Chapter 41

2.1K 110 12
                                    

ALDEN'S POV

"Wag na kayong umiyak lola." sabi ko dito. At pinaupo sa sofa. Iyak pa din ito ng iyak. Nakita ko namang inabutan ito ng tubig ni Phia.

"I... I just remember how she treats me this past week. So horrible. You... You believe me right?" may mga luha ang mata nito ng tinignan ako. Of Course I do believe her she's my grandma. She will never lie even if she hates the idea of Dahlia as my fiance.

"Of course lola. It's over now. " sabi ko dito. Then hug her a bit. Tinitigan ko si Phia at mukhang pati sya ay nagaalala.

But there's something wrong. Really wrong with this situation. But I can't figure it out.

DAHLIA'S POV

Umuwi agad ako sa bahay na inuupahan namin. At habang naglalakad pauwi, tanging pagiyak lang ang kaya kong gawin.

Bitbit bitbit ang mga damit ko ay naglalakad lang ako at pahid ng pahid ng luhang tumutulo sa mga mata ko.

BEEEEPP!

"Ahhh!" napatakip ako sa aking mata at napaupo na lang sa gitna ng kalsada. Katapusan ko na ba?

Bakit puro kamalasan na lang ba ang nangyayari sa akin?

Ang idea na yun ay mas lalong nakapagpahina sa akin.

"Oh my god! Are you ok?!" Isang mahinhin na tinig ang narinig ko.

Pagangat ko ng tingin. Parang isang anghel ang aking nakita.

"Sorry, are you ok? May... May masakit ba?" tanong nito sa akin at yunuko at tinignan kung ayos lang ako.
"Ah... O... Ok lang po ako." inalalayan ako nito tumayo.

"Sure ka ha? Baka mamaya kailangan mong dalhin sa ospital." sabi nito at bakas padin ang pagaalala sa akin.

Umiling namana ako at nginitian ito.

"No. Ok na ako. Sorry at hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." sabi ko. May nakita naman akong lumabas na driver sa loob.

"Maam Christine. Hinahanap na po kayo sa set." sabi nito.
"Ah yes sandali na lang." sabi nung Christine. Hinarap ako ulit nito at pagkuwan ay may iniaabot na card.

"Here take this. Pagka may problema sayo just call me. By the way I'm Christine Francois." inilahad nito ang kamay nito sa akin.

Francois? Sounds familiar pero hindi ko maalala kung saan.

"Dahlia Maxwell." inabot ko ang kamay nito at nginitian naman nya ako. Napakagaan din ng loob ko dito parang matagal ko na itong kilala.

"I gotta go. Call me ok?" sabi nito at lumapit na sa sasakyan nito at sumakay. Ako naman ay tumabi baka matuluyan na ako.

Ibinaba pa nito ang salamin ng kotse nya at kinawayan ako. Gumanti na lang din ako ng kaway at ngiti.

Nang mawala na ang sinasakyan nito. Ay tsaka lang ako napatingin sa card nya.

Cristine Francois
Model/Actress/ Stylist
***********
Storm

Iyon ang nakalagay. Model? Ah sya! Sya yung nakikita kong cover sa mga magazines na nakikita kong nakadisplay sa mall dati.

Kaya naman pala pamilyar sya.

Dahil doon ay parang gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko.

Pero wala pa din. Nasaktan ko si Alden ng kasalanang hindi ko naman ginagawa. Sino naman maglalagay noon at gagawa noon sa akin. Yung lola nya? Kahit alam kong ayaw nya sa akin ay hindi nya magagawa iyon.
Pero ang mas masakit ay yung kailangan mo ng isang taong magtatanggol sayo at nung nakita mo na sya. Akala mo lang pala.

Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon