Chapter 43

2.3K 106 12
                                    

ALDEN'S POV

Wala din, kahit anong paghahanap namin. May nakukuha ng kaming mga clues and tip na kung saan sila maaari makita pero ang galing ni Jose at naiialis na nya sila agad doon.
Oo. Kilala na namin ang dumukot sa knaila dahil iyon lamang ang may malaking galit sa kanila. Nagtanong tanong din kami sa mga kapitbahay nila doon sa luma nilang tinitirhan.

At nasabi na din ng mga ito na, dati pa man din ay pinagbubuhatan na sila nito ng kamay. Ng marinig iyon ng daddy ni Dahlia, ang tunay nitong ama na si Sir John ay hindi nito natago ang galit nya pero kumalma din ito agad.

At nakwento nga nya sa akin kung bakit nya kailangang iwan si Dahlia at si nanay Samara. Kailangan na din siguro malaman nila nay Samara ang totoo.

Pati ang lola ko at si Sophia ay hindi ko pa nakikita. Nasabi ko na din kila mama ang nangyari at pati sila ay hindi makapaniwala sa ginawa ng lola at hinahanap nila ito ngayon.

"Sir madulas iyang Jose na iyan. At ngayon ay wala nanaman daw sila sa itinuro nung impormant natin doon." sabi ng isang police staff sa akin.

"Lagi na lang ganon! Malay ba natin kung ano na ang nangyayari sa knaila!" hindi na ako nakapagtimpi at napasigaw na ako dito. Nang napagtanto kong sila nga pala ang nagpapakahirap maghanap at magkalap ng impormasyon ay humingi naman ako agad ng paumanhin sa aking pagsigaw.

"Please... We need to find them... I need to find her." sabi ko sa nanlulumong paraan at napaupo na lang sa kalsada.

Maayos ba ang lagay nya, hindi ba sya sinasaktan? Buhay pa ba sya?

"Son. " napaangat ako ng tingin at nakita ko si tito John na nakayuko at tinatapik ako.
"Yes sir?" sabi ko. Pinunasan ko muna ang mga pawis ko at tumayo.
"Come with me." sabi nito at pagkatapos ay naglakad na pabalik sa sasakyan nito.

Ako naman ay wala na ding magawa kaya sinundan ko na lang sila.

Pinagbuksan din ako ng pinto ng bodyguard nito at pumasok naman ako agad. Nakita kong malayo ang tingin ni tito.

Katahimikan lang ang bumabalot sa amin at tensyon na sana mahanap na namin sila ng nagsalita si tito.

"Since the day I left them. Nothing changes. Even my love for them, that I will not let anyone hurt them still remain in here." sabi nito habang hawak hawak ang puso nya.

"that's why I cant bear to hear that my queen and my princess is suffering for the wrong choices I have to make back then." sabi nito at alam kong umiiyak ito dahil may pamunas itong panyo sa kanyang kamay.

"All the money I earned for them will be nothing if I myself can't find my family. All of this are pointless." sabi nito at dahan dahan ng humarap sa akin.

"I know... By the looks of it... That you admire my daughter, even if she's not from a well known family. You love her for who she was... From where she came from. And that' s the only thing a father could ever ask. For someone to do the job I never fulfilled. To love her and be with her. So I'm telling you this Alden. I want to have my daughter, I want to have my wife and I want to have the family that I neglected back then. And if by all means I have to sacrificed my money for them. Then so be it. " sabi nito sabay may kinuha sa kanyang pocket at iniabot sa akin.

A cash check.

"I want you to broadcast it. That whoever could give us the information and location of that man immediately. Just ask for the price and I'm willing to pay." sabi nito ng diretsa sa akin.

Tinignan ko ito at alam kong disidido syang mahanap ang anak nya at nakikita ko din na kahit lumayo sya ay mahal nya sila Nay Samara at Dahlia.

"Don't worry sir john. You don't have to ask me about it. I'm doing it."

DAHLIA'S POV

Tanging isang mata na lang ang nakakakita sa akin. At namamanhid na ang buong katawan ko at hindi ko na din sila maramdaman. Nakagapos pa din ako pero pinipilit kong makawala at nararamdaman kong madali kong makakalas ito ngayon.

Kahit gusto kong umiyak eh wala akong magawa dahil tuyo na ata ang mga luha ko.

"Buti naman at buhay ka pa!" kahit hindi ko hulaan ay kilalang kilala ko na ito.

"Ahh!" sabi ko ng itinaas ako nito gamit sa pagsabunot sa akin buhok.
"Kamusta ba? Hahaha namiss ko din ang gawin to sayo! Bwisit kayo at umalis pa kayo. Ede sana hindi nyo nararansan ito!" sabi nito at mas diniinan pa ang pagkakasabunot sa akin.

"Ma... Mabubulo...k ka sa im... Impyerno!" sabi ko at isang malaking ngisi lang ang hinarap nito sa akin.

"Ede mabuti pala kung susulitin ko na! Ipasok nyo na yan!" napatingin ako sa pinto at nakita kong kinakaladkad nila si nanay.

"Bitawan nyo ko!" sabi ni nanay at pahagis syang ibinaba sa sahig.
"Nay!" nakaya ko pang isigaw.

"Ngayon mapapanuod mo kung gaano ako kasama. At eenjoyin ko ang bawat sandali nito! Simulan nyo na!" sabi nito at ako ay naluluha ng nakita kong si nanay naman ang binubugbog nila. Habang si Jose ay hawak hawak ang mukha kong pilit na iniaalis sa pagkakakita sa kung paano nila binubugbog ang nanay ko.

Pumikit na lang ako sa kagustuhang hindi na ito makita pero mas masakit pala na maririnig mo ang mga daing nito.

Hindi ko alam kung gaano katagal silang ganoon habang ako ay ibinaba na ni Jose sa kanyang pagkakahawak at nanuod na lang sa isang gilid sa silid.

"Tama na yan." nadinig kong sabi ni Jose at nawala na ang mga ingay sa paligid at ibinukas ko ang aking mga mata.

Nakakapanlumong makita kong duguan si nanay.

"N... Nay!" sambit ko ng makita mo syang puro sugat at may dumudugo sa kanyang katawan.

"Ah... Napakasarap pakinggan ang daing nyo! Sulit talaga ang bayad sa akin ng matandang iyon. Lalo na at ang pagbibigay nya ng address ng bahay nyo ngayon. " sabi nito. Hindi ko alam kung sino naman ang tinutukoy nito. Ng maalaka ko ang lola ni Alden. Sya lang ang may galit sa akin ng ganito.

Kung sya talaga ang may kagagawan nito. Hindi ko sya mapapatawad, hindi ko sila mapapatawad.

Nang sawakas ay naramdaman ko ng nakalas ko ang tali sa kamay ko. Ay sya namang pagtayo ni Jose.

"Ah, ang mahal kong samara. Sana hindi kayo tumakas noon, ede sana hindi nyo nararanasan ang ganito." sabi nito habang umupo para pantayan si nanay at ginagalaw galaw ito.

Pero ayaw gumalaw ni nanay.

"Na... Nay..." sabi ko pero lumingon lang sa akin si Jose at tumayo. Lumpait sya sa inuupuan nya kanina at hinawakan ang sandalan nito.

"Now for our main event Dahlia. Makikita mong mawala sa harap mo ang nanay mo. Tapos isusunod ko ang mga kapatid mo at syempre huling huli ka. Hahaha" sabi nito at binuhat ang bangko na inuupuan nya at nilapitan bahagya si nanay.

Nakita kong nakadilat na si nanay at nakatingin lang kay Jose.

"Paalam mahal kong samara!"

Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at tumakbo papunta kay nanay. Kahit masakit ang aking katawan ay ininda ko ito para sagipin si nanay.

*CRASH!!!*

"Da... Dahlia... Anak?" ah, napakasayang marinig ang boses ni nanay. Para kong hinehele katulad dati.

Parang nagkaroon bigla ng kapayapaan sa paligid ko.

Pwede na ba?

Pwede na ba akong magpahinga?

Yaya for Mr. RichardsWhere stories live. Discover now