Chapter 8

950 54 79
                                    

Ilang araw na rin ang lumipas at medyo nasasanay na ako sa atmosphere dito sa South Middleton University.

Nakakapanibago talaga noong unang linggo ng pasukan. Ilang beses akong naligaw. Sobrang lawak naman kasi talaga ng university na 'to, eh! Mabuti na lang, nakakauwi ako nang maayos.

Ewan ko ba, mahina talaga ako pagdating sa directions kaya palagi kong nalilimutan kung saan ako dapat dumaan. Isang araw nga, nalaman nila Maine at Karen ang nangyari sa akin last time na umuwi akong mag-isa, pinagtawanan nila ako pero simula no'n kapag may libre silang oras, sinasabayan nila ako palabas ng gate. Salamat nga sa kanila at lagi nila akong tinutulungan nitong mga nakaraang araw, kung wala sila hindi talaga ako makakatagal dito lalo na't laging masama ang tingin sa akin ni Xyrah. Literal, tuwing titingin ako ni susulyap man lang sa kan'ya dahil ramdam ko ring nakatingin s'ya sa 'kin napapaiwas na lang talaga ako ng tingin na para bang hindi ko s'ya nakita.

"So, close kayo ni Raven?" hirit na naman ni Karen sa akin. Nang malaman niyang pinahiram ako ni Raven ng p.e. uniform, hindi niya na ako tinigilan. Siya kasi ang pinakisuyuan kong magsauli ng paper bag tutal kaibigan niya ito at magkaibigan din si Raven pati na ang boyfriend niya.

"Hindi, ah. Ilang beses ko bang ipapaliwanag?" naiinis kong tugon.

"Oo nga, Karen! Huwag mo nang asarin si Heather, baka magkagusto pa siya do'n," sabat ni Maine. Kakampi ko ba siya o inaasar niya rin ako?

"Tigilan niyo na nga ako! Hinding-hindi ako magkakagusto roon! At isa pa, ayoko ng sagabal sa buhay. Masisira ang buhay ko."

Natawa naman silang pareho. Lagi na lang. Anong tingin nila sa akin, komedyante?

"Huwag kang magsalita ng tapos. Sa gwapo ni Raven, hindi ka tatamaan? Parang imposible yata."

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa yamot. "Imposible talaga. Utang na loob!"

"Tsk. 'Di bale, Maine, may isa pa silang kaibigang gwapo. Irereto ko sa 'yo para tatlo na tayong may engineer!" Napapalakpak pa si Karen habang bumubulalas ng 'perfect!' Nagkatinginan lang kami ni Maine at sabay na napailing.

"You're so ahead of yourself, Karen. As if Kurt will settle for someone lesser than me."

Napalingon kaming tatlo sa babaeng nagsalita. Si Xyrah. Naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin. Kumukulo na naman ang dugo ko! Kung hindi lang siya anak ng may-ari ng university na 'to, pinatulan ko na talaga siya.

"So, you're telling me I'm lesser than you?" kalmadong tanong ni Karen.

"Isn't it obvious? Kaya huwag kang masyadong magpakampante. You know how playful Kurt is. Baka isa sa mga araw na ito, hiwalayan ka na niya kapag nakita niyang hindi kayo karapatdapat sa isa't isa."

Napanganga ako. Bakit ba nangingialam si Xyrah sa relasyon ng ibang tao?

"At sinong karapatdapat? Kayo?" sabat naman ni Maine na siyang ikinagulat ko. "Hindi maka-move on, girl? Matagal na kayong wala ni Kurt at si Karen na ang girlfriend niya. Bakit ba nangingialam ka pa?"

Ex ng boyfriend ni Karen si Xyrah?

Bakit napapalibutan ako ng mga ex ng mga lalaki?

"Why don't you mind your own? Ikaw ba ang inagawan? Baka hindi mo alam, inahas lang ni Karen sa akin si Kurt. Kunwari pang nerd, pailalim din pala kung lumandi."

Napasinghap ako. Imposible naman yata 'yon? Napatingin ako kay Karen na ngayo'y tumahimik na.

"See? She became silent. Kaya mag-ingat ka sa pinagtatanggol at kinakaibigan mo. Hindi mo pa lubusang kilala si Karen and how bitch she can be."

With You Forever (Forever Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora