Chappy 19: P.S. Goodbye

2.4K 107 0
                                    

Ilang oras nang nakalipas wala paring Tristan Perez na bumabalik.

"Raven, anak." Ani ni Mama na halatang nag-aalala. "I heard everything and gusto kong malaman mo na nandito lang si Mama ahh." Sabi ni Mama na nagpabagsak lalo sa luha ko.

"Ma, bakit ganun?" Sabi ko habang humahagulgol sa lap ni Mama.

"Raven, anak. You must endure the pain to reach true happiness. Alam mo ba dati? Ayaw rin ng Lola mo sa Papa mo, daig pa nya si Lola Nidora kung mag-higpit. Halos isara nya lahat ng pinto at bintana, huwag lang kaming magkita pero ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paaran. Naging magkaklase kami ng Papa mo mula high school hanggang college. Anak, ganyan na ganyan rin ang Papa mo noon panay rin ang iyak pero hindi sya sumuko at hinintay nya yung tamang panahon. Aabot ba kami ng 20 years kung kung sumuko sya at hindi naghintay. Anak, bata ka pa. Kung hindi si Tristan ang para sayo. Edi wow." Homilya ni Mama na ikinaiyak-tawa ko.

"Ma naman ehh." Iyak-tawa kong sabi.

Umakyat ako ng kwarto at sumalampak sa kama. Niyakap ko si Fifi at TanTan, nagtatampo na sila. Ewan ko ba? Hinahanap ng katawan ko si Tristan, sana sya ang kayakap ko at sasabihing magiging okay lang ang lahat.

Hanggang sa nakatulog ako, naalimpungatan ako nang may tumabi at yumakap sakin. Naramdaman ko ang paghalik nya saking labi at pagsiil ng yakap. Sumiksik naman ako sa kanya at natulog ulit.

Pagdilat ko, tanging unan lang ang katabi ko. Tumayo ako at hinanap sya.

"Ma, si Tristan?" Tanong ko.

"Umuwi ba kagabi?" Pagtataka nya.

"Opo, may tumabi po sakin ehh." Ani ko naman.

"Ay hindi ko napansin?" Ani ni Mama habang patuloy lang sa pagluluto.

Umakyat ulit ako at nahiga, tae Tristan, uwi ka na di na ako galit.

Maya-maya pa'y napansin ko yung letter sa table sa gilid ng kama ko. Nang buksan ko ito at bahasin, gumuho ang mundo ko.

Asawa ko, sana mapatawad mo ako. Isa ito sa pinakamahirap na desisyon na ginawa ko. Ayaw kitang mapahamak, Ikaw at ang napakaganda mong pamilya. Ayokong makita kang umiiyak, ayokong makita kang malungkot, ayokong makita kang nasasaktan. Yung mga araw na kasama kita at yakap-yakap, yun na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Sana mahintay mo ang araw na babalik ako para yakapin at hagkan kang muli. Sana mahintay mo yung araw na babalik ako at kaya na kitang ipaglaban. Kung dumating man ang araw na yun at may iba ka nang mahal asahan mo hihintayin kita kung saan tayo unang nagkita.

Nanlumo naman ako nang puntahan ko bahay nila, sabi ng butler nagtungo daw sila ng France para dun ikasal si Tristan.

Nanlambot ang tuhod ko at nanghina. Sabi nya ayaw nya akong nakikitang nasasaktan. Eh wala nang mas sasakit pa dito eh.

Umuwi akong luhaan, nagkulong ako sa kwarto. Ilang araw rin akong nag-mukmok at hindi lumabas ng kwarto. Nag-aalala na sakin sina Mama at Gale, sinubukan nila akong kausapin pero oo at iling lang ang sagot ko. Ilang araw din akong hindi pumasok, feeling ko wala nang saysay buhay ko.

Hanggang sa pinilit kong pumasok dahil finals na, graduating pa naman kami. Pagpasok palang ng room, halos panay ang tinginan at bulungan sakin ng mga kaklase ko. Siguro kalat na sa buong school? Scandal ko nga mabilis kumalat ehh, chika pa kaya?

"Balita ko ipapakasal na si Tristan ahh?" Pang-iintriga ni Lance.

Hindi ako kumibo kasi everytime na naiisip ko parang gusto kong umiyak.

"Balita ko rin sa business partner ng Papa nya?" Sabi nya.

"OO NA! MASAYA KA NA?" Maluha-luha kong sabi, pinagtinginan naman kami ng iba pa naming kaklase.

Nag-walk out ako at nagtungo sa garden sa likod ng campus. Doon ako tuluyang nag-break down.

Nandun parin yung table na hinanda before ni Tristan nung monthsary namin. Naupo ako dun at nag-flashback lahat ng feelings, pero hindi kilig ang nararamdaman ko kundi sakit.

Nabigla naman ako ng may tao pala akong kasama, si Lance naupo sya sa pwesto ni Tristan before.

"Uhm pasensya kana." Ani ni Lance at hinawakan ang kamay ko.

"Sige na, okay lang bumalik kana sa klase natin." Sabi ko ay ibinitaw ang kamay nya.

"Sa totoo lang na-iinsecure ako kay Tristan, dahil meron sya ng mga bagay na wala ako. Tulad mo?" Ani nya sabay hinawakan ulit ang kamay ko.

"Tulad ko?" Pagtataka ko.

"Raven, unang kilala ko palang sayo. Nandun na yung inggit ko kay Tristan, yung panghihinayang nung sabihin nya sa harap ng klase na boyfriend ka nya." Ani nya. "Pero ngayong wala na sya, please hayaan mong ako ang maghilom ng sugat sa puso mo." Dagdag pa nya.

"Nagbibiro ka ba?" Ani ko naman.

Hindi sya sumagot bagkus siniil nya ako ng halik. Sinubukan kong manlaban pero ang lakas nya. Ramdam kong unti-unti nya akong hinuhubaran.

Hindi parin nag-sisink in sa utak ko ang kahayupan nyang ginawa sakin. Hanggang sa tumulo nalang kusa luha ko, sanhi para huminto sya.

"Hayop ka!" Maluha-luha kong sabi habang pinaghahampas sya.

Niyakap nya ako hinalikan sa noo.

"Asawa ko, bumalik kana." Wala sa katinuan kong sabi at niyakap rin sya.

"Raven, kung kaya ko lang bawasan ang sakit."

HavenWhere stories live. Discover now