Chapter 1

4.1K 98 238
                                    

This book takes place in the year 2015.

*****

"Jean!"

Napamulat agad ako nang marinig ko ang boses ni mama. Agad akong bumangon sa higaan para puntahan ang dakila kong ina na hinding-hindi nagsasawang mahalin ang maganda n'yang anak na walang iba kundi AKO! Oo, ako, dahil bukod sa unica hija niya ako, maganda naman talaga ako.

"Po?" walang kagatul-gatol kong tanong kay mama habang kinukusot ang mga mata ko at tinatanggal ang muta.

"Anong oras ka na naman ba natulog kagabi? Napuyat ka na naman sa pagsusulat, 'no?"

"Ma, nag-update lang po ako. Nakakaawa naman kasi 'yong mga readers ko. Naghihintay sila sa akin. Nangako kasi ako sa kanila na magde-daily update ako. Ayoko namang umasa sila sa wala. Palagi na nga silang pinapaasa, dadagdag pa 'ko?" sarkastiko kong tanong. Napahikab pa ako dahil totoong napuyat nga ako sa pagta-type kagabi. Inabot na nga yata ako ng alas tres ng madaling araw.

"Puro ka hugot! Ano bang sinusulat mo? Baka puro kalokohan lang naman yata? Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Sige ka, mababawasan ang kagandahan mo," banta ni mama na ikinabahala ko. Agad akong tumingin sa salamin. Cute pa rin naman ako kahit may eyebags.

"O s'ya, tama na ang tingin sa salamin at ibili mo muna ako ng toyo sa tindahan para maluto ko na 'yong manok."

Binuksan ni mama ang pitaka niya at nag-abot sa akin ng barya.

"Ma? Did you see? Kagigising ko lang, uutusan n'yo kaagad ako."

Agad naman akong nakatanggap ng batok mula kay mama.

"Anong 'did'? Can't you see 'yon! Buti na lang talaga maganda ka."

Sabi ko nga.

"Mag-bike ka na lang. Nand'yan naman ang bike ng kuya mo. Maghilamos at magmumog ka muna bago ka bumili ha," paalala ni mama tsaka niya ako tinalikuran at naghiwa ng sibuyas at bawang.

"Nasaan po ba si Kuya?" pag-iiba ko ng usapan habang ginagawa ang mga paalala ni mama.

"Hindi ba nga, ka-ga-graduate lang n'ya ng college? Ayon, naghahanap—"

"Ng forever?" pagputol ko sa sasabihin ni mama. "Nako, wala s'yang mahahanap, mama. Pramis. Signal meron pa, pero forever? Nah available. Kenah bee rich."

"May hawak akong kutsilyo, Jean."

Kinuha ko na lang ang perang nilapag ni mama sa lamesa bago ako padabog na naglakad papunta sa bakuran kung saan naroon nakatambay ang bisikleta ni kuya Jake.

Ang taas na pala ng araw kaya nakakasilaw na rin. Kung mag-shades kaya ako? Kaso papasok na naman ako sa loob. Huwag na nga!

Binaybay ko na ang daan paalis ng bahay. Wala naman kasi akong magagawa kung hindi ang sumunod kay mama, syempre nanay ko s'ya at anak n'ya ako. Alangan namang s'ya ang sumunod sa akin, 'di ba?

Bakasyon ngayon kaya nasa bahay lang ako, at isang dakilang utusan ni mama. Daig ko pa ang nagpa-part time job ngayon, ang kaso lang, walang sahod. Minsan naisip ko, h'wag na lang kaya akong mag-aral tapos mamasukan na lang akong kasambahay sa bahay namin para pasahurin ako ni mama. 'Di ba? Ang talino ko talaga buti na lang may sentido komon ako. Kasi 'di ba kung gagamitin natin ang isang daang porsyente ng ating utak, bakit pa tayo mag-aaral kung mamamatay rin naman tayo?

Anyways, ayoko sanang magpakilala dahil paulit-ulit na lang nagpapakilala ang mga bida sa unahan ng kwento pero gusto ko kasing malaman niyo ang maganda kong pangalan.

Ako nga pala si Heather Jean Duerre. Hindi ko alam kung bakit gan'yan kaganda ang pangalan ko siguro dahil talagang binagay sa mukha ko. Ehem, ganda ko talaga. Kagigil.

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now