Chapter 10

854 55 31
                                    

Pumasok na kami sa loob ng hall kung saan nagaganap ang Acquaintance party. Sumalubong sa akin ang iba't ibang klase at kulay ng ilaw na sumasayaw sa kawalan. Maging ang malakas na tugtog at hiyawan ng mga estudyanteng nagkakasiyahan sa gitna.

Nagkalat ang mga booth sa paligid. Nagpunta kaming tatlo sa photobooth at nagpa-picture. Para kaming mga model sa mga posing namin. Tinuruan kami ni Karen.

Hindi pa ako masyadong nagtatagal pero sobra na ang sayang nararamdaman ko kasi ngayon ko lang ito naranasan sa buong buhay ko—ang makasama sa party at magkaro'n ng kasama. Dati noong fourth year highschool ako halos wala akong kinakausap dahil una sa lahat hindi nila ako kinakausap. Ang alam ko lang may isa akong kaibigan noong third year ako ngunit bigla siyang nawala nang walang pasabi. Minsan iniisip ko na lang baka nakalimutan ko lang pero baka nagpaalam talaga siya sa akin. Ewan, hindi ko alam.

"Heather, sabihin mo kapag hindi ka okay, ha?"

Natawa ako nang ngayon ko lang mapansin ang pangalang palagi nilang itinatawag sa akin.

"Oh, bakit ka tumatawa?"

"Wala, Jean lang kasi ang palaging tawag sa akin sa bahay. Ngayon lang may tumawag sa aking Heather."

"Ang unique kasi ng pangalan mo, Heather, kaya 'yon din ang napili kong itawag sa 'yo," sagot ni Karen.

"Oo, at saka para iwas rin na magkalituhan. Napapansin ko minan kapag si Sheen ang tinatawag, napapalingon ka. Siguro, akala mo Jean ang binabanggit."

Napakamot ako sa ulo ko. Napapansin pala nila 'yon?

"Kaya simula ngayon, we'll call 'you Hed." Napangiti ako.

"Nakakatuwa naman. Ginawan niyo pa ako ng nickname," sagot ko.

"Bakit hindi? Magkakaibigan naman tayo, Hed. Tsaka, para mabilis ka rin naming matawag at kami lang ang tumatawag sa 'yo no'n. Right, Maine?"

"Yes, yes. Mas better nga na 'Hed' na lang ang itawag namin sa 'yo. Ang cute nga ng Hed."

Nakangiti lang sila sa akin habang tinitingnan ako. Hindi ko mapigilang makaramdam ng saya gayong parang itinuturing din nila akong bunsong kapatid. Kung umasta sila at alalayan ako ngayon parang sila ang mga ate kong handa akong ipagtanggol sa kahit na sino.

"Umupo muna tayo roon sa dulo. Manood muna tayo ng mga activities," yaya ni Karen. Pumayag din ako dahil parang nangangawit na rin ang binti ko sa kakatayo. Ang taas pa naman ng heels ko! Mabuti pa ngang umupo muna kami.

Magkakatabi kaming tatlong umupo sa isang malaking table. Tiningnan ko ang buong paligid. May buffet din palang nakalatag doon sa gilid. Mukhang nilalabas na nila ang mga pagkain. Kainan na ba? 'Yan ang gusto ko!

"Mukhang may Battle of the Bands, ah. Ang bongga naman ng student council. So much preparation!" komento ni Maine.

Napatingin din ako sa stage na ngayo'y may mga nagse-set up ng mga instrumento.

Maya-maya lang ay nagsimula na nga ang sinasabi nilang labanan ng mga banda. Napakaangas ng mga bokalista at hindi masasakit sa tainga ang mga boses nila. May mga kumanta ng 'Jopay' tsaka 'Rebound' pati na rin ng 'Lips of an Angel'. Grabe ang solid. Pero ang pinakasolid ay 'yong panghuli.

Napangiti ako nang kantahin niya ang isa sa mga kantang pinasikat ng Paramore. Napapasabay ako.

"I should be over all the butterflies, I'm into you. And baby even on the worst nights, I'm into you. Let them wonder how we got this far, 'cause I don't really need to wonder at all. 'Cause after all this time, I'm still into you."

Napapa-headbang pa ako dahil sobrang cool ng kumakanta sa stage. Kumpara sa mga lalaking kumanta kanina, mas malakas ang dating ng babaeng iyon.

"Hed, marunong ka palang kumanta?" tanong sa akin ni Karen na ikinagulat ko. Narinig ba nila ako?

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon