Chappy 10: Broken Heart Syndrome

2.6K 124 2
                                    

"T-tristan?" Maluha-luha kong sabi.

Ewan ko ba? Para bang naubos lakas ko sa pagpupumiglas sa kanila.

Napatumba ni Tristan yung tatlong ugok na yung ng sya lang mag-isa.

Pinasan ako ni Tristan, panay parin ang pag-iyak ko. Niyakap ko syang mahigpit.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong nya.

"Hinahanap kaya kita." Sabi ko sabay hampas sa balikat nya.

"Dapat hindi mo na ginawa yun?" Sabi nya.

"Bakit hindi? Boyfriend po kaya kita." Sabi ko.

Niyakap ko sya ng mahigpit, saglit lang sya nawala pero miss na miss ng katawan ko, katawan nya.

Naupo kami sa may stair case, ni-lean ko ang ulo ko sa shoulders nya. Pinalibutan kami ng nakakabinging katahimikan.

"Kamusta si Earl?" Pambabasag nya sa katahimikan.

"Okay na sya, nakapasok na sya kanina." Sagot ko.

"Raven." Pagkuha nya ng atensyon ko."Pasensya kana kung pinag-alala kita. Lumipat ulit ako ng star section."

"Okay lang, magkikita parin naman tayo ehh." Sabi ko at yumakap sa kanya.

Kumalas sya sa yakap ko.

"Pinakiusapan ka sakin ng Mama ni Earl, lumuhod sya sakin, umiiyak. Hindi ko alam gagawin ko, hindi ko kayang makakita ng inang umiiyak at nagmamakaawa." Maluha-luha nyang sabi.

"Tristan, Hindi kita maintindihan." Sabi ko sabay yakap ulit sa kanya.

"Kailangan natin gawin to." Sabi nya at kumalas ulit sa yakap ko.

"Hindi kita maintindihan." Maluha-luha kong sabi.

"Nangako ako sa Mama ni Earl na iiwasan na kita." Sabi nya sabay tumalikod.

"Bakit sakin hindi ka nangako? Biro lang ba lahat ng yon?" Sabi ko sabay punas ng luha.

Maglalakad na sana sya palayo pero iniharap ko sya at hinalikan.

"This is for everything." Sabi ko sabay tumakbo palayo sa kanya.

Umuwi ako sa amin na lutang at blangko ang pag-iisip.

"Hi Kuya!" Salubong ni Gale at niyakap ako.
"When will Kuya Pogi visit here again?"

Sasabihin ko ba na hindi na pupunta si Tristan kahit kailan?

"I don't know Gale." Sabi ko. "Kuya's so dry, Kuya needs to sleep."

"Okay Kuya, good night." Sabi nya sabay kiss sa pisngi ko.

Umakyat ako sa kwarto ko, nag-dive ako sa kama ko. Niyakap ko si Fifi, nagpakawala na naman ang dam sa mata ko ng tubig.

"Fifi, heto na naman ako iniiyakan ka. Feel free na batukan ako ahh." Sabi ko kay Fifi.

Kinaumagahan, nagising ako mga quarter to 9, tae late na ako sa first subject namin. Dali-dali akong bumangon at naligo, ligong-itik nalang ang ginawa ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama.

"Papasok po." Sagot ko.

"May pasok ka, linggo ngayon di ba?" Pagtataka ni Mama.

Nyemas linggo nga pala ngayon, ganito pala side-effect ng pagiging broken.

Umakyat ulit ako ng kwarto at nagpalit, matutulog pa sana ako pero kumakalam na sikmura ko.

Pagbaba ko, nabigla ako ng makita si Earl. Bigla naman syang tumayo nang makita ako.

"Sige, maiwan ko muna kayo dyan at baka masunog yung niluluto ko." Sabi ni Mama at nagtungo ng kusina.

HavenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ