"akala ko ba namatay sa sakit ang kapatid mo?"

"akala ko din..akala ko din..pero hindi!akala ko lang pala iyon sweety dahil sa mangmang na isip ko,ang sakit!ang sakit-sakit na hindi ko siya nagawang bigyan nang hustisya dahil mas pinili kong magpatawad para doon."

"Hon.."niyakap ako nito nang mahigpit nang hindi na niya napigilang mapahagulgol ng iyak

"mali ba ang napili ko?mali bang nagpatawad ako?bakit ganun sweety?bakit ang sakit-sakit maging masaya?."

"hindi ko masasabing tama dahil gumawa sila nang kasalanan,pero tama ang magpatawad kung sa puso mo tanggap mo na ang lahat."

"hihintayin mo parin ba ako?"

"uhm!hihintayin kita,maghihintay ako hanggang sa umayos na ang pakiramdam mo,gusto ko ring malaman ang lahat nang tungkol sa nangyari sa kapatid mo at gusto ko ring itanong kung bakit minsan ganun nalang ang galit na tingin mo sakin."

"sa pagbabalik ko sisiguraduhin kong maayos na akong haharap saiyo,sa pagbabalik ko pangako buo ko nang maikukwento saiyo ang lahat tungkol doon at buong tao na ulit ako para saiyo,i'm sorry kung dahil dito iiwan na naman kita."

"sshhh.nauunawaan ko ang lahat Hon,hihintayin kita.pangako iyan!i love you Hon,mamimiss kita."

"salamat sweety..salamat.."

maghapon din silang nagkwentuhan at inenjoy ang bawat isa.tatlong buwan lang naman pero kinakabahan parin siya,pero kailangan niya iyon gawin para dito,para sa kaligtasan nito,ayaw na niyang maulit na muli siyang makasakit nang tao dahil sa pag-sisisi sa sarili

ayaw na niyang sumigaw gabi-gabi.ayaw na niyang masaktan ang taong nakapalibot sa kanya dahil sa sobrang pag-aalala.ayaw na niyang matulad noon na nagalit sa mundo at walang kinikilalang tao kundi ang sarili niya at ang taong kumupkop lang sa kanya

ang galit niyang mahirap kontrolin noon ang siyang kinakatakot niyang makasama para dito..

CODILY POV'S

pangatlong araw nang pag-alis ni Harley,pinasya na niyang umuwi muna sa bahay nila nang Mama niya.nakakalungkot man pero kailangan niyang magpakatatag para dito.sa loob nang ilang buwan na pag-sasama namin ni harley alam kong malaki talaga ang pinagbago nito dahil sa mga nakaraan nitong humahabol dito

malaki narin naman ang pinag-bago niya.hindi na siya yung Odin na masyadong sakim noon.yung tipong mawala lang saglit si Harley sa paningin niya ay magwawala na.natutunan narin niyang pahalagahan hindi lang ang nararamdaman niya kundi ang nararamdaman nito

alam niyang hindi gugustuhin nitong makita niya itong naghihirap sa pagpapagamot nito.mas pinili nito ang lumayo para hindi siya masaktan noon at ngayon.ang lalaking minahal niya na puno nang pagdadalamhati ang puso at isip nang nakaraan ay hihintayin niya hanggang sa ganap na itong maging maayos

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Where stories live. Discover now