Chappy 11: Besties

2.6K 111 1
                                    

Kinaumagahan, sinundo ako ni Tristan at sabay kaming pumasok. Tumabi sakin si Tristan, habang si Earl naman nakipagpalit ng upuan kay Lance.

Pinalibutan kami ng awkward na atmosphere. napapatingin ako sa dalawa, nginingitian lang ako ng dalawang ipakto.

After ng third subject namin bumaba kami ng canteen, naiilang ako dahil nakadikit parin samin si Earl, nung hawakan naman ni Tristan kamay ko, hinawakan rin ni Earl yung isa kong kamay. Tae people power pala ito, hindi ako na-orient. Sinakyan ko naman trip nila.

"Bigyan ng benepisyo mga single!" Sigaw ko na ikinatawa ng dalawa.

Bumili ng pagkain yung dalawa, habang ako naman naghanap ng bakanteng table at naupo. Habang hinihintay yung dalawa, kinalikot ko muna yung mga notes ko, review kumbaga.

Habang nagkakalikot ako ng mga notes, may lumapit sakin. Pagtingin ko si Sam, mukha syang depressed.

"Pwedeng makiupo?" Tanong nya.

Tumungo ako at niligpit yung mga notes. Napatingin ako sa kamay nya suot nya yung friendship bracelet na binigay ko, years ago. Sinapak ako ng magagandang pinagsamahan namin at nung dahilan kung bakit ko binigay sa kanya yun.

"Raven, gusto ko lang ulit humingi ng pa..." Pinutol ko na sasabihin nya.

"Napatawad na kita." Sabi ko. "May magagawa pa ba ako eh bestie kita ehh?" Dagdag ko pa.

Niyakap nya ako at tuluyan ng bumulwak ang luha namin.

"Sorry talaga bestie ahh." Sabi nya.

"Dapat rin akong mag-sorry, masyado akong nagpadala sa emosyon ko." Sabi ko.

"Besties?" Sabi nya.

"Besties." Sabi ko.

Ewan ko ba? Parang lumambot ang puso ko na makita ang bestie kong nagkakaganyan.

Sakto namang dumating yung dalawa na halos nagparamihan ng pagkain.

"Oh? Ayos na kayo?" Tanong ni Tristan.

"Oo, bestie ko parin naman to kahit anong mangyari." Sabi ko sabay tawa.

Naupo si Sam sa tabi ko, habang magkatabi naman yung dalawang mokong.

"Raven, tikman mo to." Sabi ni Tristan at sinubuan ako ng ulam.

"Venko, ito masarap." Sabi ni Earl at sinubuan rin ako.

"Masarap nga, tikman mo Sam." Sabi ko sinubuan ko.

"So magsusubuan nalang tayo dito?" Tanong ni Sam.

"Tama si Sam, baka mamaya ano pa masubo ko?" Tae did I said that loud, nanlaki mata nilang tatlo. "Na pagkain." Dagdag ko.

Tae ramdam ko ang hiya at pamumula ng mukha ko.

After kumain bumalik kami ng room, absent yung prof namin kaya panay ang kwentuhan namin ni bestie. She needs catch up with the latest chikas.

"And that's what happend." Pagtatapos ko.

"Ang swerte mo bestie, I wish I had a Tristan like yours." Sabi nya.

"Si Earl, minahal mo ba talaga sya?" Tanong ko na ikinapipi nya. "It's okay, bestie." Dagdag ko.

"Oo bestie, minahal ko si Earl. Naalala mo yung nagpatulong ka sakin, sa kanya? Hindi ko akalaing mahuhulog loob ko, naging kami kahit alam kong kayo pa. Hindi naming maatim na lokohin ka kaya naghiwalay kami." Maluha-luha nyang sabi.

Tinahan ko sya at inabot ang panyo.

"Nasaktan ako bestie, pakiramdam ko kasi pinagkaisahan nyo ako. Na hindi lang ako nawalan ng boyfriend, nawalan rin ako ng bestfriend. Pero nagpapasalamat parin ako sa mga nangyari dahil nakilala ko si Tristan." Maluha-luha ko ring sabi.

HavenWhere stories live. Discover now