Chapter 32

2.2K 98 2
                                    

SENYORA'S POV

Makalipas lang ang dalawang araw ay sabi ni Vicente tumawag na ang kinausap ko para makapaghanap ng impormasyon about sa Dahlia na iyon.

Nakaalis na din kaninang umaga ang aking apo. Halata pa din dito na naiilang ito sa akin dahil sa ginawa ko nung mga nakaraang gabi.

"Line 1 Senyora." sabi nito at iniabot ko naman ang telepono.

"Hello?" sabi ko.

"Magandang Gabi senyora." sabi nito sa kabialng linya.

"Hmmm... Tapos na ba ang pinapagawa ko sayo?" 

"Opo senyora. I fafax ko na lang po dyan ang lahat. Nakadikta na dyan ang lahat ng mahahanap ko tungkol sa kanya." sabi nito. Tumunog na ang fax machine dito at tumango si Vicente. Ibig sabihin tama ang dinadala nito.

"Hintayin mo na lang ang bayad sa account mo. Salamat." sabi ko at ibinaba na ang telepono.

Nang tumunog ulit yung fax na ibig sabihin ay tapos na ang pagsesend iniabot ito sa akin ni Vicente.

Dahlia Usana Bayrose  Maxwell

20 years old

Born in March 3,1993

Biological Mother: Samara Santos

Biological Father: Unknown

Stepfather: Jose Batongbakal

She has 2 brothers from her stepfather naming Paolo and Jimmy Batongbakal.

They used to live in the squatters area and no stable job. She serves as the breadwinner of their family since Mr. Batongbakal is a drunkard with no stable job.

I also gathered that they escaped on him because he used to abused the mother and Dahlia but not the kids. Also there are no filed cased against him.

She only finish grade school and after that immediately started working.

As of now she lives with your grandson but I have no other info regarding their relationship.

Also, I heard that Mr. Batongbakal is searching for them for an unknown reason.

...

Madami pa itong sinabi pati kung saan ang address nila ngayon at dati. Mga numbers sa cellphone at kung ano-ano pa. Pati ang private file ng bawat isa sa pamilya nito.

Hanggang sa napahinto ako sa file ni Mr. Jose Batonbakal. Hmmmm...

Sya ang kailangan ko.

ALDEN'S POV

Kakauwi pa lang namin ng tumawag ang Manager ko para papuntahin ako sa studio at may paguusapan. Marahil siguro na nagbakasyon ako kaya marami nang nakatanggap na trabaho.

Si Dahlia naman ay hinatid ko na sa kanila dahil kinausap ako nito kaninang umaga kung maaari daw ba syang makauwi na at pumayag naman ako tutal baka nagaalala na din si Nay Samara at kung saan saan ko dinadala ang anak nya. Pinasahod ko na din ito para naman may pang gastos sila at dinagdagan ko na para sa serbisyo nitong fake fiance ko. Buti nga napapayag ko. Apaka bait talaga ni Dahlia.

Anyway nagpark na ako agad at pumasok sa loob.

Nakita ko agad ang manager ko na palakadlakad sa harap  ng kwarto ko.

"Alden!" mukhang napansin nito na padating ako.

"BAkit ka lakad ng lakad dyaan sa labas bakit hindi ka doon sa loob?" sabi ko dito at lumapit na sa pinto para buksan ito. Pero pinigil ako nito.

"Bakit hindi mo sinabi agad sa akin na may fiance ka na? " sabi nito. Naguluhan naman ako. I mean wala pa akong sinasabihan tungkol ng sa amin ni Dahlia ah.

"Paano mo nalaman yan?" sabi ko at binuksan na ang pinto anlamig kaya dito sa labas.

"Wait, so totoo nga? Andyan sya sa lo...ob." sabi nito at naguluhan naman ako. Sino nasa loob?"

Pagpasok ko sa loob, nakita ko agad na may nakaupo sa sofa. Blonde ang buhok nito at may kaputian, mahaba din ang buhok nito. Teka...


"Hi Butchi!" sabi nito sa akin.

"Phia?!"

 









Yaya for Mr. RichardsWhere stories live. Discover now