Chappy 8: Asawa Ko

3.1K 136 0
                                    

Nagulat ako ng biglang...bumukas yung pinto.

Nalaglag naman ang panga ni Tristan nang makita ako.

"Wala kang nakita." Sabi ko sabay kuha ng damit at nagmadaling nagtungo aa CR.

After kong magbihis, lumabas na ako ng CR. Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang kahihiyan. Mas malala pa pala to kaysa nung maihian ko sya.

Nagulat ako ng yakapin nya ako mula sa likod.

"Wala akong nakita." Sabi nya. "Except sa potutuy mong napaka-cute." Dagdag nya na ikinanganga ko.

Tae nakita nya ang perlas ng silanganan ko.

Hinarap ko sya at hinampas-hampas.

"Gusto mo tingnan mo rin tong sakin para quits na tayo?" Sabi nya.

"Bastos! Manyak!" Sabi ko at hinampas-hampas ulit sya, tawa lang ng tawa ang loko.

Hindi ko alam na may ganito palang side si Tristan? Akala ko, kalahating tae't kalahating adik lang sya. Yun pala one-fourth na tae, one-fourth na adik at kalahating manyak. Pero he has his way of turning me on. Raven, ano ka ba? Snap out of it.

Sabay kaming pumasok ni Tristan, panay ang tinginan samin ng mga ibang estudyante. Adik kasi tong si Tristan ehh, hawakan ba naman ang kamay ko habang naglalakad. Eh kese nemen ehh.

Pagpasok naman ng room, panay ang bulungan ng mga kaklase ko. Nagtaka ako ng makakita ako ng tatlong roses at isang box ng chocolates. Timingin ako kay Tristan na parang nagtataka. Naku! Front lang to ng adik.

"Aww for me?" Tiningnan ko si Tristan sabay niyakap.

Panay naman ang tinginan samin at bulungan ng mga babae't beki kong kaklase.

"Uhm Raven, it's not from me." Seryoso nyang sabi.

"Huh? Kanino?" Tanong ko.

Napatingin ako kay Earl, blangko ang emotion nya at parang ang lalim ng iniisip.

Tiningnan ko yun roses may nakalagay na note.

Meet me at the mall, same time, same place. I'll make it up to you.

"Is there something wrong?" Tanong sakin ni Tristan ng mapansing malalim rin ang iniisip ko.

"Wa-wala." Sagot ko. "Pwede mo ba akong samahan mamaya?" Pakiusap ko.

"Saan?" Tanong nya.

"Sa mall, alam ko na kasi kung kanino galing ang mga to. May haharapin lang ako." Sabi ko.

After ng klase namin, nagpunta kami ng mall. Nag-dinner muna kami then pumunta sa meeting place.

"Bakit kasama mo sya?" Tanong ni Earl.

"Bakit hindi? Ehh ako lang naman ang boyfriend nya." Sabat ni Tristan.

"Raven, tara!" Sabi ni Earl at hinila ako.

"No." Sabi ko. "I came here not for this. Gusto ko nang tinggilan mo ako. Can't you see Earl, may boyfriend na ako at si Tristan yun."

"No Raven, alam kong mas minahal mo ako kesa sa lalaking yan." Maluha-luha nitong sabi.

Ewan ko ba? Parang dinudurog puso ko na makita syang nagkakaganyan. Mahal ko pa nga sya pero ayokong maging unfair kay Tristan, sya na ang boyfriend ko.

"Tristan, can you give us a minute?" Sabi ko.

Tumungo naman si Tristan, kaya dumistansya kami sapat lang distansya para di nya marinig ang usapan namin.

"Look Earl, ayoko na." Panimula ko. "Pagod na akong umasa at masaktan." Dagdag ko.

"Kaya nga magsisimula tayo muli ehh." Sabi nya sabay pilit na ngumiti.

"Pero may boyfriend na ako." Sabi ko.

"Alam kong hindi mo sya mahal, ako parin ang mahal mo." Sabi nya sabay hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Tapos na tayo." Sabi ko at kumalas sa pagkakahawak nya sakin.

Tumalikod na ako at pupunta na sana kay Tristan nang bigla nya akong hinila patalikod at hinalikan.

Nangatog ang tuhod ko, hindi ako makakilos.

Bigla namang sinugod ni Tristan si Earl at sinuntok, napatumba nya ito at napadugo ang labi.

"Gago ka!" Sigaw ni Tristan.

Inawat ko si Tristan, pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Tristan, let's go." Sabi ko at hinila sya.

Umalis kami ng mall at dumeretso sa park. Naupo kami sa bench, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin.

"Tristan, sorry ahh." Sabi ko. "Dapat hindi na kita sinama, nadamay ka pa tuloy." Dagdag ko.

"No, it's not your fault." Sabi nya sabay tiningin ang mukha ko sa kanya. "Tara na, it's getting late." Anyaya nya.

Hinatid nya ako sa amin, niyaya ko syang pumasok pero tumanggi sya. Susunduin nalang daw nya ako bukas.

Pagpasok ng bahay napansin ni Mama ang pagiging matamlay ko.

"Anak, may sakit ka ba? Parang ang tamlay mo?" Pag-aalala ni Mama.

"Wala po Ma." Sagot ko.

"Raven San Jose, fetus ka palang kilala na kita. Anong problema?" Sabi ni Mama.

Ikukwento ko ba kay may Mama ang mga nangyari? Bahala na si Hello Kitty.

Naupo kami sa sala at siniwalat ko ang krimen.

"Ayun nga po ang nangyari." Pagtapos ko ng kwento.

"Eh ang haba naman pala ng buhok mo ehh." Sabi ni Mama sabay tawa na nakakaloko.

"Ma!" Sabi ko.

"Hay naku! Sundin mo lang ang tinitibok nyan." Sabi nya Mama sabay turo sa dibdib ko. "Pero pairalin mo rin ang utak mo, huwag kang maging unfair kay Tristan. Sya ang boyfriend mo pero iniisip mo parin si Earl." Payo ni ate mo Charo.

Pero tama naman talaga si Mama, hindi dapat puro puso ang pinapairal ko. Boyfriend ko si Tristan kaya dapat sya ang pagtuunan ko ng pansin.

After ng MMK, ay umakyat na ako sa kwarto ko. Niyakap ko si Fifi, na-miss ko sya. Siguro kung buhay lang to, nagtatampo na to ngayon sakin.

Pinikit ko ang mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-prepare ng breakfast. Gusto ko kasing pakainin dito si Tristan, pagdating nya.

Maya-maya pa ay may bumusina, pag-silip ko si Tristan.

"Pasok ka muna? Samahan mo akong mag-breakfast." Sabi ko.

"Naku! Huwag na tapos na ako." Sabi nya.

"Lokohin mo lelang mo, sa school ka kaya kumakain hindi sa bahay nyo." Sabi ko.

Wala syang nagawa kundi pumasok samin, naupo sya sa mesa at pinag-silbihan ko sya.

Natatawa ako sa kanya dahil hindi sya marunong mag-kamay.

"Akin na nga, ganito oh." Sabi ko at sinubuan ko sya.

"Wow, ikaw nagluto nito?" Tanong nya.

"Ayaw mo?" Tanong ko.

"Ang sarap nga, I don't know eggs could be so delicious." Sabi nya na ikina-flattered ko. "Tama yan, mag-ready ka nang maging asawa ko." Dagdag nya na ikinganga ko.

"Asawa ka dyan?" Sabi ko at inirapan ko sya, tinawanan lang ako ng timawa.

"Para rin sa magiging mga anak natin."

HavenWhere stories live. Discover now