Chapter 17

678 38 18
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising. Promise, ang saya pala sa pakiramdam ng hindi mo kailangang magmadali sa pagpasok kasi alam mong maaga kang nakakilos at may sobra ka pang oras. Sana pala, mas maaga akong natutong magising nang maaga. Kasi tama naman na kapag nagmamadali madalas nagkakamali. Shems, aga-aga.

Pagkalabas ko ng bahay ay may nakita akong kotse. Kanino naman kaya ito? At bakit sa harap pa ng bahay namin pumarada?

Wait, parang kilala ko ang kotseng 'yon. Doon ko napansin na may isa palang lalaki na kanina pa nakasandal doon at tinititigan ako.

"Hoy, Clark! Ano na namang ginagawa mo rito?" sigaw ko.

"Good morning too, Jean," mapang-asar na bati niya. Talaga naman. Bakit na naman siya narito? "Sabay na tayong pumasok."

Napakamot na lang ako sa batok ko tsaka siya sinunod. Wala naman akong magagawa. Narito na ang grasya, maglalakad pa ba ako?

Mabuti na lang at hindi ako nauntog kung hindi ipapamukha ko na talaga sa sarili ko na ang tanga ko.

"Anong oras ang una mong klase?" tanong niya.

"7:30 a.m., ikaw?"

"Pareho pala tayo. Anong oras na ba?" Tanong niya pa. Tiningnan ko ang relo ko. "6:45"

"Kain muna tayo?" pag-aalok niya. Aba. Hindi ko 'yan tatanggihan. Sakto at walang almusal kanina kasi tulog pa si mama.

"Libre mo ba?"

"Pwede."

Hindi naman sa sinasabi kong patay-gutom ako pero ayoko namang tanggihan ang grasya dahil baka hindi na ako pagpalain pa. Ipinarada niya na ang kotse niya. Bumaba na rin ako.

Naglakad kami papuntang coffee shop sa loob ng school. Bongga nga eh, kasi ngayon ko lang nalaman na may lugar palang ganito sa South Middleton University. Sabagay, dahil mabilis akong maligaw, hindi ko na sinusubukan pang maggala.

Pagkapasok namin, tulad ng napagkasunduan nilibre niya ako. At injerness, ang sarap no'ng binili niyang blue very chest cake. Ngayon lang ako nakakain nito, eh. Akala ko boboforevs na ako, wala nga palang forever! Duh!

"Hindi ka naman gutom niyan?" tanong niya habang humihigop ng binili niyang kape na malay ko kung anong pangalan. Hindi ako nagpabili ng kape dahil hindi ako umiinom no'n. Tsaka nakakahiya na. Tama na 'tong masarap na gawa sa bluevery na pagkain.

"Sinusulit ko lang. Minsan lang ako makaranas ng libre," sabi ko sa kaniya habang nginunguya ko 'yong pagkain ko. Tumawa siya.

"Cute."

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. Anong cute? Ako?

Sinamaan ko siya ng tingin. "Teka nga muna, Clark. Magkalinawan tayo. Bakit mo ba ako sinundo at nilibre rito?"

"Gusto ko lang humingi ng pasensya dahil sa nagawa ko kahapon. Alam ko, hindi ko dapat sinabi 'yon sa harap ni Raven."

Tinutukoy niya ba ang pag-anunsyo niya sa madla na liligawan niya ako?

"Gulat nga ako sa 'yo, eh. Bakit mo naman ako liligawan? Eh, wala ka namang gusto sa akin."

"Hindi ka sure."

Napanganga ako at sinamaan siya ng tingin.

Natawa naman siya. "I'm convinced. The way you react is cute." Tumango-tango siya. Teka nga, bakit parang nagkapalit sila ng pag-uugali ni Raven? Sa pagkakatanda ko, na-offend ako sa mokong na 'to noon dahil binastos niya si Maine, eh. Bakit parang ang bait niya yata?

Mga lalaki talaga, magugulo.

"Hay nako, Clark. Huwag nga ako. Six footer ang gusto ko kaya, hindi ka talab sa akin."

With You Forever (Forever Series #1)Where stories live. Discover now