Chapter 42

648 23 0
                                    

Lihim kaming sumunod kay Maine at laking gulat naming pareho ni Raven nang bumaba siya sa isang bar na iba na ang suot. Doon ba siya nagpalit ng damit sa loob ng kotse?

Hawak ako nang mahigpit ni Raven nang pumasok kami sa loob ng bar. Siya na rin ang nagtakip sa ilong at bibig ko nang sumalubong sa amin ang buga ng sigarilyo. Agad naming hinanap si Maine sa paligid.

"Charlee? Nasa trabaho ka na ba ulit?"

Napunta ang atensyon namin malapit sa bar counter.

"Yes. Hands: two thousand, legs: two thousand five hundred, neck: three thousand, boobs: five thousand, lips: ten thousand. No private part," sambit ng isang lalaki.

"Aba parang nagmahal yata siya ngayon, Charlie!"

"Mahirap na ekonomiya ngayon kaya kailangang magmahal."

"Twenty thousand isang gabi," pag-aalok naman ng isa.

"I said no private part."

"Fifty thousand?"

Natawa naman 'yong lalaking parang nambubugaw doon sa babae. Tumingin siya roon sa babaeng katabi niya at halos lumuwa ang mata ko nang makita kong si Maine 'yon.

"Deal." Nagtawanan ang dalawang lalaki. "Mamayang gabi, she's all yours. Ihanda mo na ang cheque mo."

Anong ibig sabihin nito? Binubugaw niya ang kaibigan ko? Hindi ako makakapayag!

Akmang susugod na ako nang pinigilan ako ni Raven.

"No. What would she feel if she saw you here?" bulong niya sa akin bago niya ako hatakin sa isang sulok. Hindi ako mapakali habang sinusubaybayan si Maine. Bakit siya narito? Bakit siya naninigarilyo at umiinom ng alak? Ito ba talaga siya?

"Calm down. She'll be fine."

Tiningnan ko si Raven. "Hindi siya magiging okay kung hindi natin siya tutulungan. Paano kung may gawing masama sa kaniya ang lalaking 'yon?"

Hinaplos niya ang kamay ko. "Superman will never be late so, don't worry." Ginulo niya ang buhok ko. Hindi ko na-gets ang sinabi niya pero mas pinili ko na lang pagkatiwalaang may superhero na tutulong kay Maine kasi kung wala, ako na talaga ang hahabas sa mga gagong 'yon.

Teka nga, Charlee? Si Maine? Tapos 'yong lalaki, Charlie din? Sandali nga, parang may nabanggit si Maine noon na kaya ayaw niyang magpatawag sa first name niya dahil kapangalan niya 'yong ex-boyfriend niya na gusto niya nang kalimutan. Siya ba 'yong lalaking 'yon?

Pinanood lang naming magpakalasing si Maine. Grabe, naka-uniform pa pala kami ni Raven. Ngayon ko lang napansin. Mabuti, nakapasok kami kanina.

Hindi ko namalayang naka-idlip na ako sa balikat ni Raven. Hindi ko rin alam paano kasi sobrang ingay dito sa bar. Siguro dahil sa pagod. Napatingin ako kay Raven. Kita mo 'tong isa, naka-idlip din.

Agad kong ibinaling ang mga mata ko kung nasaan si Maine. Nakahinga ako nang maluwag nang makita siya. Mabuti naman. Akala ko, nawala na siya sa paningin ko.

Napanganga ako nang makita ko ang isang lalaking humawak sa kamay ni Maine. Nahampas ko pa si Raven para gisingin dahil sa mga nakita ko.

"Two thousand. Give me two thousand for touching my hand," sambit ni Maine kay Clark. Ito ba ang tinutukoy ni Raven na superman?

"Alright then, I'll give you what you want."

Binigyan naman ni Clark si Maine ng pera bago hinila. Shems! Bakit niya binigyan ng pera ang kaibigan ko? Parang sinabi niya na ring bayarang babae si Maine!

"Hey! Where do you think you're bringing her?" naaalarmang sigaw no'ng isang lalaki na nagpe-presyo sa iba't ibang parte ng katawan ni Maine.

"Far away from you!" sigaw ni Clark na para bang naging dahilan ng pagkabalik sa reyalidad ni Maine. Utang na loob, Maine! Gumising ka! Nariyan na si Clark!

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now