Chapter 44

2.3K 119 16
                                    

ALDEN'S POV

"Sir, dito na lang po kayo." sabi sa akin ni Chief. Andito kami sa labas ng warehouse kung saan naka balita sila na andidito daw sila Dahlia, dahil may nakakita ditong isa sa mga local na nakatira dito.
"No." umiling ako.
"I need to go in there. Kailangan kong makita na ok sya!" pinipgilan na nila ako pero wala pa din.
"Stop that Alden." narinig kong sabi ni Sean at lumitaw ito sa likod ng isang pulis na naka vest ng kagaya sa mga suot ng pulis ngayon.

"You're going in?" tanong ko dito at hindi ako sinagot nito bagkus ay may inilabas itong baril at kinasa. Sabay lagay sa likudan nya.
"Yeah. Kaya wag ka ng pumasok. I can save Rose." sabi nya. Parang hindi ko nagustuhan ang tono nito sa pagkakasabi nya.
"And I can do that too. Just let me." sabi ko sa kanila. I wanna see for myself na ok lang si Dahlia and ofcourse her family as well.

"Fall in!" may narinig kaming sumigaw kaya naman nagtakbuhan na sila pati si Sean ay sumunod nadin doon.

Hindi namin kasama si Tito John kasi biglang tumaas ang blood pressure nya at inadvise na magpahinga muna kaya ito wala. Pero may mata at tenga sya dito.

Nagumpisa na silang tumakbo papasok sa warehouse. Kailangan kong sumunod doon.

Kaya inikot ko ang paningin ko sa loob nitong police mobile at saktong may nakita akong vest sa ilalim ng upuan and sinuot ko iyo. Pagkatapos ay naghanap pa ulit ako. Luckily I found a gun. Kahit hindi ko alam gamitin ito ay pinabayaan ko na lang.
Nagpalinga linga muna ako at ng wala akong nakitang mga tao ay saka ako tumakbo papalapit sa pinagpuntahan nila.

Habang papalapit ako doon ay mas lumalakas ang putukan. At nang makita kong hindi sila makalapit or makapasok man lang sa loob.

Hindi pede to. Baka itakas nanaman nila si Dahlia. Kaya imbes na doon ako dumaan. Sa gilid ako ng warehouse dumaan.

Wala akong makita dahil madilim kaya kumakapa kapa ako pero binilisan ko. Habang unti unti akong lumalayo sa putukan nakakapagadjust na ang mata ko sa dilim.

May natanaw ako sa di kalayuan ng warehouse ang isang maliit na bahay. Wala masyadong ilaw dito. Munting ilaw lang na nagmumula sa loob ang nakikita ko. May mga nakabantay sa labas na may mga hawak din na mga baril.

Hindi ko pa alam kung andoon sila sa bahay na yun.

"Ahh!" mas lumakas ang hinala ko na andun sila dahil sa sigaw na yun.

Lumakas ang kabog na dibdib ko dahil hindi ko alam ang gagawin. Madami pa man din sila. At pawang mga nagtatawanan pa.

Tama, kailangan kong pagisipan ito.

Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid. Pero wala pa din akong makita. Madilim.

Tama!

Dumapa ako sa damuhan at kahit hindi ko alam kung tatama ba itong bala na ititira ko ay itinutok ko doon sa mga nakabantay sa labas nga bahay.

"Bang!" unang bala. Nakita ko namang tumumba yung isang lalaki. Tinamaan sa balikat.

'Pare! P*ta! Sino yan!" naalarma sila dahil doon at itinaas na nila ang mga baril nila.

Kahit kinakabahan na mahuhuli ako ay itinutok ko pa din ang baril sa isa naman.

Nanginginig na ang kamay ko dahil sa kaba at hindi ko maayos na naitutok yung baril.

"Alden...""Bang!" napatingin kami parehas ni Sean sa baril nahawak ko. Dahil sa gulat ko ay naiputok ko iyon!

"Ano ba Sean! Bat ka andito!" syempre hindi ko iyon sinagaw. Kasi may natamaan pala yung binaril ko. Ayun naka bulagta.

Yaya for Mr. RichardsWhere stories live. Discover now