Chapter 20

702 34 6
                                    

Lumabas na ako sa kwarto ni Karen bago pa nila ako lubusang pag-trip-an. Ano bang iniisip nila na porque niligtas ako ni Raven ay ibubuwis ko na ang buhay ko para lang maging masaya 'yong tao? Paano naman ang kaligayahan ko? Gusto kong mamuhay nang payapa. Gusto kong mamuhay nang matagal dito sa lupa. At mangyayari lamang iyon kung muli kong iiwasan ang lalaking 'yon.

Napatigil ako sa paglakad nang matanaw ko si Raven na naglalakad sa pasilyo habang hila-hila ang swero niya. May hinahanap ba siya?

Muli ko na namang naalala ang nangyari kanina. Ang sandaling pagdikit ng aming mga labi. Napahawak ako sa labi ko. Tama! Kailangan ko nang makaalis dito! Akmang papatakbo na ako nang marinig ko siyang sumigaw.

"H-hey! Where are you going?"

Nagsitinginan naman sa akin ang ibang mga pasyente at nurse kaya wala akong nagawa kung hindi tumigil sa paglayo. Nilingon ko siya.

Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mga mata nang lumapit siya sa akin. Nakakunot din ang mga noo niya. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap!" matigas niyang sabi.

Napaatras naman ako. Kanina pa niya ako hinahanap? "Bakit? Ano na namang kailangan mo?" tanong ko nang hindi tumitingin sa direksyon niya.

"Kanina pa ako nagugutom," tugon niya na kaya napasilip ako sa itsura niyang parang nagpapaawa. Oo nga pala, hindi pa siya kumakain simula nang magising siya.

Kawawa naman ang isang ito. Gutom naman pala. Teka nga. "Bakit ako ang hinahanap mo? Nasa akin ba ang kaldero?" tanong ko.

"Dahil ikaw ang kukuha ng pagkain ko. Mukha bang kaya ko?"

Tumaas nang kusa ang mga kilay ko.

"Nakapunta ka nga rito, eh. Bakit hindi ka pa dumeretso sa bilihan ng pagkain?" Humalukipkip ako. Totoo naman kasi. Ano? Hinanap niya ako para utusan?

"Are you stupid? Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ko? Asikasuhin mo naman ako!"

Bakit ba siya sumisigaw?

Napatingin ako sa itsura niya.

Shems! Nakalimutan ko. Pasyente nga pala siya! Bakit kasi palabas-labas?

"Halika na nga!"

Hinila ko ang swero niya para sa kaniya. Tsk. Ginawa pa akong alalay ng isang ito. Nasa'n na ba kasi sila Clark? Akala ko ba bibili sila ng pagkain? Bakit hanggang ngayon wala pa rin?

Kinapitan niya ako bago siya umakyat sa kama niya. Hays. Para akong nag-aasikaso ng matanda, ah.

"Ano bang gusto mong pagkain? Bibili ako."

"Dito ka lang."

Kumunot ang noo ko. "Ha? Akala ko ba gutom ka na? Paano ako makakahanap ng pagkain mo kung dito lang ako?"

"Nagpadeliver na ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Deliver? Ano 'to? Bahay niya?Hospital ho ito at hindi bahay!

Maya-maya lang ay may kumatok. Pinagbuksan ko naman iyon at binigay sa akin ang isang malaking paper bag.

"A-ano 'to?"

"Buksan mo kaya."

Inirapan ko siya. Lahat na lang puro pambabara ng sagot. Wala na akong nakuhang matinong sagot sa kaniya! Ang hirap niyang kausapin!

Nilapag ko sa lamesa ang paper bag at tiningnan ang loob. Laking gulat ko nang nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng pagkain. Hindi ko alam ang tawag! Basta may dalawang bowl ng mainit na sabaw. Ang isa ay plain lang samantalang ang isa ay arroz caldo. Mayroon ding salad. Para namang kumakain ako no'n.

With You Forever (Forever Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora