Chapter 30

2.6K 129 9
                                    

TITA ROSE'S POV

"Anong ginagawa mo dito?" gali na saad ko sa taong matagal ko ng kinamumuhian. Hinila ko ito palayo sa mga tao.

"Ngayon ang kamatayan ni Papa. Kaya naisipan kong dumalaw kay Mama." sabi nito. Nilapitan ko into at nasampal.

"Simula ng sumama ka sa kabit mo at iniwan kami. Nawalan ka na ng karapatan para tawagin ang mga magulang ko ng ganyan!" nasabi ko dito. Alam kong tumutulo na ang luha ko.

Ilang taon na ba nang huli ko itong naiyakan?

"Naiintindihan ko iyon Rose, pero sana naman kahit makapagbigay galang man lang ako sa mama at papa mo." sabi nito. Agad kong pinahid ang mga luha ko at hinarap ito.

"Galang? Ni hindi mo nga binigyan ng galang ang anak nila. Ako, hindi mo ko ginalang bilang asawa mo. Please, umalis ka na sa bahay na ito at huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin. Sa amin." sabi ko.

"Please, Rose. Kahit makausap ko lang si Alden." sabi nito. Hindi ko papayagang magkausap sila ng anak ko!

"Richard! Please umalis ka na!" sigaw ko dito. Mukhang nawalan naman na ito ng choice. Kaya lumingon pa ito sa akin bago umalis, iniwas ko na lang ang tingin ko.

Bakit nagbalik ka pa?

SEAN'S POV

"Where is she?" sabi ng kausap ko sa kabilang linya.
"She doesn't even remember me. Maybe the accident took an impact on her back then." pagpapaalam ko dito.
"I want her back. I want my princess back."
"Yes, sir."

Tinignan ko ang mga files at pictures sa mesa ko.

Kailangan ko ng hadaliin.

Kasi mukhang meron akong rival sa kanya.

ALDEN'S POV

Grabe hindi ko talaga lubos maisip ang itsura nito kanina, kaya naman hanggang ngayon ay hindi ko pa din mapigilang tumawa kahit nandidito lang sya sa tabi ko.

"Grabe... Oo tawa ka pa ha? Sana mabilaukan ka!" parinig nito sa akin. Nasa kabilang hati sya ng kama habang ako naman ay nasa kabila din. Tapos may naka harang pa sa aming mga unan.

"Kase nakakatuwa yung kanina. Ano akala mo? May gagawin akong kakaiba? Hahahaha!" nagulat ako ng humarap na ito sa akin at nakakunot na ito. Pero kahit galit ito, bakit ang cute cute nya?

"Aray!!!" napahawak ako sa tagiliran ko dahil sa sakit ng pagkakakurot nito sa akin.
"Yan! Yan ang nababagay sayo! Manahimik ka na nga at magpatulog ng tao. Anong oras na oh!" sabi nito at tinuro ang relo sa tabi ng higaan nya. 12:36am na.
"Fine, mananahimik na ako. Matulog ka na dyan. May tatapusin lang ako." sabi ko dito at patuloy ang pagkakabisa ng script ko. Batigil lang ako dahil naalala ko yung kanina.
"Wag ka ng maingay ha!" sabi nito at tumalikod na lang ulit sa akin.

DAHLIA'S POV

Ang bigat ata ng katawan ko? Hala nadami ba kain ko kagabi kaya tumaba ako agad? No imposible yun no? Teka? Di kaya may nakadagan sa aking mumu or something na madalas kong nababasa sa dyaryo?

Kaagad akong napadilat at balak ko na sanang tumayo ng hindi ako makagalaw or makabangon sa hinihigaan ko? Ano nanaman ba to?

May nakalingkis sa bewang ko. At mukhang himbing na himbing pa sa tulog ang mokong!

"Alden!" yugyog ko dito.

Wa epek.

"Alden! Huy gising!" sabi ko at mas nilakasan ko pa.
"Hmmm...." sabi nito, konting push pa.

Lumapit ako sa may bandang tenga nito at hindi ko na ito niyugyog.

"ALDEN!!!" pagkakassigaw ko sa tenga nito. Hahahhaa biglang bangon ang lolo nyo!

Yaya for Mr. RichardsOn viuen les histories. Descobreix ara