Chapter 15

2.6K 120 3
                                    

DAHLIA'S POV
Nakisabay na ako pabalik sa bahay ni Sir Alden. Nakakahiya naman at puro na lang ako aksidente, di ko na nagagampanan ang trabaho ko. Nakakahiya naman di ba?

"Dub, dadaan muna tayo sa broadway. May biglaan akong photoshoot. Kaya isasama na kita. " sabi ni Sir Alden.
"Ok po." shocks! Makakakita ako ng mga artista. Sana andun si Bossing at iba pa. Pero hindi ko din alam kasi shoot ang pupuntahan namin. Sana may makita akong mga artista.

Pagdating sa broadway nag park si sir Alden sa may Ground Floor.
"Good Afternoon sir Alden!" sabi ng guard sa may ground floor.
"Good Afternoon din po Manong Rick. " sabi nito at sumaludo ito na sinaluduhan din ni Sir Alden.

Dumiretso na ito sa alloted parking space.

"Pakidala naman yung isang bag dyan. Andyan yung sapatos ko. " sabi ni Alden sabay turo sa bag sa likod ng upuan ko. Bumaba na ako at binuksan ang pinto sa gilid, kinuha ko yung bag at sumunod dito habang papasok ito sa loob.

"Iiiiihhhh! Alden! "
"Alden! So gwapo! "
"Papicture! "
"Alden! "

Bago pa man kami makapasok iyan na ang bumungad sa amin. Mga fans ni Sir Alden.

Kinakawayan naman niya ito st nginingitian pero hindi na ito nagpaunlak ng fans dahil naghahadali na ito.

Sinalubong naman agad ito ng manager nya pagpasok sa dressing room.

"Tara na kailangan mo ng makeupan at ng makapagpalit ka na ng damit. Oh, kasama mo itong muchacha mo. Iabot mo na yang mga gamit mo at ng makapagumpisa na. " sabi nito habang nakatingin sa akin ng masama.
"Stop it ok? I'm capable of bringing my own luggage. " sinabi ni Sir Alden pagtatanggol sa akin.
"Whatever bilian mo! " sabi nito at dali daling umalis at bumalik sa kinauupuan nya.

Hinarap naman ako ni Sir Alden, at nginitian. Kung kanina ang sarap panggigilan ng manager nya pero dimples pa lang nya solve na.

"Eto, ilapag mo na lang dyan sa baba at yung iba pakisabit sa dresser. Magbibihis na ako at lalabas. Dito ka lang ha? Kung may kailangan ka magtanong tanong ka na lang sa mga andyan sa labas. " sabi nito.
"Opo, cge po mauna na po kayo. " sabi ko dito dahil tinitignan nanaman kami nung manager nya.

Umalis ito at kinausap ang manager nya at sabay na silang lumipat sa isa pang kwarto at dala nito ang mga damit nya.

May ilang mga tao pa sa loob pero lumabas din dahil magstastart na daw yung photoshoot.

So technically ako lang din dito sa loob ng dressing room ni Sir Alden. Sobra namang tahimik dito para naman akong mababaliw. Hindi kasi ako sanay na sa may tahimik na lugar.

At dahil gusto kong makita ang loob ng broadway at makakita ng artista. Lumabas muna ako sa dressing room ni Sir Alden. Una hindi muna ko lumalayo layo kasi ng a baka maligaw ako.

Pero nung may nakita akong floor plan sa loob nito, tinatry kong magikot ikot.

Medyo nakakalayo layo na din ako sa dressing room ni Sir Alden pero wala pa din akong nakikitang mga artista, puro tumatakbong mga staff lang.

Babalik na dapat ako pero may nakita kong dalawang mamang nakablue at nakatingin sa akin habang naguusap silang dalawa. Maya maya ay naglalakad na sila papuntang direksyon ko. Hindi ko alam pero naglalakad na pala ko kung saan saan, meron pang umakyat ako ng hagdanan. Pero nakasunod pa rin sila sa akin. May nakita di kalayuan na may pumasok sa isang pinto.

Kaya ginawa ko iyon at pumasok din sa loob noon.

Pagkalock ko ng pinto, napasandal ako at nagbuga ng hangin. Kinabahan ako doon ah.

Bigla kong naramdaman ang isang kamay sa braso ko at hinihila ako.

"Andyan ka lang pala, kanina pa kami naghihintay sayo. Tara na at kailangan ka pang ayusan. " sabi nito. Di ko makita ang mukha kasi nakatalikod sa akin at may nasa ulo pang parang mike.

"Nag... Nagkakamali ho kayo... Lalabas na po ako. " sabi ko at hinihila ko ang kamay ko para makawala dito.
"Ano ka ba, eto na yung break na hinihintay mo di ba? Ilang beses mo pa kong kinulit sa phone para mapasok kita sa modeling nato. Cris! Eto na yung aayusan mo! " sabi nito at hinila ko sa loob ng isang mas maliit na kwarto.

"Hi ako si Chria ang make up artist dito. May nakaprepared na damit sa rack. Kaya kailangan na kitang ayusan at ng makapag start na tayo. "
Sabi ng isang babaeng may kulay violet sa buhok. Cris daw pangalan.
"Nag... Nagkakamali lang po kayo... May, may humahabol lang po sa akin kaya ako napunta dito! Di po ako yung model nyo. " sabi ko dito. Nakatingin lang ito sa akin na para kong tinubuan pa ng isang mata.
"Alam mo, unang una sa lahat di ka makakapasok ng broadway sa higpit ng guards. So pano ka nakapasok? Only artist and staffs with ID can enter here? " sabi nito sa akin.

"Katulong po ako ni Sir Alden!" sabi ko dito. Mukha namang nagulat to.
"Weh? Di ka naman mukhang katulong ha? Alden? You mean Alden Richards? Swerte mo naman kung ganon, ang daming humihiling na sana eh sila maging katulong ng isang Alden Richards. " magsasalita pa sana ako pero pumasok ulit yung nanghila sa akin kanina.

"Oh? Bakit hindi pa naaayusan yan? Nagagalit na yung photographer! Kailangan na agad ma shoot iyong imomodel nyan. Ayusan agad yan! "Sabi noon at lumabas na at hindi ako hinintay makapagpaliwanag.

Nagkatinginan kami nung Cris.

"No choice ka day! Kailangan kitang ayusan! Kundi ako ang mapapagalitan. " sabi nito sa akin.
"Hindi po ba pedeng ibang tao na lang ayusan nyo? Naku baka malugi yung product na imomodel ko." sabi ko dito. Tumawa naman ito. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Naku hindi yan, may itsura ka naman at katawan kasya sayo yung damit. " sabi nito at tumingin sa relo.
"Kailangan na talaga kita ayusan. Wag kang gagalaw ha? " sabi nito at sinimulan ang pagaayos sa akin.

Matapos akong ayusan at palitan ng damit at sapatos pinaharap naman ako nito sa salamin.

"Wow, ako ba yan?! Parang nakakauto naman yung salamin. " sabi ko habang pinagmamasdan ko yung sarili ko sa salamin.
"Galing ko no? Lumabas kana doon at ng makaalis ka agad, kung di lagot ka sa amo mong gwapo. " sabi ni Cris. "Pagka nagring ang phone ko sa bag at nakita mong si Sir Alden iyon. Sagutin mo at sabihing nakidnap ako kung san mang lugar na to. " sabi ko.
"Oo naman girl, cge bilian mo. " sabi nito.

Kinakabahan ako, I mean sa mga magazine lang ako nakakakita ng mga nagmomodel, kaya ko ba yun? Edi nga ako magkandalakad sa sapatos ko ngayon. May nakalimutan ako.

Bumalik ako sa loob ng dressing room din at nakita ko si Cris na nagaayos.

"May nakalimutan akong sabihin. " sabi ko at napataas naman ito ng tingin.
"Oh? Ano? " sabi nito.

"Wag mong kukunin ang number ni Sir Alden ha? "




Yaya for Mr. RichardsWhere stories live. Discover now