VIP's ng campus. Hustisiya para kay Ka Dencio!

"May gagawin... ka ba mamaya?" Untag niya habang may lamang pagkain ang bibig n'ya. Ito gwapo lang e, pero salaula.

"Wala naman, bakit?" Nangunot ang noo ko.

"Samahan mo 'ko" Anyaya n'ya.

"Saan?" Pagtataka 'ko.

"Basta, kita tayo mamaya pagkatapos nang klase." Aniya sabay layas.

Napabuntong-hininga nalang ako, hindi man lang hinintay ang sagot ko kung payag ako o hindi. Bahala s'ya sa buhay n'ya.

Matapos kong kumain at ng vacant namin, balik-klase na ulit. Ngayon ko lang naramdaman ang hell week, hirap na hirap ako sa pag-solve ng problems sa statistics. Sumabay pa ang pagkailang ko kina Earl at Sam.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko, para akong natataeng ewan.

"Are you alright Mr. San Jose?" Tanong sa'kin ni Ms. Dimaculangan.

"Yes Ma'am." Tumungo ako.

"You don't look well, ang putla mo." Sabi ni Ms. Dimaculangan. "Mr. Ramirez, could you take Mr. San Jose to the clinic?" Pakisuyo n'ya kay Earl.

Andami-daming pwede isama si Earl pa.

"N...No ma'am, I'm perfectly fine." Sabi ko.

Bigla naman akong hinila ni Earl palabas kaya wala akong nagawa.

Habang papunta kami sa clinic, bigla akong hinawakan ni Earl sa magkabilang braso at hinarap sa kan'ya.

"Sino 'yung kasama mo kanina? Bago mo?!"  Pasigaw n'yang untag.

Bumuntong-hininga ako at tinignan ko s'ya mata sa mata.

"Ganyan ba kababa tingin mo sa'kin? Pwede ba, huwag mo akong itulad sa ka-cheapan mo!" Kumawala ako sa pagkakahawak n'ya. "Ayos lang ako, hindi mo na ako kailangan sa clinic. Ayaw kong magka-utang na loob, lalo na sa mga kagaya mo." Dagdag ko.

Tinalikuran ko s'ya sabay layas.

"Raven, I'm sorry." Hinabol n'ya ako, napahinto naman ako sa paglalakad dahil sa sinabi n'ya.

"Sorry? Sorry, kasi bakit? Nakokonsens'ya ka, kasi ginago n'yo ko? Pinagkaisahan n'yo ko? Ginawa n'yo akong tanga?!" Sinubukan kong huminahon, nakaramdam kasi ako nang panghihina't pagkahilo.

"Rav..."

"You know what Earl? You're not worth it. I'm tired of being your doormat. We're done." Hindi ko na s'ya hinayaang makapagsalita at tuluyan na akong umalis.

Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa class room, kasunod ko naman pumasok si Earl.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nasabi ko na ang gusto kong sabihin,  pero bakit parang ang bigat parin ng loob ko?

Pagkatapos nang klase ay hinintay ko si Tristan. Ang tanga lang, makikipagkita s'ya pero hindi man sinabi kung saan. Kung hindi lang talaga gwapo 'yun, jombag aabutin sa'kin 'nun e.

Halos maburyo ako kakahintay pero wala parin ang dimunyu. Nagtungo ako sa star section pero mga matapobreng dikya lang ang nakita ko, kung pagbulangan at makatingin sa'kin akala mo'y nakahubad ako.

Balak kong hanapin s'ya sa cafeteria, pero napansin kong 'dun papunta sina Earl at Sam kaya minabuti ko na umiwas nalang. Ako na nga niloko, ako pa mag-aadjust.

Hindi ko mahanap ang impakto kaya nagdesis'yon akong umuwi nalang. Paglabas ko ng gate ng school, may mga nagkukumpulang mga babae at beki.

"Anong meron?" Pagtataka ko pero wala akong balak makiisyoso.

Panay ang tilian at hiyawan nang mga babae't beki, akala mo iniipit ang tinggil.

Naglakad ako hanggang makalagpas sa kanila pero may humawak sa braso ko.

"And where do you think you're going?" Tanong ni Tristan.

Nagpakita rin ang impakto, pero wala na ako sa mood.

"Uuwi!" Banas kong sabi.

"Di ba sabi ko sumama ka sa'kin?" Pagpupumilit n'ya.

"Saan ba kasi at nagpupumilit ka?" Untag ko.

"Sa lugar kung saan ka makakalimot."

HavenOn viuen les histories. Descobreix ara