Chapter 25

2.6K 144 14
                                    

DAHLIA'S POV

"Alden. " ang unang nabanggit ko ng makita ko ang mukha at ang mga mata nito.

"Dahlia! Thank god! " sabi nito at iniangat ako at niyakap. Sumasakit ang ulo ko at nakita kong andaming tao sa paligid.

"Anong nangyare? " sabi ko at parang hinang hina ako.
"Sir, may medic na pong dumating. " sabi nung lalaking nakauniform.

Binitawan ako nito at ibinaba, then tumayo ito at yumuko.

Yun pala ay para buhatin ako.

"Al... Sir Alden, pede nyo na po ako ibaba, kaya ko na... naman po. " sabi ko nakakahiya ang daming nakatingin.
"No need sa medic, aakyat na kami sa room namin. Paki assist na lang kami. " sabi nito dun sa nakauniform.
"Yes sir, tara na po. " sabi nito at dahan dahang hinawi ang mga tao na nagkukumpulan sa amin.

Alam kong mabigat ako pero parang kay Alden napakagaan ko lang, lumapit muna kami sa pwesto nila Louise at Bast na nakabalot na sa twalya.

"Halika na Baste, I'm sorry Louise but we have to retire for the night. Excuse us. " sabi nito sa dalaga at gamit ang isang kamay ay buhat ako nito at isang kamay naman ay para hawakan si Baste. Kinuha naman nung lalaki yung gamit namin na na sa table.

Bawat segundo na lumilipas ay sa kanya lang ako nakatingin seryoso ang mukha nito at kahit na basa ito at tumutulo ang tubig ay napakagwapo at napakaseryoso na ng mukha nito.

"Sir this way po. " sabi sa amin nung nakauniform na lalaki.

May itinuro ito sa amin na elevator na walang laman. Then pumasok na kami doon. Pagpasok sa loob, may papasok dapat pero pinigil ito.

"Mam and Sir. I'm sorry po but this is an emergency, we have to use this elevator immediately. Please bare with the inconvenience. " sabi nung lalaki na kasama namin.

Naintindihan naman nung babae at lalaki kaya hinayaan na kami at lumipat na lang ng elevator.

Isinara na nung lalaki ang elevator at nagsaksak ng card sa may baba ng pindutan nung sa mga floors.

"Sir? Saan pong floor ang room nila?" tanong nung lalaki kay Sir Alden.
"6th Floor. " maikling sabi nito. Tumango naman yung lalaki at pinindot na agad.

Dahil sa lamig nung elevator ay nanginginig na ako dahil mahina ako sa lamig. Mukhang nahalata naman ito ni Sir Alden.

"Excuse me, pwede mo bang hawakan itong bata? And pedeng akina yung isang towel na blue? " sabi nito.
"Yes sir. Eto po. " sabi nito at iniabot ang twalya ni sir Alden na pinagamit nito sa akin kanina.

Iniabot naman si baste sa lalaki at hinawakan ito nung lalaki.

Pagkaabot dito ay ibinaba ako nito saglit ngunit nakaharap ako sa kanya. Then ibinalot na sa akin nito yung twalya, sinigurado pa nito na maayos at mahigpit ang pagkaka lagay nito sa akin.

"Better? " tanong nito sa akin. Napatango na lang ako dito. Sakto namang bumukas yung elevator.

"Aye! " sabi ko dahil binuhat nanaman ako nito at naglakad an ito patungo sa kwarto na inuukupahan namin.

Nilabas ulit nung lalaki yung card nya at sya na ang nagbukas ng room.

"Dito ka muna. " sabi ni Sir Alden at iniupo muna ako sa sofa.

Nilapitan nito yung lalaki at kinausap then kinuha na nito yung gamit at nagpaalam na sa lalaki.

Hindi pa din ito nagsasalita pero paikot ikot ito sa loob ng suite. Sinusundan naman ito ni Baste na nakabalot din sa twalya.

"Ba... Baste, tara dito. Pa... Papaliguan muna kita. " sabi ko dito at tatayo na dapat ako pero bknuhat nanaman ako nito.

"Anu... Anong ginagawa mo? " sabi ko pero wala dirediretso lang ito sa banyo.

Then binaba lang ako nito sa bathtub. May maligamgam ang tubig na nasa tub.

"Hindi ka naman malulunod dyan di ba? Magbabad ka muna dyan para hindi ka lalamigin. I'm giving you 30 minutes at hanggang doon lang. " sabi nito at lumabas na ng banyo at inilock ito.

Ano bang problema noon? Kanina pa napakaseryoso. May ginawa ba kong mali? Accidente lang yung nangyari kanina, para namang kasalanan ko pang magka pulikat ako at malunod sa malalim na part.

Kanina pa ito ganun, hindi ako pinapansin at kinakauspa ng maayos. Simula pagkaka dilat ko mula sa pagkakalunod ko kanina.

Teka, sya ba ang sumagip sa akin? Ede... Ede... No!

Napahawak ako sa labi ko. Ibig sabihin na... na halikan na nya ako?!

Biglaang nag init ang aking mga pisngi at napahawak ako dito. Syempre isang Alden Ruchards ang nakahalik sa akin.

Pero hindi ko naman pedeng iconsider na halik iyon. I mean that was an emergency. Tama... Tama that's not a kiss.

Ang sabi ni nanay. Ang halik ay pang dalawang taong nagmamahalan lang. Hindi yung naghaharutan lang. Kailangan ay may malalim na ugnayan ang dalawang tao para gawin ang mga bagay na hindi naman nila nakasanayan.

Tama, dapat hindi ako nageexpect masyado nang ganon. Masamang ugali iyon. Nagmamagandang loob lang yung tao tulungan ako. Tama.

After kong maligo may naiprepare na din pala si Sir Alden na mga gamit ko at nakapatong na sa lamesa dito sa banyo.

Kaya nakapagbihis din ako agad. Then lumabas na agad ako.

Paglabas ko, nakita kong biglang napagdikit ang mga higaan namin at nakahiga na yung dalawa na bagong ligo din. Pero di ko na alam kung saan sila naligo.

Tulog na din si Baste at nakaunan pa sa braso ni Sir Alden.

"Magpatuyo ka muna ng buhok at patayin mo yung ila ha. " sabi nito at pumikit na ito at natulog.

Ako naman ay patuloy na nagpupunas nang buhok at tsaka ko binlower at nang maayos ko nang nasuklay ang buhok ko ay pinatay ko na din yung ilaw. Bago ako mahiga ay tinignan ko muna kung baka tumawag sila nanay.

Huh? Tumawag dila nanay? Di ko naman ata narinig? May sumagot din? Napatingin ako kay Sir Alden at mukhang tulog na ito. Baka ito na din ang sumagot ng tawag ko.

Napa kibit balikat na lang ako. Mag aalas dose na din, kaya kailangan ko ng matulog. Pumwesto ako sa kabila nila Sir Alden at Baste.

Inayos ko din ang mga kumot na nakabalot sa kanila. Matapos kong ayusin iyon, akala ko nagising si baste pero nagbago lang pala ito ng pwesto at ako naman ang niyayakap.

Natuwa ako sa sweetness ng batang ito kaya napayakap na din ako dito.

Ngunit ang di ko inaasahan na pati si Sir Alden ay nagbago din ng pwesto ngunit humarap ito sa kinaroroonan namin at idinantay ang braso nya kay Baste na parang niyayakap.

Pero ang malala pati ako nasama.

Yaya for Mr. RichardsWhere stories live. Discover now