Chapter 29

2.5K 141 15
                                    

DAHLIA'S POV

Nakakailang minuto na ba kami sa gantong pwesto?

Hindi ko na nabilang. Wala na din namang nangiistorbo sa amin dahil naririnig kong nagkakasiyahan sila sa baba.

Napaupo na nga din kami sa sofa malapit sa may pintuan.

Sa bawat minutong lumilipas ay napapansin kong lalong humihigpit ang yakap nito.

"Ah... Ehm... Si... Alden?... Baka... Baka pedeng pakiluwagan naman?" sabi ko dito dahil parang masusuka na ako sa yakap nito eh, apaka higpit.

Binitawan na ako nito at umalis sa pagkakaakap sa akin.

Napahinga ako ng malalim at tinignan kung ayos lang ba ito.

Ngayon ko lang nakita ang itsura nya ngayon. Eto na ata ang pinaka innocenteng itsura nya sa tanang pagakakakilala namin.

Ang mga mata nito ay parang nangungusap sa akin. Kahit wala ng salita ay parang maiintindihan mo ang nais nya ipahiwatig. Madarama ang nais nyang ipahatid.

"Naiintindihan ko, gagawin ko ang makakaya ko para naman hindi na ipilit pa sayo ng lola mo yung babae na sinasabi nito." sabi ko dito. Hindi naman ako sinagot nito at nakatingin lang sa akin.

Naakwardan ako kaya nilihis ko na dito ang pagkakatingin ko.

"A... Anyway, kaw kasi eh bigla bigla kang umalis, hindi pa ako nakakakain sa baba. Nagugutom na ako." sabi ko dito at tumayo na ako mula sa sofa.
"Gusto mo bang kumain ulit? Magpapadala na lang ako dito." sabi nito. At akmang may tatawagan sa telepono sa kwarto nito.

Linapitan ko ito at ako na ang nagbaba ng telepono.

"Hindi na! I... I mean ako na. Ako na ang bababa para kumuha, nakakahiya naman di ba katulong ako pero ako ang pinagsisilbihan?" sabi ko dito.
"Sigurado ka? Pagkakakilala kasi nila sayo ay girlfriend ko." ayan nanaman, biglang bumilis ang tibok ang puso ko dahil sa sinabi nito.

Dali dali akong tumayo at lumapit sa pinto habang nakatalikod dito.

"Gu... Gusto mo din ba ng makakain?" tanong ko. Ayokong humarap at baka makita nyang namumula ang mga pisngi ko.
"Ah... Sure, pakidagdagan na lang yung kukunin mo. " sabi nito at ako naman ay sinara agad ang pinto at napasandal na lamang doon.

Kahit, kahit hindi totoo. Pede kaya? Pede kayang maging kami talaga? I mean from two different worlds. Maging kami ba talaga? Sa... Sana.

Buti nga at hindi ako naligaw kahit na madaming pasikot sikot dito sa bahay nila Sir Alden.

Nakita ko ulit ang labas at sinalubong ako ni Tita Rose.

"Iha, buti naman ay nakita kita. Kamusta? Kamusta na si Alden?" tanong nito sa akin at halatang nagaalala para sa anak.
"Ok na po sya Tita, kaya po ako bumaba ay para kumaha po sana ng pagkain. Dahil hindi din po sya nakakain kanina." sabi ko.
"Ganun ba? Tara sasamahan nakita. Kumuha ka na din ng sayo at hindi ka din nakakain diba?" tumango na lamang ako at naglakad kami papunta sa table.

Madaming pagkain kanina, pero mukhang mas nadagdagan pa ngayon dahil may iba pang bisitang dumating. Siguro baka pinahuli na sila dahil ang magkakapamilya muna ang naunang nagsalosalo.

Madaming bumabati kay Tita Rose pag napapadaan ito sa mga mesa. Ako naman ay ngumingiti na lamang pag ako ay natatanong. Nakadating na din kami sa mga pagkain.

"Cge iha, kumuha ka na ng sayo at ako na kukuha para sa anak ko." sabi ni Tita Rose.

"Cge po." kumuha na ako ng plato at nagumpisang kumuha ng mga pagkain.

Naunang natapos si Tita Rose kaya naman kumuha nadin ito ng dessert.

Habang si ako, ngayon lang ata nakakita ng ganto kasasarap na pagkain kung kaya naman ay kuha lang ako ng kuha.

Nang matapos na ako, pati yung mga nagcacater nakatingin sa plato ko.

Aba? Wala namang masama sa ganto karaming pagkain. Gutom ako eh. Saka sabi ni Nanay, kukuha ka lang ng pagkain na sa tingin mo ay mauubos mo. Wag takaw tingin. Alam ko din ang halaga na inuubos ang pagkain sa harap mo dahil napagdaanan namin iyan noon.

"Wow! Iha napakagana mo namang kumain!" napabaling ako at nakita kong may kasama na itong mga waiter. Sa isa ay may mga drinks at sa kabila naman ay yung pagkain ni Sir Alden at yung mga dessert.

"Andami po ata nyan Tita?!" sabi ko dito.

"Wag kang magalala iha, mauubos nya to. Eh ikaw nga san mo dinadala yang mga kinakain mo? Buti ka pa hibdi ka tumataba." sabi nito at mukhang nagtatampo pa sa hindi ko pagtaba.
"Kayo talaga tita! Mabilis lang ho kasi ako tunawan kaya ganon." sabi ko dito.

"Hi Rose." napahinto kami sa paguusap ng may tumawag kay Tita Rose. Mukhang nagbago bigla ang aura ni Tita Rose pero nakangiti ako nitong binalingan.

"Uh... Iha mauna ka na sa taas, ubusin nyo to ha?" sabi nito sa akin at itinulak na ako paalis sumusunod din sa akin yung dalawang waiter.

Sino kaya iyon?

Mga 9 na mahigit at unti unti na ding umaalis ang mga bisita sa baba at may mga nagliligpit na. Kanina pa kami tapos kumain pero naglalakad lakad lang kami sa loob ng bahay dahil sa sobrang kabusugan.

"Ano? Gusto mo pa maglakad lakad?" tanong ni Alden sa akin.
"Mukhang ok na ata. Hahaha sarap kasi ng pagkain kanina eh." sabi ko.

Tulog na din yung mga kamaganak ni Alden pati ang nakabibong si Baste at si Denise. Nakausap pa namin ito bago sila matulog.

"Tara na at matulog na tayo, maraming gagawin bukas." sabi nito at napatango naman ako.

Naglakad na ako papuntang kusina, kasi diba doon ang maid's quarter.

Pero may pumigil sa akin sa paglalakad papunta doon.

"Where do you think you're going?" tanong ni Alden.
"Uhmm... Magpapahinga na po sa Maid's Quarters." pagsasabi ko dito.

Napabuntong hininga naman ito at nagumpisa ng maglakad pero since hawak hawak ako nito at pati ako tinatangay na nya.

"Sino naman may sabi sayo na sa maid's quarters ka matutulog?" nakadating na din kami sa second floor pero naguguluhan pa din ako.

Pumasok na kami sa kwarto nya. Hala bakit kami nandidito? Ah baka pag liligpitin nya lang ako ng gamit nya at yung banyo dito.

"Andyan ang gamit mo. Mauna ka na sa Cr." sabi nito at may tinuro malapit sa mga cabinet niya.

Teka... Buffering ata... San ako mauuna??? Sa CR?!

"Te... Teka sir. Bakit dito po ako matutulog?!" tanong ko dito.

Napahinto naman ito sa pagtatanggal nya ng butones bali ang bukas ay yung first two na butones sa taas.

At dahan dahan itong naglakad palapit sa akin.

Ako naman ay sunod sunod ang pagatras at ikinoross ko pa ang mga kamay ko sa harapan ko. Patay nasa may pader na ako.

Nilapitan ako nito at ang tangi ko na lang nagawa ay ang pumikit.

"Yes sweetheart, dito ka matutulog sa tabi ko."

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon