Chapter 23

2.6K 134 9
                                    

ALDEN'S POV

Hindi ko nanaman alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang iyon kay Dahlia. Kaya hayun iniiwasan nanaman ako nito. Gabi na, pero hindi pa tulog si Baste. Nakakain kasi ng matamis at hyper hanggang ngayon.

Nakahiga lang kami at nanunuod ng TV habang nagpapaantok. Pero mukhang ni isa ay walang makakatulog sa amin.

"Baste, matulog ka na. Sige ka hindi ka lalaki. " tawag sa kanya ni Dahlia.

Nakahiga kasi si Baste sa braso ko. Pero kahit sinasabi nya ang mga katagang iyon. Hindi nya ako tinitignan.

"Ayaw! Di pa ako naantok. " ssabi nito kay Dahlia at bumalik sa pinapanuod naming Despicable Me 2. Marathon pala ito ngayon tapos na yung Despicable Me 1. Kasunod na nito ay Minions.

"Gabi na, hindi ka pedeng magpuyat. Bata bata mo pa nagpupuyat ka na." saway ulit nito pero hindi na sya pinansin ni Baste. Napatawa naman ako doon. Pero tinignan lang ako nito ng masama at inirapan ulit ako.

Galit pa ito sa akin dahil sa ginawa ko kanina.

Maya maya lang, may naisip ako. Ibinulong ko ito kay Baste.

Tumayo ito at lumapit sa lagayan ng damit nya.

"Oh anong ginagawa mo dyan. " sabi nito ng sinundan si Baste sa may cabinet. Tumayo na din ako at lumapit doon.

Kumuha ako ng mga damit ko at pamalit at hinarap si Dahlia na lumayo ng lumpit ako sa cabinet din.

"Kumuha ka na ng damit na isusuot mo at pamalit. Alangan namang maligo ka sa swimming pool ng nakapantulog. " sabi ko dito at binuhat na si Baste para makapagbihis na kami sa banyo.

Mabuti naman ay paglabas namin nakabihis na ito ng shorts at puting tshirt. May nakasukbit na din na mga twalya sa balikat at braso nito.

"Tara na. " sabi ko at habang hawak ang kamay ni Baste ay nagpunta kami sa pool sa harap nitong hotel at kita din namin ang dagat.

Pagkalabas mo ng hotel, makikita mong buhay na buhay pa din ang mga tao. May mga nag babar sa gilid at may iilang mga performer ang nagpeperform. Pero buti na lang walang tao ang nag swiswim sa pool.

Kaya doon kami umupo sa lounger na may malapit sa hagdanan para nasa may mababaw na parte para kay Baste.

"Baste! Kailangan mo munang mag shower bago pumasok. Sabi ni Dahlia ng nakita namin si Baste na nasa hagdanan na ng pool at basa na.
"Hayaan mo na sya. Gabi na at wala na namang makakakita. " sabi ko at pasimpleng lumusong sa pool.

Maya maya lang ay bumaba na din ito pero mukhang nagshower ito bago lumusong sa pool.

Hindi kami nagkikibuan, tanging tawa lang ang pinagkakasunduan namin dahil sa kagagawan ni Baste.

Pero ng nagutom si Baste ay ako muna ang umahon.

"Ano gusto nyo kainin? Ako na bibili." sabi ko.
"Tusto ko, spaghetti at chicken." sabi ni Baste.
"Ok, eh ikaw dahlia? " sabi ko dito. Akala ko mapapahiya ako at hindi nya ako kakausapin pero nagkamali pala ako.
"Yung katulad na lang din po nung kay Baste. " sabi nito. Tumango na lang ako at nagtungo sa resto.

DAHLIA'S POV

Nang nakaalis na si Sir Alden, nakahinga na ako ng maluwag. Nakakailang padin hanggang ngayon no. Kahit biro lang iyon.

"Baste. Di ka pa ba nilalamig? Gabi na oh? " sabi ko dito.
"Di pa ako pagod. Gusto ko palaro. " sabi nito. Hayyy... Napailing na lang ako, kung sabagay ako nga hindi nakakastay ng ganto kagabi. At first time ko din nag overnighr swimming. Ang ganda pala, andaming ilaw na ibat ibang kulay. Tapos ang gagaling nung mga nagsasayaw sa may beach na may apoy pang pinapaikot.

Tanaw lahat dyan dito sa kinauupuan namin.

"Dahlia, Baste. Ahon na kayp ng makakain na tayo. " nakadating na pala si Sir Alden.

Inalalayan ko si Baste at umahon na kami. Meron pa palang padating na waiter na may dala pang ibang pagkain na inorder din ni Sir Alden.

Pero habang naglalapag ito ng pagkain, napansin kong nakasulyap ito sa akin. Tinignan ko pa nga ang likod ko kung may ibang tao, wala naman. Naconscious tuloy ako kung bakit ako tinititigan ni kuya.

"Sweetheart, hindi ka ba nilalamig? Eto oh, magbalumbon ka sa twalya. " biglaang sabi ni Sir Alden, nagulat ako kung bakit isinaklob nito sa akin ang twalya nya.

"Naku sir wag na po! Ano po bang pinagsasabi nyo dyan. " sabi ko dito ng lumapit ito sa akin para sakluban ako ng twalya. Kaya bumulong ako dito, baka kung ano isipin nung waiter. Nakakahiya diba?

"Wag kang makulit ngayon at please lang makisakay ka na lang. Kangina pa tinitignan nung waiter yung damit mo. Bakit ka ba kasi nagputi!" bulong din nito pabalik sa akin.

Hala! Oo nga! Kaya pala ako kanina pa tinitignan nung waiter, malamang sa malang bakat yung hindi dapat bumakat. Shunga shunga naman! Bakit ko ba isisnuot itong puting tshirt!? May mga tshirt naman nga apala akong colored doon sa taas.

"May problema ba brad? Pede ka ng bumalik doon. Salamat sa pagtulong" sabi ni Sir Alden, doon sa waiter na nakatitig pa din sa akin. Mas lalo akong umiwas ng tingin doon, parang mas nabastos ako nung sinabi nito.

" Kung may kailagan pa po kayo tawagin nyo na lang po ako. " sabi nito at bago umalis ay kinindatan pa ako. Promise nagtayuan lahat ng balahibon ng katawan ko doon. Ang creepy.

"Okay ka lang ba? " sabi ni Sir Alden nung nakalayo na yung waiter.
"Ah... O... Opo. Thank you po, eto na po yung towel nyo. " sabi ko. Pero habang tatanggalin ko pa lang ito, hinawakan nito ang mga kamay ko para pigilan ako sa pagtanggal.
"No need, use it. Hindi naman ako masyado nilalamig. You can use it hanggang maka akyat na tayo. Dont mind if I use yours? " tanong nito habang tinutukoy ang medium towel na dala ko.
"Naku sir, nakakahiya po. Ako na lang po gagamit ng twalya ko. Eto na ho. " sabi ko pero kumunot lang ang noo nito sa akin.
"Dahlia. " sabi nito. At alam kong final na iyon kaya tumango na lang ako bilang pagsangayon sa kanya.
"Good." sabi nito at kinuha na yung towel ko at pinunasan ang katawan nya.

Napalunok ako, shet sana ako na lang yung twalya ko. Hindi ko lalabhan yan!

"Dahlia? Kumain na tayo. " sabi nito sa akin.

Pede beng ikew ne leng? Landi ko ehehe.

"Ah opo sir. " sabi ko at iniabot ang pagkaing binili nito para sa akin.

"Dahlia... Can you call me Alden na lang ulit? " napahinto ako sa pagkain ko ng sabihin nya sa akin iyon.

Napakunot ako ng noo, diba sya pa nga ang naginsist na lagyan ko ng Sir ang pagtawag ko sa kanya.

""Bakit naman po? Akala ko po ba ayaw nyo ng tinatawag ko ng ganun kayo? " sabi ko dito.. Mukhang may iniisip naman itong malalim pero in the end, bumuntong hininga na lang ito.

"Never mind, you eat. " sabi nito at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

"Alden."



Yaya for Mr. RichardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon