Chappy 16: Happy Monthsary

2.2K 104 1
                                    

"Happy monthsary asawa ko." Sabi niya na ikina-rapunzel ng buhok ko.

Bakas naman ang inggit sa mukha ng mga babae't beki kong classmates. Oh well like I said before, GL lang yan, "ganda lang".

Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa noo. Tae kinilig naman ang tinggil ko, niyakap ko sya at hindi mapigilang maluha sa tuwa.

Ang bilis ng panahon, biruin mo isang buwan na pala ang nakalipas, parang kahapon lang sya yung malokong Tristan na nagbigay ng panyo sakin nung  naiyak ako. Ngayon, umiiyak ako sa tuwa dahil nagkaroon ako ng boyfriend na tulad nya.

Pagtapos ng klase, nilagyan ako ng blindfold ni Tristan at dinala kung saan. Tae ito na ata yun, dito na ata ako i-papaddle.

"Dahan-dahan lang asawa ko." Sabi nya habang inaalalayan ako.

Pagtanggal nya ng blindfold, napanganga ako. Candlelight dinner pala ito, hindi naman ako na-orient eh di sana nakapag-briefing ako.

Tinignan ko si Tristan, hindi ko na alam kung paano ko ipapakita kung gaano ako kasaya kaya niyakap ko sya at tuluyan umiyak.

"Asawa ko, hindi mo ba nagustuhan?" Tanong nya.

"Gusto... Gustong-gusto ko." Sabi ko at hinipitan ang pagkakayakap sa kanya.

Habang kumakain, panay lang ang titig ko sa kanya.

"Asawa ko, may problema ba?" Pagtataka nya.

"Uhm wala, hindi parin kasi mag-sink sa utak ko na may Tristan Perez na dumating sa buhay ko." Sabi ko na ikinapula ng loko.

"Nahawa kana ata sa kamaisan ko?" Sabi nya na ikinatawa namin.

After kumain, maglalakad-lakad pa sana kami ni Tristan nang biglang lumapit samin si Lance hingal na hingal.

"Raven... Si Earl nasa rooftop..." Naghahabol ng hangin nyang sabi.

"So?" Taas-kilay kong sabi.

"Magpapakamatay." Sabi nya na ikinatarata namin ni Tristan.

Na naman? Tae talaga tong Earl na to oh. Ano na naman kaya naisipan at gustong mag-sky diving mula rooftop?

Pagpunta namin ng rooftop, ayun nga si Earl.

"Ano na naman ba to Earl?" Tanong ko.  

"Venko, ayoko ko na?" Sabi nya.                   
"Ayaw mo na?" Pag-uulit ko.

Nagpunta ako sa pinakagilid at sumampa sa railings.

"Anong ginagawa mo?" Pagtataka nya.

"Ayoko narin, ako nalang magpapakamatay tutal ako naman pinoproblema mo di ba?" Sabi ko at akmang tatalon.

"Venko! Bumaba ka dyan, hindi ka pwedeng mamatay paano yung baby natin?" Sabi nya sabay bumaba at pinigilan ako.

"Gago, baby ka dyan?." Sabi ko sabay tawa at bumaba narin sa railings. "Ano na naman bang eksena to Earl? matatapos na yung kwento ehh." Naupo kami sa sahig.

"Ayoko na Venko, hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako."

"Napatawad na ki..." Pinutol nya sasabihin ko.

"Plano namin ni Sam ang lahat, simula pagyaya sayo hanggang dun sa video." Sabi nya na ikinapipi ko. "Venko, alam kong hindi mo kami mapapatawad." Dagdag pa nya.

Parang tinahi bibig, hindi ako makapagsalita. Akmang sasampalin ko sya sanhi para mapailing sya.

Bagkus hinawakan ko mukha nya at tinitigan bakas naman sa mukha nya ang pagtataka.

"Earl, tama na, ayoko na." Sabi ko at tumayo at nilisan sya.

Tuliro na naman ako at lutang ang pag-iisip, hindi naman maiwasan ni Tristan ang mag-alala.

"Asawa ko, may ginawa na naman ba sa iyo yung Earl na yun?" Pag-aalala nya.

Tanging iling lang ang sinagot ko sa kanya at yumakap sa bisig nya.

"Asawa ko, nakakasawa na.kasabwat ba nila si Tadhana? Pinagkakaisahan nila ako." Maluha-luha kong sabi.

Iniharap nya ako sa kanya, at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.

"Isang buwan na tayo asawa ko, parang kahapon lang nung makita kitang umiiyak dahil sa kanya. Lagi mong tatandaan, lagi akong nandito para sayo. Kung kaya ka nilang saktan, hindi kita kayang iwan." Sabi nya sabay hinalikan ako sa noo.

"Awww sweet corn ka talaga." Sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

Tristan, ano bang sikreto mo at kaya mong pagaanin ang buhay ko?

Kinabukasan sa school, napansin kong bakante ang upuan nina Sam at Earl.

"Raven, may nagpapaabot sa iyo, huwag ko daw sabihin kung kanino galing." Sabi ni Lance sabay abot ng isang sobre.

Tae, ano na naman to? bayad na ilaw at tubig namin ahh.

"Kanino galing yan?" Tanong ni Tristan.

"Hindi sayo?" Pagtataka ko.

Binuksan ko ang sulat at binasa sa harap ni Tristan.

"Dear Raven, sorry kung hindi na kami nakapagpaalam sayo. Malamang kung binabasa mo to ay paalis na kami papuntang ibang bansa. Sorry kung nasaktan ka namin, alam ko hindi sapat ang sulat na'to para mapatawad mo kami. You deserve a man like Tristan, yung kaya kang ipaglaban, protektahan at alagaan. Hindi man ngayon, hindi man bukas. Sana dumating yung araw na kaya mo kaming patawarin sa lahat ng ginawa namin sayo. Bestie." Nakasaad sa sulat.

Hinila ko si Tristan, bakas sa mukha nya ang pagkabigla.

"Saan tayo pupunta?" Pagtataka nya.

"Ano aalis nalang sila ng ganun-ganun nalang?" Sabi ko.

Nag-cut classes na kami ni Tristan, nagmadali kaming lumabas ng school. Sumakay kami ng taxi papunta sa airport na sabi ni Lance.

Pagdating namin sa airport, huli na ang lahat. Naka-board na daw lahat ng passenger at palipad na ang eroplano.

Naupo ako sa may bench habang si Tristan, bumili ng maiinom. Lutang naman ako habang pinagmamasdan yung friendship bracelet namin ni Bestie.

"Mag-cucutting kalang sa airport pa."

HavenWhere stories live. Discover now