Chapter 13

2.6K 135 4
                                    

ALDEN'S POV

"I'm sorry. " tanging nasabi ko na lang at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.
"O...  Ok lang po yun. " sabi nito ng nakayuko. 

Tumayo ako agad at nagligpit ng gamit.  Kailangang ihatid ko din si Dahlia sa bahay nila.  Gabi na din kasi.

Groowwllll...

Natigilan ako sa pagliligpit ko at napatingin sa kinatatayuan ni Dahlia.  Nakatalikod na ito sa akin at nakayuko pa din.  

Kangina pa nga pala sya andidito.  Malamang sa hindi gutom na ito.

Niligpit ko na ulit yung mga gamit ko at tinawag ang pansin nya.

"Tara na. " sabi ko at binitbit yung bag ko.

Nakita ko namang sumusunod ito.  Pag tapat namin sa sasakyan ko. Ipinasok ko na sa likod yung gamit ko at inayos pa yung mga maleta ko na sa back seat.  Kakauwi ko lang kasi.

"Sumakay ka na dito sa harap.  Ihahatid na kita at gabi na din. " sabi ko dito.  Tumango naman ito at sumakay na sa passenger seat. 

"Mag seat belt ka. " sabi ko.  Pero parang hindi nito mahila yung seatbelt so lumapit ako at ako na naghila noon para sa kanya. 

Aware ako masyadong malapit ang mukha ko sa kanya kaya binilisan ko na. Kanina pa sya naiilang sa akin.  Hay nako ano ba ang pinaggagawa ko.

Inistart ko na ang kotse, kakain muna kami bago ko sya ihatid sa kanila.

Ring...  Ring... 

Napasulyap ako kay Dahlia.  May tumatawag sa kanya.

"Hello nay? " sabi nito.
"Sorry nay,  may...  May pinuntahan lang po ako...  Opo, pauwi na po ako." ah tumawag na pala nanay nya.
"Opo,  sige po. " sabi nito at tuluyan ng ibinaba ang telepono nya.

Kesa katahimikan ang bumalot sa amin habang pauwi at traffic din.  Rush hour ngayon. Ako na ang kumausap sa kanya.

"So,  bakit ka andun sa Broadway kaysa nasa bahay nyo? " tanong ko dito at sinusulyap sulyapan ito.
"Ka...  Kasi po may pinuntahan lang ako. " sabi nito habang nakatingin sa labas ng salamin.
"Pede ko bang malaman kung saan? " tanong ko pa dito.

Nanahimik ito ng panandalian at nagsalita na.

"Nagtratrabaho po ako. " maikling sabi nito.
"Kailan pa? " dagdag ko.  Kasi isipin mo may pilay na nga sya nagtratrabaho pa sya.
"Nung nakaraang linggo pa po. " nakayuko nanamang usal nito. 
"Eh hindi ba may pilay ka pa noon? Alam ba yan ng nanay mo? " tanong ko dito.  Humarap ito sa akin.
"Naku sir!  Hindi po kaya po wag nyo hong sasabihin kay nanay.  Kailangan lang po kasi talaga. " sabi nito.  Naiintindihan ko naman,  bilib nga ako sa kanya kasi lahat ng bagay kaya nyang gawin para sa pamilya nya kahit may nararamdaman syang iba.  Ilang beses ko na iyong napatunayan.
"Naiintindihan ko. " sabi ko at mukhang napanatag naman ang loob nito.  Ng umusad na ang traffic dumaan muna ako sa Mcdonalds. Kanina pa may maingay sa loob ng sasakyan eh. Nagdrive thru na lang kami para makauwi na ito agad.

'Good Evening Sir. Ano po ang order nila? '
"Good Evening din.  5 chicken fillet ala king. Then 3 large fries and 2 sundae. " sabi ko doon sa may speaker.
'What will be the drinks sir? '
"Coke." maikling sabi ko.
'Repeat ko lang po yung orders nila.  5 chicken fillet ala king, 3 large fries then 2 sundaes. All coke? '
"Yes. "
'Thank you sir.  Next counter na lang po. '

Inusad ko na yung sasakyan ko at nagbayad at hinitay yung orders namin.

Nang dumating na yung orders ay nagpasalamt ako sa crew at iniabot kay dahlia yung mga pagkain.

Yaya for Mr. RichardsWhere stories live. Discover now