Chapter 13

691 42 19
                                    

Napabuntong-hininga ako. Ilang oras na kaming narito sa room at wala man lang dumadaan na guard para magdouble-check kung may mga naiwan pang estudyante. Hello? May tao ho rito!

Kanina pa ako sumisigaw at kumakalampag ng pinto pero wala talagang silbi. Si Raven naman naroon lang sa sulok at walang inaambag na tulong. Wala talagang kwenta. Paano kaya kami nito makakalabas? Baka abutin na kami rito ng umaga.

"Sinasayang mo lang ang lakas mo," komento niya. "Kung ako sa 'yo, natutulog ka na."

Napabuga ako. "Paano ako makakatulog kung narito ka? Mamaya may gawin ka sa 'king hindi maganda!"

Narinig ko siyang tumawa. "May girlfriend ako. Sa kaniya ko lang gagawin 'yon."

Inirapan ko siya. Eh, 'di siya na ang loyal. Tsk. Wala bang epekto ang kagandahan ko sa kaniya? Anyway, mabuti na 'yon at nagkakalinawan kami.

"Mabuti naman at nagkabalikan na kayo. Tanda ko pa 'yong itsura mo noong nakita mo siya," sambit ko. "Para kang hindi mapalagay na ewan."

"Yeah, and I was so mad at myself that I made her jealous that day. But you see, that was effective. Bumalik siya sa akin noong nalaman niyang ikaw ang girlfriend ko."

Muntikan nang dumugo ang ilong ko sa English niya. Mabuti na lang may tinagalog siya at nakuha ko pa rin ang sinasabi niya.

"Syempre, sinong hindi mate-threaten? Sa ganda kong 'to?" Wow, threaten? Saan ko na naman nakuha ang salitang 'yon?

"Sa'n banda?" natatawa niyang hirit.

"Buong mukha! Hindi mo ba nakikita? Ang ganda ko kaya! Hindi malabong lahat ng lalaki rito, magkagusto sa 'kin. Mabuti na lang pihikan ako."

Muli, natawa na naman siya. Ano bang nakakatawa sa sinasabi ko? Mukha ba 'kong joke?

"Mabuti na lang pihikan ka," saad niya ng may pagkasarkastikong tono. Anong ibig niyang sabihin, ha?

Hindi ko kita ang mukha niya pero aninag ko kung nasaan siya. Naroon siya sa gilid at nakasandal sa pader habang ako ay malapit dito sa pinto.

"Syempre, gusto ko mas matangkad sa 'kin. Six footer, gano'n. Tapos matalino, mabait, at gwapo! Magaling kumanta, sumayaw, magluto—"

"Ang dami mo namang qualifications. Pustahan sa kumbento na ang bagsak mo."

Inirapan ko siya kahit hindi naman niya kita. Kung malapit lang siya sa akin, baka nakurot ko na siya. Basag trip, eh.

"May kilala akong ganiyan—six footer, matalino, mabait, gwapo, magaling kumanta, sumayaw at magluto," litanya niya.

Lumawak ang ngiti sa mga labi ko. "Talaga? Sino?"

"Kaso lang may sabit, eh."

"Sabit? As in bakla?"

"Hindi, may girlfriend na, eh."

"Ay gano'n? Sayang naman. Sino ba 'yang tinutukoy mo? Baka may pag-asa pa ako. Tutal, wala namang forever, baka magbreak sila ng jowa niya. Tapos, ayon, ako na bahala."

Natawa na naman siya. "Gusto mong malaman kung sino?"

"Sino?"

"Ako."

"Yak!" sigaw ko. "Mamatay na lang akong dalaga."

"Diring-diri?" Narinig ko ang tawa niya. "Sabagay, hindi ka naman mamamatay nang dalaga."

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Kasi hindi kami maghihiwalay ni Sheen."

Kusang tumaas ang gilid ng nguso ko. Walang forever, gago!

With You Forever (Forever Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon